sa punong namumulaklak tayo'y nagkita
ang tadhana'y pinipilit kaming mapagisa
ano kaya itong nararamdaman ko?
na bakit kada araw ako naiinsulto.
Ang panimula natin ay bilang mga mag kaibigan
kung san ako'y nakasunod sa lugar na iyong pinuntahan
sa ating mga pinuntahang mga destinasyon
ikaw ang nagbigay liwanag sa aking naninilim na sitwasyon
dahil ang paningin ko sa buhay ay kulay itim at puti
nang dahil sayo'y ito'y muling naging bahaghari
wala na akong ibang masabi kung hindi salamat
kahit hinahampas mo ako lagi gamit ang patpat
habang tumatagal dito ko lang naintindihan
na ang sarili ko ay ikaw pala ang hinahangad
dahil sa mga paglalakad natin kada gabi sa daan
ikaw ang nagsisilbing ilaw sa aking pinupuntahan.
habang sa isang kinagabihan
bigla ka nalang nawala at nagpunta kung saan-saan
nang wala akong ideya kung san ka nagpunta
sinubukan kitang hanapin hanggang sa ang paa ko'y mamaga.
damdamin ko'y lalong hindi mapakalma.
dahil hindi ka nagsabi na may karamdaman ka pala.
dumadating na ang araw ng pag lalagas
dahil ang namumulang rosas ay kaunti-unting kumukupas
unti-unti na ang araw nalumipas
nang binigyan mo ko ng leksyon na ipinararanas,
na kahit anong mangyari sa atin
gagawa tayo nang destinasyon na para sa atin
parating na muli ang panahon ng Tagsibol
ngunit laging nandito ang mga alala natin at saakin ay nakabuhol.
Tagsibol nang una tayong nagkita
ang Tagsibol din nang una kang nawala.