CHAPTER 4
June 29, 2012 friday
KC
Crush ako ni abby? Wow. Ganun na ba talaga ako ka gwapo? Hahah jk. Nananaginip ba ako? Sana hinde. Kung sakaling nananaginip nga ako sana hindi ako gisingin ni ate hahah. Nakaka gulat lang talaga. Totoo lahat ng sinabe ni JL. Hay maka tulog na nga.
- • - • - • - • - • -
" Hindi kita crush ano kaba na babaliw ka lang! Hahah" sabi ni abby "hindi nga? Sabi nila andrea eh" sabi ko. Baka nga hindi totoo baka niloloko nga lang nila a--
"KC! KC! Gising na! Ma la-late kana!!" Sigaw ng dambuhala sa panaginip ko. "KC!" Sigaw ni ate at pinalo ako sa may braso. Hindi pala dambuhala yun si ate pala yun hahhaha "eto na po! Gising na po!" Sabi ko. Tapos bumangon na ako at nag handa na. Pagkatapos ko mag handa pumunta na ako sa may dining table. Tinignan ko yung oras 6:05
"ATE BAT MO KO GINISING NG MAAGA! ANG AGA AGA PA EH!!" Reklamo ko. Kasi naman may pa late late pa ang aga aga pa! "Ayaw mo yun maaga ka" sabi ni ate pat. Nga naman. Pero mabuti narin yun masama yung na panaginipan ko. "Kumain kana apo" sabi ni lola. "Sige po"sabi ko at naupo na para kumain. "Lola ma una na po ako." Sabi ni ate tiara "hindi mo na hihintayin kapatid mo?" Sabi ni lola. Hay nako lola hayaan mo na. "lola kaya niya naman po mag isa" sagot ni ate tiara hay nako. "Sige na mauna ka na ate" sabi ko. "Alis na po ako lola" sabi ni ate tiara "hay nako. Sige na. Ingat ka ha." Sabi ni lola. Mga ilang minuto bago makaalis si ate tiara. umalis na din ako.
-:-:-:-:-
Pagdating ko sa school nakita ko si celyn paakyat may dalang gamit. sinabayan ko na siya at kinuha yung gamit na dala niya "uy wag na! ako na!" sabi niya. "Hindi sige okay lang ako na." sabi ko.
Syempre kailangan din maging gentleman "ako na!" sabi niya. hay nako napaka kulit naman nito. nilayo ko sakanya yung gamit niya at sinabe "ako na." at sumeryoso mukha ko. "okay sige" sabi niya.
Medyo tahimik kami nung paakyat na kami. Awkward... "Kamusta kana?" tanong ko sakanya.
para naman hindi awkward at tahimik. "okay lang naman. ikaw kamusta ka?" sagot niya. "okay lang din." sagot ko. natahimik na ulit kami hanggat sa nakarating na kami sa class room. binigay ko na sakanya yung gamit niya "thank you ah." Sabi niya. "wala yun! sige papasok na ako sa classroom namin ah" sabi ko at tinuro ko yung kabilang classroom. "sige thank you ulit bye!" sabi niya at pumasok na siya sa classroom nila.
Pumasok na rin ako sa classroom namin. grabe ang ingay. pumunta na ako sa upuan ko.
biglang lumapit sakin si JL "oh ano? Naniniwala kana ba?" tanong niya. "Oo na. naniniwala na ako. tinanong ko si andrea kahapon" sabi ko sakanya. "Sabi nga niya. ayaw mo pa maniwala sakin" sabi niya ng pa cool. haisst. si JL talaga tsk. tsk. "osige na! naniniwala na ako." Sabi ko sakanya. "ABBY!!" Bigla niya sinigaw. ano ba tong si JL!! "NANINIWALA NA NGA AKO!!" sabi ko sakanya ng pasigaw. "ABBY!! TARA D--" pinutol ko na yung sasabihin niya. tinakpan ko na yung bibig niya. NAPAKA INGAY KASI EH!! ANG KULIT PA!! nag lalakad si abby papalapit saamin "bakit?" Sabi niya "JL! Bakit?" Tanong niya kay JL "wala wala!" sabi ko. "di ba JL wala?!" Sabi ko kay JL "ah oo wala! wala yun abby" sabi ni JL "sure kayo? wal--" "si maam!!!!" Naputol yung sasabihin niya kasi yung classmate namin sumigaw. lahat sila balik sa pwesto. "papahamak mo pa ko! Dun ka na nga!" sabi ko kay JL at bumalik na siya sa pwesto niya.
CELYN
"Ano nanaman??" tanong ko kay clyde. Hay nako nangungulit nanaman siya -.- "wala lang." sabi niya. wala lang? bat pa siya nandito? haist. "wala lang pala eh. bat nandito ka?" tanong ko sakanya. "bakit? masama ba?" tanong niya. ano nanaman kaya trip neto! hay nako!!! "Hinde" sabi ko nalang.
"Hindi na---" "SI MAAM NANDYAN NA!!!" Sigaw ng kaklase naming si deej.
"Dali na bumalik kana sa upuan mo!" Sabi ko at tinulak ko na si clyde papunta sa upuan niya. hay salamat deej!
-----
Natapos na ang tatlong subject namin at sa wakas recess na rin! gutom na gutom na ako. kaya napaka sungit ko kay clyde kanina.
"Mariel!! Mishel!! Tara na! Gutom na ako!" sabi ko. "saglit lang!" sabi naman ni mishel. hay nako kahit kelan. "tara na!" sabi ni mishel.
Nung naka baba kami... May sumusunod nanaman saamin. hay nako! ayaw ako tantanan nito!
Hindi ko muna siya pinansin dahil sa gutom. bumili na agad ako ng burger. pag ka tapos ko bumili nagulat ako pag ka talikod ko nandun na siya. sinong siya? sino paba! edi si clyde! ayaw ako tantanan!
"Hello celyn!" sabi niya sabay ngiti. sarap suntukin jokee. bad yun. "Hi!" sabi ko nalang "hi lang?!" tanong ni arturo. Nako! napaka siga neto! "ANONG GUSTO MO SABIHIN KO HA?!" sabi ko kay arturo ng pa siga. napaka siga eh. "wala wala" sabi ni clyde "yun naman pala e!" sabi ko. ng matapos ng makabili si mishel sabi ko.. "sige mauna na kami" sabi ko sakanila sabay hila kila mariel at mishel.
Nang pa akyat na kami biglang nag salita si mariel
"Bakit ang laki yata ng galit mo kila clyde?" sabi niya saakin "oo nga!" panang ayon naman ni mishel. "huh? hindi naman ako galit sakanila" sabi ko. "anong hindi! sinisigawan mo nga kanina" sabi naman ni mishel.
hay kung kayo kaya nasa kalagayan ko? Hindi naman kasi ako galit naiinis lang ako kanina. "Hindi naman ako galit. Sinisigaan ko lang si arturo hahah! ang siga kasi" sabi ko. totoo naman ang yabang yabang pa! "hahaha lalaki kana ngayon? hahahaha pero tama ka! napaka siga nun!" sabi ni mariel.
"kala ko nung first day napaka bait!!" sabi ni mishel "yun pala hinde!" pag tuloy niya. "Oo nga eh sayang lang yung gwapo nun!" sabi ko. gwapo sana e! kaso hindi maganda ugali tsktsk. "yieee gwapo daw!!" sabi ni mishel hahah ew. "oi ikaw ah pinagpalit mo na si KC!" sabi namn ni mariel. HAY NAKO YAN NANAMAN! "ANONG KC KA D---" "ay simon nga pala" pinutol ni mariel yung sinasabi ko. nako nako! "pwede tumahimik nalang kayo!" sabi ko sabay subo ng burger. tumawa lang sila. hanggat sa nakarating kami sa room.
-----
Lunch time
Hay salamat Lunch na. Dun kami dumaan kung saan nandoon yung faculty. Nakita namin si KC. "KC salamat nga pala dun sa kanina!" Sabi ko. Wala lang gusto ko lang mag pasalamat. "Ah wala yun! Sige mauna nako! Bye!" Sabi niya at pumasok na sa room nila. Habang pababa kami ng hagdan biglang nag tanong si mariel "bakit? Ano meron kanina?" Tanong niya. "Ah wala dinala niya lang yung gamit ko, nung paakyat ako." Sabi ko. Dapat pala hindi ko sinabe baka asarin nanaman ako neto -.- "yieeee hinatid ka niya??" Sabi ni mariel. Sabi na eh. Hay nako. "Ah o---" "kaya pala nakita ko siya kanina" biglang sinabe ni mishel "nakita mo siya kanina?" Tanong naman ni mariel. "Kakasabi ko lang diba? Oo nakita ko siya kausap si celine" sabi ni mishel "sorry naman. Yieeee hinatid siya kahapon! PBB teens??" Sabi mariel hayy kelan kaya toh titigel? "Hay nako! Tara na nga guys! Nagugutom nako pramis!" Sabi ko at nag lakad na.
------
Sorry medyo natagalan hihihi sobrang busy eh. Soryy kung maikli din peace guyss
BINABASA MO ANG
Tadhana
Teen FictionTadhana. Isang tadhana ang nag papatibay sa kanila. please read my first book. :)