Noong nagsimula na, agad ko itong idinagdag sa mga listahan, kahit may halong pagdadalawang isip. Ang tiwala na rin kay Pilosopotasya sa pagsusulat ang naghikayat sa aking basahin ng tuluyan ang Love Songs For No One.
I'm really confused whether to use He/She when it comes to lesbian but because of the trivia Pilosopotasya is giving every end of the chapter, it's more clear now on how to address them, keyword; magtanong ngunit maging magalang :)
Kilala si Kaye Cal bilang isang sikat na mang aawit sa Pilipinas, kilala rin syang lalaki ang tindig kahit na siya ay biologically a girl, but, this FanFiction story justified on how we see Kaye Cal physically by hearing his thoughts, not just his music, I mean, yea. Pinaintindi sa akin ni Kaye na kahit mahirap mag adjust sa paligid mo, kailangan mong lumaban in this cruel world to stand on what you think is right for you.
Pinakatumatak sa akin na linya ay ang "Mas maayos nang kumapit na lang sa katotohanan kaysa umasa sa pantasya" kasi napaisip ako na ang mga pangarap ay dapat pinagtatrabahuan at hindi isinasantabi, yung tipong iisipin mo lang na magtatagumpay ka tapos walang gawa. Take note the "faith without action is dead" na sinasabi sa Bible, gantong punto pinadating saken ng statement na 'to.
Dagdag appeal sa story yung Commentator, kasi pakiramdam ko talaga sa wholerun ng story e kinakausap lang ako ni Rayne, sanay nako sa 3rd POV sa mga story ni Pilosopotasya, pero dagdag flavor talaga yung Comments, yung tipong mapapa "hahhaha at oo nga no" ka nalang.
Sobrang light nung atmosphere na bumibigat dahil sa tapunan ng linya at hugot. Naaalala ko tuloy yung That Thing Called Tadhana ni Angelica at JM, palakad lakad lang, usap, pero yung emosyong dala, mapapa WTF ka nalang.
Everytime naririnig ko ang Isang Araw na kanta ni Kaye, naaalala ko yung want and need niya na makasama ulit si Rayne kahit isang araw lang, nabigyan ng ibang meaning yung kanta dahil sa story para saken, masaket pero pag naiisip ko kung pano yung resolution dun, natatahimik puso ko <3
Kamahal mahal ang LS4N1 di lang sa lesson na natutunan ko kundi, kung paano nito pinagaan ang mabibigat na linyahan, ang corny ni Rayne at Kaye, pero ang lalim ng hugot nila. Maiisip mo talagang you cannot easily deem a person happy when she's laughing so hard or when she cracks a very funny joke, because behind all that, a person wanting someone to understand and read.between.the.lines. Ganyan kasi ako, kaya ako na hook sa storya, di man parehas ng sitwasyon pero mga realizations ko during the whole run of the story, swak na swak ang paghihintay gabi gabi.
Question:
Paano nakakaloka in a positive ang LS4N1?
- Noong pinigilan ni Rayne ang sariling isuplong si Kaye sa mga babae noong gabing iyon ;) hihi