Friends?
Oo tama ka ng nababasa FRIENDS
Kaibigang naging magkaaway realquick
Kaibigang nawalay sa isa't isa, oo nawalay ng dahil lang sa isang maliit na bagay.Kaibigan, akala ko ba ang sabi mo walang magbabago?
Akala ko ba nangako tayo sa isa't isa na walang susuko?
Pero ano? Ano itong nangyayari satin ngayon?Parang lahat ay nag laho na
Lahat ay nagbago na
Lahat ay unti unting nawawasakSa anong rason?
Dahil ba to sa mga ginawa ko?
Mga ginawa kong pang aasar?
Mga ginawa kong parang hindi tama?Kaibigan, ano ba talaga tayo?
Magkaibigan nga ba? O plastikan lamang?Akala ko ba ang tunay na magkaibigan ay nag aasaran?
Akala ko ba ang tunay na magkaibigan ay nag uunawaan ng kanya kanyang trip?
Akala ko ba? Akala ko ba ang magkaibigan na kahit mapahiya kayo sa isa't isa ay ayos lang.Pero bakit ganito?
Parang lahat ay naglaho na
Kaibigan sana iyong ipinaunawa ang iyong rason, iyong rason kung bakit unti unti kang nanlalamig.
Kung bakit unti unti kang nagbabago?Kaibigan ano nga ba ako sayo?
Isa nga ba akong laruan sa iyong paningin?
Isa nga ba akong uto utong tao sa iyong paningin?
O di kaya nama'y ako'y iyong ginamit?
At kinailangan sa oras na kailangan mo ng tulong?Kaibigan lahat ba ay isang laro lang para sayo?
Sana nga, sana nga nung una palang ay iyong isinabi ang iyong pakay, iyong gustong gawin.
Pero kaibigan, ako'y nagpapasalamat sa mga panahon at kabaitang iyong ibinigay at ipinakita sakin.
Pero iyong tandaan minahal kita bilang isang tunay na kaibigan.
Salamat at paalam aking kaibigan💖
.......
Hope you enjoyed reading this😅💖
Dedicated po ito sa bestfriend kong iniwan💔Follow and I'll follow back
Vote babies💖
YOU ARE READING
Inspired Mind (Unspoken Poetry)
RandomThis is a Poetry that is only made up by my emotinal thoughts Tagalog-English book. "Made from my thought's and Feelings😊❤💕"