Tagsibol

4 0 0
                                    

sa punong namumulaklak tayo'y nagkita

ang tadhana'y pinipilit kaming mapagisa

ano kaya itong nararamdaman ko?

na bakit kada araw ako naiinsulto.

Ang panimula natin ay bilang mga mag kaibigan

kung san ako'y nakasunod sa lugar na iyong pinuntahan

sa ating mga pinuntahang mga destinasyon

ikaw ang nagbigay liwanag sa aking naninilim na sitwasyon

dahil ang paningin ko sa buhay ay kulay itim at puti

nang dahil sayo'y ito'y muling naging bahaghari

wala na akong ibang masabi kung hindi salamat

kahit hinahampas mo ako lagi gamit ang patpat

habang tumatagal dito ko lang naintindihan

na ang sarili ko ay ikaw pala ang hinahangad

dahil sa mga paglalakad natin kada gabi sa daan

ikaw ang nagsisilbing ilaw sa aking pinupuntahan.

habang sa isang kinagabihan

bigla ka nalang nawala at nagpunta kung saan-saan

nang wala akong ideya kung san ka nagpunta

sinubukan kitang hanapin hanggang sa ang paa ko'y mamaga.

damdamin ko'y lalong hindi mapakalma.

dahil hindi ka nagsabi na may karamdaman ka pala.

dumadating na ang araw ng pag lalagas

dahil ang namumulang rosas ay kaunti-unting kumukupas



unti-unti na ang araw nalumipas

nang binigyan mo ko ng leksyon na ipinararanas,

na kahit anong mangyari sa atin

gagawa tayo nang destinasyon na para sa atin

parating na muli ang panahon ng Tagsibol

ngunit laging nandito ang mga alala natin at saakin ay nakabuhol.

Tagsibol nang una tayong nagkita

ang Tagsibol din nang una kang nawala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon