My first ever blog! I just happened to lie down one late morning with nothing to do. Bigla na lang din pumasok sa isip ko lahat 'to kaya, 'yan! My pleasure to share my random thoughts with you. ;)
-----
Totoo naman diba na hindi lahat ay naibibigay sa isang tao? Siguro pinagkalooban ka ng ganda pero pwedeng hindi ka karunungan. O kaya naman magaling kang kumanta, sumayaw, gumuhit at magaling din sa sports pero hindi naman ganun kagandahan o kagwapuhan. Siguro nga yun ang paraan ng Diyos para mapanatiling pantay pantay ang mga pinakamagaling nyang nilikha - ang mga tao.
Iilan nga lang siguro talaga ang biniyayaan ng HALOS lahat. Pero wala siguro talagang nabigyan ng totoong LAHAT. Pano ba masasabing LAHAT ay nasa isang tao na? Kung maganda ang panlabas at panloob na anyo at marami ring kayang gawin? Ganon nga ba? Kung mayroon mang taong ganun, siguro ay kinaiinggitan na sya ng marami - ng mga ordinaryong tao lang.
Pero dapat nga ba tayong mainggit sa mga taong sa tingin natin eh nakakaangat satin pagdating sa mga bagay na mayroon ang isang tao? Dahil din dito siguro kaya marami ang tinatalikuran ang sarili at sinusubukang maging yung taong hinahangaan o kinaiinggitan nya na ibang iba sa kanya mismo. Ano ba'ng dinudulot nito sa kanya? Sumasaya kaya sya dahil sa ginagawa nyang yon? Oo siguro, pansamantala. Yung mga oras ba na sa tingin nya e nakakamit na nya yung gusto nyang itsura o pagkatao mismo? At lalo ang atensyon na pinagkakaasam-asam nya? Na maraming tao na rin ngayon ang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa at sumusubaybay sa bawat kilos nya na dati ay sya ang gumagawa? Hindi sya sikat sa lagay na yon kundi kahit man lang yung mga taong nakakakilala sa kanya. Siguro sa mga oras na yun ang sarap sa pakiramdam, pero sa gabi pag patapos na ang araw at matutulog na sya, di kaya sya binabagabag ng boses sa loob nya? Na malayo ang totoong sya sa taong pinapakita nya sa maraming tao paglabas ng bahay.
Subukan na lang kaya natin mas kilalanin pa ang sarili natin. Sino ba ako? Ano ba ang meron ako? May mga tao bang nagmamahal sakin? Nakikita ko ba ang mga bagay na ginagawa at isinasakripisyo nila para sakin? Ano ba ang kaya kong gawin? Ano ba ang papel ko dito sa mundo?
Isipin na lang siguro natin na bilang isang taong biniyayaan ng kung anong meron tayo, may dapat tayong paglaanan ng oras gamit ang mga ito. Siguro tama na ang pagtingin ng napakababa sa sarili natin, tayo rin kasi ang maaapektuhan. Tuwing makakakita tayo ng mga taong nakaka-"intimidate", sabihin na lang natin sa sarili natin na "ginawa ako ng Diyos na ganito at ipinagpapasalamat ko ito".
Pinakamaganda siguro na gaano man kaliit, kakonti o kasimple ang mga bagay na meron tayo at kayang gawin, sinusubukan nating palaguin at palawigin pa yun. Kung hindi man, ay dapat sigurong tuklasin pa natin. Malay natin, naghihintay lang yun na ilabas natin para masabi natin sa sarili na kuntento ako sa AKO. Na hindi ko kailangang ipilit sa sarili ko na maging hindi ako. Gets?
Yung iniintay mong tunay na ligaya, yung tagumpay, hindi naman nakukuha yan sa pitik lang ng daliri o sa paglipas ng gabi. Kailangan din nating matutong magkaron ng PATIENCE lalo na ng FAITH na balang araw ay makakamit mo yun. Maaaring mahaba, matagal at mahirap ang proseso, pero subukan na lang natin na i-enjoy ang bawat hakbang para naman masulit ang buhay. Wag nating kakalimutan na may mga tao sa paligid natin na nandyan para tumulong at samahan tayo sa paglalakbay na yun. Tandaan natin, mas masarap ang tagumpay pag alam mong pinaghirapan, pinaglaanan ng panahon at binuhusan ng dugo't pawis.
IF YOU WON'T HELP YOURSELF, NO ONE WILL. WHY DREAM TO BE A DUPLICATE WHEN YOU CAN BE YOUR BEST ORIGINAL? God bless! <3
🏁🏁🏁
-----
Sana pagkatapos/habang binabasa nyo 'to, napangiti kayo. :) Enjoy life! Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
Your Best Original (Taglish Blog)
Non-FictionMinsan 'di natin naiiwasan na ikumpara ang sarili natin sa ibang tao, karaniwan eh yung mga taong sa tingin natin ay mas angat satin. Lingid din sa kaalaman natin na tayo rin ang naaapektuhan nito nang 'di maganda...