Nagkakilala tayo ng kay tagal, di pa tayo pwede nun sapagkat ako'y mayroon pang ibang mahal.
Pero fast forward sa present, nagkita uli tayo, pinagtagpo ng todo, mahahabang usapan, masasayang kwentuhan, at konting mabait na landian.
Kaya ako'y napaisip, ika'y aking pinapanaginip, "ako'y aamin na", sabi ko sa sarili ko, "baka siya na talaga" sabi ng gagong tanga.
Kaya ako'y umamin, pagmamahal ko sana'y iyong dinggin, ako'y napakaswerte dahil ika'y umamin din, pagmamahal ko sayo'y bumalik sa'kin. Sana'y lumago itong pag-ibig natin.
Nagtagal ang mga araw, pag-iibigan natin ay umaapaw, lumilipad ang mga I love you, pag-ibig mo parang shabu, na a-addict ako sayo, sa atin, sa tayo.
Pero itong mga nakalipas na araw ako'y may napansin sa'yo, unti-unting ika'y nagbago, hindi na ikaw ang dating kilala ko.
Para akong tanga, pilit na ipinagsiksikan ang sarili kahit alam kong wala na, para akong ngumunguya ng bubble gum na walang lasa, sa una ang tamis, pero habang tumatagal ang tamis ay napalitan ng pait.
Ito ang aking kinatatakutan, sa araw na ika'y lilisan. Sa araw na ika'y wala ng gusto, sa araw na ikay susuko.
Dating usapan na kay sweet at lambot ng mantel, ngayo'y wala na, putragis talaga tong pag-ibig na walang label!
Tama ako na dadating ang araw na ito, pero hindi ko inaasahan na ganito nalang tayo.
Mga chat kong hindi mo nirereplyan, mga tawag kong di mo sinasagot, bakit ba ang bilis mo mabagot?!
Nasaan na ang mga pangako mong ako'y para sayo lang? Sabihin mo, saan ba ako nagkulang? Ibibigay ko na sayo ang lahat pero para sayo ito'y hindi sapat.
Sabi mo, "Hindi ko na alam kung bakit lang nawala" tang-ina panong hindi? Bigla lang nawala o talagang walang-wala?
Kilala mo si "ako"? Yung ako, na nagpapakatanga, bulag, gago, at umaasa sa mga salita mong kay sweet pero para sayo ito'y biro lamang at komedya!
Mahal hindi ka ba naaawa? Sa iyong paglisan ako'y sobrang nabahala.
Nagpapabulag sa pag-ibig na hindi na maibabalik. Bulag, tanga at umaasa sa pag-iibigan natin na walang kwenta!
Hindi mo pa masabi sa akin, pinadaan mo pa sa kaibigan natin. Bakit ang lakas ng loob mong sabihin na mahal mo ko? Pero ngayoy nahihiya kang sabihing di mo na ako gusto?
Sana'y di mo na lang sinakyan kung di mo pala kayang patunayan!
Gago ako'y umasa sa mga chat mong daig pa ang traffic sa EDSA sa kay haba, mga salita mong baka ako'y langgamin sa sobrang sweet! Ngayon ako'y nagsisi, pag-alis mo wala kang sinabi, sadyang lumisan ka ng walang pag-aatubili.
Kinaya ba ng iyong konsensiya? Sa paglisan mo, ikaw ba'y masaya? Salamat nalang sa lahat-lahat, ang pag-ibig ko sayo na tapat, na hindi mo masuklian ng sapat.
Sana'y dika magsisi, sa desisyon mong ako'y nasaktan ng matindi. Ngayo'y pipilitin kong kalimutan ka, kahit ito'y masakit, mas pipiliin kong bitawan ka.
Pinagtagpo tayo para maging leksyon na ating matutunan, 'di na ako muling aasa sa mga salitang ganyan.
Kaya mahal, paumanhin at ako'y pagod na, mahal kita, pero ayaw mo na. Paalam at ako'y uuna na. Kaya advice ko sa inyo, lagyan na ng label ang pag-iibigan niyo, dahil kung hindi, baka ang maranasan niyo, mas masakit pa sa pinagdaanan ko.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig na Walang Label
PoetryThis a poetry piece I made out of real events hehe. I've failed in love, many times in fact. My heart was filled with emotions and writing a piece is the only way I could let everything out. Bare with me on this, still an amateur.