"Andrew" yun nanaman ang nasabi ko sakanya. Ljmapit siya saakin at may pinulot siyang letter sa sahig. "Mind to read my letter?" nalangising tanong niya. "Naglalagay ka din ng letter dito?" nagtatakang tanong ko.
"Ayan. Di mo kasi binabasa kaya di mo alam." sagot niya. Sobrang awkward na ng hangin. "Excuse na nga daw pala kayong mga volleyball girls buong hapon sa class niyo. Kailangan na daw talaga kasi nattng magtraining. Sabay na tayo papunta sa court." seryosong sabi niya.
Basta talaga volleyball ang usapan, seryoso siya. Masyado siyang dedicated sa lahat ng ginagawa niya. Galing naman. "Uhhm, pati ba soccer players, excuse na din?" tanong ko. "Oo." simpleng sagot niya.
Patay nanaman tayo. Soccer player si ZEUS MARCO DELAVIN!! Ang matindi pa, CAPTAIN SIYA! Jusko naman naiilang pa naman ako pagnanunuod siya. Titig na itig siya bawat galaw ko. Sobrang nakakailang.
Bigla ko namang naalala na nasa locker pala ni Marco ang bag ko. Pero di ko alam password ng locker niya.
11-11
Naalala ko yung sinabi niya nung hinanap ko sakanya yung gamit ko kanina. Teka, birthday ko yun ah? November 11? Loko yun ah. "Uhm, Andrew kukunin ko pa kasi yung gamit ko sa locker ni Marco tapos magbibihis pa ako. Mauna ka nalang. Susunod ako." sabi ko sakanya.
Agad naman siyang tumango at nagpaalam. Pumunta ako sa tapat ng locker ni Marco. 11-11. Tama nga ang password. Kinuha ko ang gamit ko at wala na doon ang bag niya. Baka kinuha niya na. Pero napansin kong may biglang umilaw sa loob ng locker niya.
Iniwan niya yung cellphone niya. Hinalungkat ko iyon at tiningnan ang nagtext sakanya.
Pare, pinaalis na ni Sofia si Andrew. Ayos na dre. Wag na magselos ah? hahahaha.
Galing tong text kay Luke. Mabilis kong tiningnan ang inbox ng phone niya at si Luke ang recent niyang katext.
Luke: dre nasa locker si Sofia.
Marco: sino kasama?
Di ko alam kun bakit pero kinakabahan ako habang binabasa ko ang convo nilang dalawa.
Luke: biglang lumapit sakanya si Orteza (Andrew)
Marco: saglit lang. may gagawin lang ako.
At dun na natapos ang convo nila at malamang ay di pa niya nababasa tong bagong text ni Luke. Ano kaya yung gagawin ni--
"Sabi ko sayo kanina, sabay tayong maglulunch. Kanina ka pa dito. Anong balak mo?" kinilabutan ako nang may biglang bumulong saaking tenga. Sht! Nakatalikod parin ako sakanya. Gumapang ang kamay niya saaking beywang.
"Diba sabi ko sayo, pag di mo ako sinunod, masasaktan ka?" bigla niyang hinila ang buhok ko at pinaharap sakanya. Sinapak niya ako. Tulo lang ng tulo ang aking luha. Sinuntok niya ako sa tiyan at napaupo naman ako sa sobrang sakit.
Walang tao dito ngayon kaya hindi ako malakahingi ng tulong. Kapag naman sumigaw ako, bago pa man ako maisalba, napatay na ako ni Marco. Iyak lang ako ng iyak at nasa harap ko parin siya. Niyakap ko siya dahil sobrang nanghihina na ako.
"May trainining kami ngayon. Pag hindi ko nakita yang pagmumukha mo sa kotse ko mamaya, ikukulong kita sa kwarto. Tandaan mo yan." puno ng banta na sabi niya. Kinuha niya ang gamit ko at saka niya ako hinila papunta kala Jana.
"Bantayan niyo toh." yun lang ang sinabi ni Marco at umalis na siya. Panay parin ang hikbi ko. "Girl?! what happened?" nag-aalalang tanong ni Jana. "Demonyo. Demonyo siya." nanginginig na sabi ko. Gusto ko nang mamatay. Ayoko na. Uuwi nanaman ako sa bahay namin mamaya tapos sasaktan niya nanaman ako.
Sinamahan ako ni Sheena sa cr para makapagpalit ng uniform namin sa volleyball. Cycling short at oversized jersey ang uniform namin. Pumunta na kami sa court at dahil ako lang ang player saaming magkakaibigan, naiwan sila sa grandstand.
Naramdaman ko nanaman ang mga titig ng grade 12 volleyball boys. Nakaka-ilang talaga! Maglalagay palang ako ng knee pads nsng hablutin saakin ni Marco ang knee pads ko. Lumuhod siya at nilagay sa tuhod ko ang knee pads. Naka uniform na din siya ng para sa soccer training nila.
Magulo ang buhok niya at di pa nasisintas ang spike shoes niya. Nakakatakot ang facial expression niya. Mainit nanaman ang ulo nito. Pumunta siya sa likod ko at tinali ng buhok ko. Maayos naman ang pagkakatali niya. Sweet. Pero takot parin ako sakanya.
"Nakatigin lang ako sayo lagi." sabi niya bago siya umalis papunta sa field. Nagsisidatingan na din ang iba pang mga players. "Hi Queen!" bati saakin ng captain namin. Si ate Alyssa, grade 12 student. Sobrang bait niya.
"Ate naman, Sofia nalang po. Di bagay saakin yung Queen eh." sabay tawa ko. "Di bagay? eh, ginagawa ka ngang reyna ni Marco eh! Zeus Marco Delavin yun girl!" namamangha na sabi niya.
kung alam niyo lang po ang ugali niya.
Tumingin naman ako sa field at nakita kong titig na titig saakin si Marco. Biglang umingay ang grand stand at madami na ang mga nanunuod. Akala ko ba training lang namin? Anong meron?
"Huy! Sofia! diba boyfriend mo na si Marco?" tanong ng isang kateam mate ko. Di ako sumagot. "Ayaw kasi maniwala ng mga may crush sayo na grade 12 eh. Nag-uunahan nga silang makuha number mo. Ang ho-hot kaya nila!!" sabay tili ng iba kong ka team.
"ZEUS MARCOOOOO!! CAN I BE YOUR QUEEN SOFIA ZEPEDA?!!" sigaw ng isang babaeng estudyante. Memorize niya buong pangalan ko? Galing. Tumingin ako kay Marco at nakita ko siyang ngumiti sa babae. Tumingin naman siya saakin at kinindatan ako. Kinilabutan nanaman ako.
"AAAAAAA!! GIRL CRUSH KO NA TALAGA SI SOPIYAAA TEKA LAAAAAANG!"
"SHEEEEEET! ANG GANDA KASI EH! WALA TAYONG MASASABI GIRL!!!"
"BA'T ANG PERFECT NI ZEPEDA?!! WALA BA SIYANG IMPERFECTION?!!!!"
sigawan ng mga tao. May naramdaman akong humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa gilid at nakita ko ang napakagwapong mukha ni Marco na inaabot saakin ang isang bottled water.
"Baka mamaya, may mag-abot nanaman sayo ng tubig. Mahirap na, baka bigla kang maagaw." nakangising sabi niya. "G-galit ka p-pa ba?" nanginginig na sabi ko. "If you wi-"
"SHEEEET! NAG-UUSAP SILAAA- TEKA LANG! PICTURE NAMAN OYY!"
"crush ko si Marco pero kung mapupunta siya kay Sofia, kontento na ako girl"
"crush nga ng kuya ko si Sofia, pero nakakatakot daw kalaban si Marco kaya hanggang tingin nalang si kuya kay Sofia"
"Cute naman! Possessive boyfriend!"
usapan nanaman ng mga tao. "Don't you dare entertain other guys, Zepeda." matalim na titig ni Marco saakin.