Miss Asa sa Forever Part 1

38 1 0
                                    

        "Masarap magmahal lalo na kung mahal ka rin ng gusto mo. Yung feeling na kinikilig ka, parang lumulutang sa ere at pakiramdam mo ay prinsesa ka ng sarili mong telenobela." Para sa akin ang pag-ibig ay isang fairytale kung saan ako ay isang prinsesa at balang araw darating ang aking prinsipe na siyang magliligtas sakin sa sugat ng nakaraan. Ngunit ang paghahanap sa aking prinsipe ay Hindi ganoon kadali, Ilang beses na rin ako nasaktan, naloko, iniwan at nagkamali.  Ako si Zyverssa "Yves" Mantoza. Laki sa probinsya, sunog kilay sa pag-aaral at sobrang dedicated sa aking buhay pananampalataya. Paaralan-bahay-simbahan, yan ang aking buhay. Konti lang ang aking kaibigan sapagka't di ako palakibo. Supladang naturingan. Wala akong pakialam sa porma ngunit mejo mahilig sa kolorete sa mata at Higit sa lahat naniniwalang ang buhay ay parang telenobela. ako ang bida at sympre may prinsipe ang bawat bida. Naniniwala ako sa salitang "forever" at lalo na sa tadhana. Naniniwala ako na ang bawat taong ating nakikilala ay nakatadhanang ating makilala para sa isang dahilan, ang maging parte siya ng iyong buhay. Sabay sa pag-asa sa forever na iyan ay ang pagdating at pag-asa ko sa iba't ibang lalaki sa aking buhay na akala ko prince charming pero yun pala ay beast :P

PART 1-Miss asa sa forever meets first love

        Isang maulang hapon, Nakaharap ako sa aking Laptop habang linilibang ang aking sarili sa facebook. Bigla kong narinig ang isang pop up sound at isang message ang biglang nag-appear sa aking chatbox. "Hi miss, maari ko bang kunin ang iyong number?".  Natameme ako ng ilang segundo sabay bulong sa sarili,"Kilala ko ito ah." sabay type ng aking numero upang replyan ang kaniyang mesahe. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin na ibigay ang aking number. Para bang may something na nagpush saking ibigay. At naibigay ko na nga ang numero ko at ayun nagtext na nga siya bigla. Bawat text niya di ko maiwasan ang ngumiti(Binobola-bola kasi). Ang katext ko ay walang iba lang naman kundi si Mayhemm Sanders. Dating mag-aaral sa aming paaralan at nagtapos siyang kabilang sa kanilang top 5. Habulin sa school spagkat  bukod sa biniyayaan na nga ng talino ay biniyayaan din ng kagwapuhan at talento. O san kapa? All around na diba? So ayun na nga kinikilig kilig na ako sa bawat text niya. Aba syempre, Kumpleto na papakawalan ko paba? Getting to know each other stage gang sa maging magkaibigan kami hanggang sa umabot na nga sa....

Mayhemm: pwede ba ko magtanong?

Yves: Ano po yun?(May pa po-po pang nalalaman)

Mayhemm: Pwede ba kita mahalin pang habang buhay?

Yves:(sa isip,Pagkakataon na to, say yes Yves. He's your dream man. He's perfect)

Mayhemm:(hinawakan ang kamay aking kamay) I've been broken for a long time yet you've fixed my heart yves. Natuto uli ako magmahal.

Yves:(still dont know what to say) yes, i love you.

Mayhemm: Did i hear it right?(tumalon sa tuwa sabay yakap sa akin) Whoooooooooo. Thank you Yves ako na ang pinakamaswerte at pinakamasayang lalaki ngayon sa buong mundo.

        Umuwi akong dala-dala ang di maipaliwanag na saya. <3 Ganito pala pakiramdam ng unang pag-ibig para kang lumlilipad sa himpapawid. At syempre, kung gaano ako kasayang umuwi ganoon din ako kasayang natulog ng may ksamang ngiti.

Next day habang nagwawalis sa bakuran..

Mayhemm:(Tinakpan ang aking mga mata)

Ako:(inakalang ang aking nakakabatang kapatid ang tumalukbong sakin) Enzo naglilinis ako tama na.

Mayhemm:(Unti-unti akong iniharap sakaniya at halik sa aking noo) Goodmorning babe, Happy dayserry

Ako: Bakit ka andito? Dayserry ka diyan.(sabay halik sa kaniyang noo)

Mayhemm:(Linabas ang walis sa kaniyang likuran) aba, masama ba tulungan ang aking prinsesa sa kaniyang pagwawalis, ayoko naman ata napapagod ang aking mahal na prinsesa.

Ako: Nako ang aking prinsipe marunong daw magwalis.

Mayhemm: Oo naman, ayoko napapagod ang aking prinsesa eh.(inabot ang aking kamay sabay hila sakin sa isang nakahulog na sanga ng punong mangga) Ang dapat sayo nakaupo lang. Sayang naman ang iyong ganda.

Ako: aruuy, Halika nga.(hinila siya para umupo din sa aking tabi)

Mayhemm:Nakikita mo ba yang walang hanggang palayan na iyan babe? Mag-aaral ako ng mabuti at pag nakapagtapos nako, bibilhin ko iyan para sa atin.Sa gitna tayo magtatayo ng ating palasyo kung saan mamumuhay tayo ng masaya kasama ng ating mga anak.

Ako: Hindi na mhalaga sa akin ang anumang yaman na matamo natin pagkatpos natin sa pag-aaral,ang tanging mahalaga sakin kasama pa rin kita kahit anopa man ang magdaan.

Mayhemm: Itaga mo sa bato, Hindi kita iiwan..

        Dumaan ang maraming araw, mas lalo ng tumibay ang aming samahan. MAs napamahal ako sakaniya at mas lalong lumalim ang aming samahan. Ngunit hindi namin maikakaila na sa bilis ng panahon ay kailangan ulit namin mapalayo sa isa't isa dahil sa agwat namin. Siya ay nasa siyudad habang ako ay naiwan sa probinsya. Isa siyang mag-aaral ng business economics sa isang kilalang paaralan habang ako ay isang hayskul pa lamang sa aming probinsya. Mahirap man bagama't bihira lang siya umuwi ngunit kailangan namin harapin para sa aming kinabukasan.

Ako: Mag-iingat ka ha babe

Mayhemm: Ikaw rin, bawal lalaki ha?

Ako: Bawal din babae, aral muna ha.

Mayhemm: Oo pangako, sinuman ang dumating sa buhay ko artista man yan o modelo wala ako paki kasi para sakin si Zyverssa Mantoza ang pinakamaganda sa mata ko.

        Lumipas ang mga araw na pinanghawakan ko iyon. Kamalasan nga lang, Nawala ko ang aking telepono. Sa sobrang galit ng aking mga magulang hindi na nila ako binigyan ng isa pang telepono. Tuwing gabi ko na lang siya natetextan. hinihintay makatulog ang aking madamot na kapatid upang maitakas ang kaniyang cp. Lagi niyang ipinapangako sakin na gaano man kakomplikado ang lahat hindi nya ko bibitawan at mas lalo namang nagiging kampante ang aking nararamdaman. Umabot ng isang buwan ang aming sitwasyon na ganoon, Araw araw ako nagtatabi ng pera sa king allowance, gumagawa ng project ng iba para makaipon ng pera para sa bagong cp.Lumimit na rin niya ko itext na siyang aking naiintindihan dahil alam kong mahirap na ang kolehiyo.

Di na ako tinetext ng lintek.  Dahilan niya busy sa acads. 

        Tuwang tuwa ako, mula sa aking ipon nakabili nako ng aking cellphone. Tinext ko siya agad. "Babe may cp na ako, sabi ko nga gagawin ko lahat para sa iyo. I love you." Gumuho ang mundo ko ng ang mabasa kong sagot niya "Babe, ayoko na. Di ko kaya pagsabayin ang acads sa relasyon natin"  Wala ako magawa kundi umoo dahil mahal ko siya at wala akong balak umabala sa pag-aaral niya ngunit humirit pa ako sa kaniya."Babe magkita tayo one last chance."  Pumayag nga siya ngunit ang kaniyang kondisyon ay parehas na araw. Sa mismong araw na iyon luluwas ako para makipagkita sa kaniya.

        Desidido na ako. Pupunta ako. tatakas ako. Ngunit ng Paalis na ako, Biglang itinakbo sa hospital ang aking lolo. Ito na ang pinakamahirap na sitwasyon ang pumili ka sa pag-ibig at pamilya. Pinili ko ang aking lolo kesa sakaniya. Mahirap man ngunit diko kaya makita ang aking lolo na bawian ng hininga na wala man lang ako ginawa. At doon nagdesisyon na nga siya.

        Ilang araw ang nakalipas, kinulit ko parin siya. "Please give me a chance."  Nagdesisyon ako lumwas sakanila, I texted him. "andito ako plaza niyo, hihintayin kita maghapon"  Then he came, i felt so happy but he seems to be so decided already.

Mayhemm: Sorry Yves I have already decided.

Yves: No please give me a chance I love you(Humahagulgol na ako)

Mayhemm: (wipes my tears and offered his blue hankie) Wag ka na umiyak andito parin naman ako, I am not leaving you i just need space. No matter what happens ikaw parin. Ikaw parin. Ilang babae man makilala ko ikaw parin, When the right time comes. (Hold my cheeks and then kissed me on my lips)

That kiss was our last kiss. That kiss was the mark of our goodbyes but left me a hope that there would still be a chance for us...

(TO BE CONTINUED)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Asa sa Forever Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon