Chapter 2
Work
Serenity Hope B. Corpuz
Mangha kong pinagmasdan ang bahay sa aking harapan. Manghang-mangha ako dahil konti lamang ang pinagkaiba nito sa dati nitong ayos. OH MY GOODNESS, I miss my home, my real home to be exact.
Our house is a luxurious three-story mansion. It still looks new, luxurious and elegant. Very elegant! And as far as I can remember, the mansion was designed by Stephanie Loren Tan. A trace of awe and happiness suddenly drew on face.
"Wow... just a few has changed." I said with a sincere smile.
"Of course, tita and tito took care of it. Ikaw rin naman ang titira diyan pagdating ng panahon with your future hubby."
Agad akong napalingon kay Keith. Nakangisi siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at saka kiniliti ng bahagya sa tagiliran. Tumawa naman siya. Nakuha pang magbiro ng bruhang to.
"Bla bla bla dami mong knowings, ewan ko sayo!" nakasimangot kong sabi. "Oh ano hindi na tayo lalabas? Dito nalang tayo sa loob ng kotse ganun?" patuloy ko pa.
"Ikaw lang naman ang iniintay kong lumabas, alangan naman ako ang unang pumasok sa loob eh bahay mo yan."
Oo nga naman noh? Bat hindi nalang ako ang unang lumabas? Hay naku Serenity Hope being dumb nanaman ang peg mo.
Naiiling at nangingiting binuksan ko ang pintuan ng kotse. At sinalubong ako ng apat na kasambahay at binati ng "Maligayang pagbabalik Ms. Hope." sabay sabay nilang sinabi ang mga katagang yun. Nginitian ko lang sila at nag pasalamat na rin.
Tuloy tuloy na akong pumasok sa loob ng mansyon kasama si Keith. Pagkadating ko ng salas nandoon ang aking pinsan na si Clark Phoenix.
"Welcome back, my dearest cousin." nakangiting saad ni Phoenix.
Si Phoenix ay anak ng kapatid ni dad. Dalawang taon lang ang tanda niya sakin.
"Hey nix! Bat ka nandito?" curious kong sabi.
"Umm besh hindi nga pala ako magtatagal." sabat ni Keith.
"Huh bakit?" lingon ko sakanya.
"Hindi mo na tanda?"
Ano ba yung sinasabi ng babaeng ito wala naman akong natatandaan na sinabi niya.
"Hindi ko na tanda ang alin?"
"Hope may date kami kaya hindi siya magtatagal, sinusundo ko na nga eh." singit ni Phoenix
Wait lang si Keith at Phoenix magdadate? Huh bakit sila ba?
"Bakit? Kayo ba?" tanong ko.
"OMG ka besh hindi mo nga tanda. Diba one time tinawagan kita via skype tas sabi ko kami na ng pinsan mo." paalala niya sakin.
"Shit oo nga! Eh kasi naman tatawag ka sakin via skype 1:00am sa America. Ginagago mo ba ako? Na sa kalahati na ako ng tulog ko malamang hindi ko na yun matatandaan" patawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Heirs | On-Going
RomanceIn the twenty years of my life, I've been pressured. To think that I'm an heir to a large group of companies, being pressured is a normal thing. Add the fact that I'm an only child so my parents really depend on me becoming a good leader for our com...