The Life (One Shot)

76 1 0
                                    



"Umali Rayzell D."

Lalo akong nagpalinga-linga at hindi mapakali kahahanap, sunod na ako kay Ray at kailangan ko ang Mama ko para s'ya ang magsabit ng aking medalya sa pagiging honor ko.

Hindi ako mapakali kakatingala, tingin dito, tingin doon, kanina pang nakasimangot ang katabi ko mula sa kabilang section at nagrereklamo na dahil sa pagiging malikot ko. Hindi niya naiintindihan dahil nandyan ang nanay niya na todo ngiti dahil dito.

Hiniling ko na sana, magslow mo ang pagtanggap at pagbaba ni Ray para mahanap ko ang Mama ko, pero ang kahilingan na hinihiling ko ay hindi pinakinggan dahil ang pagtawag ng pangalan ko sa intablado ay mabilis sinabi pagkababa ng isa.

"Zamora Ysabella Diana A."

Napapikit ako at hindi nakangiti, iniisip kung nasaan at sino man ang aakyat para sa'kin. Sa huling pagkakataon, tumingala, tumingin sa gate ng gym at bawat sulok.

'Nasaan kana ba Ma?...'

Ang luha ko na nagbabadya ay aking pinigilan, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang hagdan, tumingin sa mga taong hinihintay ang pagtaas ko, pero ang taong kasama ko sa intablado ay wala... Wala na naman... wala.

Inaasahan ko, ay inaasahan ko lang pala, dahil ang hindi ko inaasahan ay s'yang bubungad sa'king harapan para magsabit ng aking parangal, ang naging ina ko sa paaralan.

Nginitian niya ako na para bang sinasabing...

'Ayos lang yan, nandito ako...'

Naramdaman kong pumatak ang isang butil ng luha sa aking kaliwang mata habang isinasabit sa'kin ang medalya, nakipagkamay ako sa aming Principal habang wala ako sa sarili, minadali ko ang pagbaba para hindi nila makita ang aking mga luhang pumapatak dahil sa mga hindi inaasahan.

'Kahit ngayon lang Ma... kahit ngayon lang'

Mabilis kong pinalis ang mga luhang tumulo at tutulo pa lamang, mabilis pineke ang mga ngiti para walang makahalata, isa sa mga masayang alaala sa buhay ko na sana'y kasama kita...

Natapos ang Graduation na hindi ko na pinagbalingan pa, nagsisiyahan sila at ako ito... wala sa sariling tulala habang tinitignan ang mga nagbabagsakang lobo sinyales na tapos na nga ito, tapos na... natapos na parang wala lang.

Napabaling naman ako sa taong tumapik sa aking likod, si Ms. Cruz na nagsabit sa'kin ng medalya. Ngumiti ako sa kanya at ginantihan naman n'ya ito.

"Ayos ka lang ba?"

Ngumiti ako kaya naman bumagsak ang luha ko kasabay ang balikat ko, bakit parang ito na ang pinakamalungkot na graduation sa buong mundo?

Hinagod niya ang likod ko pababa at pataas, tinapik tapik hanggang sa kumalma ako. Hindi ko maiwasan, bakit parang ang unfair?

Bakit ako ang ginaganito mo?

Bakit lagi nalang ako?

Bakit ako nalang lagi ang nagiisa?

Kung deserve ko 'to...

Ano nga ba ang ginawa ko?

Kahit may pera ako ay hindi ko naisipang magcelebrate ng pagiging graduate ko sa grade school, marahil ganito talaga kadrama ang mga katulad ko na nagsisimula palang magdalaga.

Nakapasak ang earphone sa magkabilang tenga ko at parang lumilipad habang nakikinig ng musika, tanging ito lang ang nakakaintindi sa'kin.

Gusto kong matulog ng matulog at sana'y 'wag ng gumising pa kinabukasan, pero sa iniisip ko'y hindi na naman ako pakikinggan ng diyos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Life Where stories live. Discover now