1 day had passed. Kahapon ay napagdesisyonan kong mag stay muna sa bahay buong maghapon. At ngayon, hinihintay nalang namin si Tita Lala na dumating anytime now.
"Nalinis mo na ba ang kwarto niya?" tanong niya sa akin. She's referring to Tita Lala's room na nalinis ko na kahapon.
"Opo," sagot ko.
Nandito kami ngayon sa labas naghihintay. Nagtatahi si Lola at ako naman ay nag wawalis.
Bahagya akong lumapit sa gate upang doon naman magwalis, ngunit maya-maya ay nakarinig ako ng isang sitsit na nasundan pa ng isa, at ng isa pa.
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko, pati na rin sa likod ko, nagbabakasakaling malaman ko kung saan nanggagaling ang sitsit, but I failed. Tumingin ako kay Lola pero patuloy lamang siya sa pagtahi. Wala siguro siyang narinig. I later on decided to just shrug it off and continue sweeping.
"Bliss..."
Napapitlag ako ng marinig ko ang pabulong na pagtawag sa pangalan ko. Para itong kinakapos ng hininga habang inbinubulong ang pangalan ko.
Ramdam ko ang takot na bumalot sa buong katawan ko. Never pa akong nakaencounter ng any paranormal activities, and I am not ready to experience one now.
Muli kong inilibot ang paningin ko, pero wala. I am not even sure if I'm hearing things right. Am I hallucinating? Hindi naman ako sobrang pagod.
"Bliss..."
Fudge. Ayan na naman! Tatakbo na sana ako pabalik kay Lola nang makarinig ako ng mahinang tawa.... nuh, erase that, mahinang halakhak pala.
Pinakinggan ko itong mabuti saka ko sinundan kung saan nanggagaling ang tawa. Dinala ako ng mga paa ko sa bakod na kadikit ng gate.
I looked over and saw Asher laughing so hard. He is now laughing silently while both of his hands are on his stomach.
And here I am. Staring at him with my poker face. I rarely use this kind of expression, but I guess, with him, it would be a habit.
Dati, I was happy seeing him laughing, kahit na dahil iyon sa pangtitrip niya sa akin, but now? I'm still happy but half irritated. Fudge, this man is bringing the beast in me.
"You done laughing?" I said with a monotone voice.
Mukha siyang nagulat ngunit napawi din iyon at napalitan ng halakhak, but this time, malakas na.
"You should've seen your face. Bliss, it was priceless," aniya in between his laughs.
"It's not funny. You scared me," giit ko.
"Sitsit lang naman yun, natakot ka na?" Sagot niya. He stopped laughing but a wide grin is still plastered on his face.
YOU ARE READING
Bliss Gehenna
Teen FictionBliss means complete happiness, while Gehenna means a state of misery. After all, she's a happy girl with miserable life. Will she make it through?