THREE

3K 108 16
                                    

~~~~~

"May bisita pala tayo, Ma?"

Lumingon ako at tinignan siya.

"How are you ate?" Thirdy asked me.

Tumayo ako at lumapit naman sa akin si Thirdy. "I missed you ate." Sabi niya sabay yakap sa akin.

"I missed you more, Thirdy." I said and smiled.

Ngayon alam ko nang wala na silang tampo sa akin sa bigla kong pagkawala sa buhay nila noon.

"Buti naman bumalik ka ate. Akala namin hindi ka na talaga babalik, malala na nga tampo sayo ni Dani eh." Sabi niya pa at natawa naman ako sa reaksyon ni thirdy.

"Anak, tara na kain na." Sabi ni Tita at naglakad na si Thirdy palapit kila Tita.

"The heck! Danielle nag-shopping ka na naman. Punong puno na nga ang cabinet at kwarto mo eh." Sabi niya nang makita ang mga paper bags sa tabi ni Dani.

"No. I'm not. This is Ate Alyssa's pasalubong to me. Heh! Ate loves me so much. Inggit ka na naman." Umirap pa si Dani sa kanya.

"Ate ano to? May favorite ka na ngayon sa amin ni Dani ha." Sabi niya na medyo nakasimangot pa.

"Bilisan mo dyan at bumalik ka sa living room, nandoon yung sayo." Sabi ko and sipped my juice.

Tumayo naman si Thirdy at nagmadaling pumunta doon.

"Hay nako Alyssa mukha pa din silang mga bata. Mga wang pinagbago talaga." Tita mozzy said and I can't help but to laugh. Ganito din silang dalawa dati palaging nag-aaway, pero sa huli tatahimik na din si Thirdy at yayakapin pa si Dani.

"You're the best Ate in the whole world. A Balenciaga sweater? Hindi ka na kuripot ngayon ha." Sabi niya at niyakap ako ulit. "Thank you, Ate Ly."

"Baliw, naka sale kasi yang mga yan kaya binili ko na. Syempre kapit tayo sa sale." Sabi ko at nagtawanan sila.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagtatawanan. At hindi ko mapigilan na ngumiti dahil sa mga nakikita ko. Nakakamiss silang lahat, ang mga kwentuhan na ganito. Nakakamiss pala talaga.

~~~~~

"Ate, What's your favorite place in Boston? Saan ka palagi doon?" Dani asked me.

Kakatapos ko lang maligo, imbes na sa kwarto na bigay ni Tita ako matulog naglambing si Dani na dito na lang daw muna ako sa room niya. Nagdiretso naman ako sa bag ko at kinuha doon ang suklay ko.

Hindi na ako pinayagan nila Tita Mozzy na umuwi buti may mga naiwan pa akong damit dito kaya may pamalit din ako.

"Sa apartment lang ako, Dans. Minsan kapag nayaya lang ng mga workmate doon lang ako umaalis. Usually sa mga malls and parks lang kami nagpupunta." I said at lumapit na sa kama niya.

Nakatingin si Dani sa laptop niya at ng silipin ko to nakita ko ang tinitignan niya. Mga landmarks sa Boston. Dati pa lang gustong gusto na ni Dani na magtravel. Marami nga kaming plano noon.

"So, Nagpunta ka na din sa New York?" Dani asked me.

"Yes, once lang. Nayaya lang ako nang mga workmate. Grabe New York is beyond perfect, Dans. Yun lang talaga marami na din tao pero ang ganda pa din." Sabi ko at hinawakan ang buhok niya.

"The Brooklyn bridge? Is it beautiful? Did you take pictures ate? Please tell me you did, I want to see your ootd ate." Dani said at napatawa na ako.

"It is. It's beautiful, Dani. and yes I did.  Hindi ko na lang alam kung magugustuhan mo yung mga ootd ko. Masarap kasing mag-experiment dahil malamig diba kung anu-ano ang nilalagay ko para malagyan ko naman ng style." Sabi ko at nahiga na.

The Beauty in You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon