Prologue

9 3 2
                                    

"Please! Wag! Tama na! Maawa kayo! Mama! Papa!" nagsimulang tumulo ang luho habang patuloy paring nagmamakaawa.

"A-anak, umalis k-kana!"nahihirapang sambit ni mama.

"Yana anak, makinig ka sa mama mo, umalis ka n--ugh!" hindi na naituloy ni papa ang sasabihin nya dahil may paang tumapak sa batok nya.

"Ren!" - naiiyak na sigaw ni mama kay papa.

"Finish them son." sambit ng lalaking nakaitim habang apak apak pa rin si papa.

Nanahimik ako sa isang gilid, pinipigilan ang hikbing pilit kumakawala sa bibig ko.

Napatingin ako sa inuutusan ng lalaking nakaitim. Isang..

Bata?

"And their daughter?" tanong ng batang lalaki sa tingin ko ay anak ng lalaking naka itim.

Sumilay ang malademonyong ngiti sa labi ng lalaki, kapagkuwa'y lumingon ito sa kinaroroonan ko.

"Let her live. Let her live in a misery." Sambit nito, kahit madilim ay naaaninag ko ang talim ng tingin nito. Bumaling ito sa kanyang anak, pagkatapos ay tumango at lumakad palayo.

Tinignan ko si mama na ngayon ay malapit na kay papa. Nakangiti ito sa akin ngunit hindi ito gaya ng nakasanayan kong ngiti nya, malungkot ito habang lumuluha.

Nagtataka ko silang tinitigan.

'Bakit'?

"Mahal na mahal ka namin, anak"

*Bang*
*Bang*

"Mamaaaaaaaa!Papaaaaaaaa!"

TORNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon