Bakit nakakaproud maging Pilipino?

151 7 1
                                    

        Nang isilang ka sa mundong ito, malaking-malaki daw ang kinatuwa ng magulang mo. Sympre ano pang aasahan mong sagot? E anak ka nga e. Kahit di ka ganong kagandahan, maganda ka para sa kanila. Sympre, sa kanila ang tama. Mana-mana lang eka yan. Di naman siguro magpapa-martir yung magulang mo. Pero sino ba ang makakapagsabi (bukod sa'kin) na pag binaliktad mo ang salitang ANAK ay malalaman mo na kung saan ka nanggaling? Tawa ka na dali. Pero kakaiba ka kapag sinabi mong Pilipino ka.

PILIPINO. Pag sinabing Pilipino, maraming aspeto yan. 

(+)         Sabi nila, MASAYAHIN daw tayo. Maski nga daw nilipad na ng bagyo yung yero ng ating mga bahay, makalipas lang ang ilang oras tawa na ulit (Lalo na kung nakaupo ka lang ang nagbabasa ng istoryang katulad nito). MALIGALIG na din daw tayo sa simpleng prayd tsiken o kaya spageti kahit na sobrang putla o sobra pula nito dahil sa hindi malamang ketchup brand,  kumbaga sanay sa buhay na SIMPLE at buhay na hindi maselan. Mahusay din tayong BUSINESSMEN, may mapagtusukan lang na dalawang kawayan at isang matibay tibay na lona, makakabenta ka na ng kahit anong gusto mo.. kahit nga sumobra ka na sa white line ng kalsada. Pustahan oh? Magmamatigas pa 'yan pag nagkahulian na. 

        Kahit na hindi ganong nakakatawa yung joke na being Hospitable is being in the hospital, nakakatuwa naman isipin na napapansin din pala ng ating mga bwisita ang pagiging welcoming natin. Yung tipo bang uupo pa lang yung bisita takbo ka na para bumili ng bananacue? Awkward moment nga lang yung daadaan ka sa harap nila tapos nakatingin sila sa dala mo. Para bang kaholding hands mo si Marian Rivera pero imbis na ikaw yung makita e yung hawak mo ang nakaagaw ng pansin. Consequently, uuwi sila ng wala ka man lang consuelo... THE END. Pero kahit wala e napuno naman ng kamustahan ang usapan niyo. Parang reunion lang ang peg:

LOLA NO.1 (Hawak ang apo): Hello kumare.

LOLA NO.2: Naku! ayan na ba yung anak ni kuwan. Ke laki na pala. E eto?  sino bere?

-

        Sikat din tayong mga Pilipino pagdating sa pagkukumpuni. Yung tipong adobo nagagawa pang menudo? O kaya halu-halo na nagagawa pang ice candy?| Totoo yung sa ice candy. Pramis. Nakakain na ko noon, pero hindi ko na inulit. Paano ba naman kasi may nakita akong sagong may kagat. Galing pa ata sa basurahan. Pero hindi sakin yung may kagat, nasa pinsan ko. Matapos non, di na siya bumili ng ice cany maski halu- halo. Pero maniniwala ka ba kung sasabihin kong kumakain ng langaw si Kris Aquino? Syempre pinakamalala na ata 'to sa lahat ng jokes ko. Yung iba ngang pulubi gusto pang kape Starbucks. Binigyan kong 5 para sa coffee machine ayaw pa? Choosy si dudung.

        Pero pramis masyadong creative ang mga Pilipino pag dating sa pagkain. Pero aminin na rin natin na minsan kulang sa sanitation. Kaya minsan ikagugulat mo na lang artista na si Aling Bebang, hinuhuli ni Mike Enriquez. Yes sikat na siya!

-

        Close family ties. Talaga naman. Maniwala ka man o hindi, pag dating sa usapang pamilya, dito tayo nagiging madamdamin. Sikat to kapag retreat ng highschool. Iiyak tapos gagawa ng letter then ibibigay sa magulang sabay yakap then iyak ulit. Cycle lang siya. Kulang pala yung cycle. Here's the right thing:

Iiyak -> Gawa ng letter -> Bigay sa magulang -> yakap -> iyak again -> tulo luha/ uhog -> uuwi sa bahay... after one week -> bastos/sasagot/magmumura/magdadabog -> attend ng retreat and beyond....

        Mga iho't iha, pinaninindigan 'to hindi lang iniiyakan. Hindi lahat tayo ay ginawa para maging mga artista ( iyak sa shooting. cut. balik sa tunay na buhay ). Pero lahat tayo ay pinanganak para gawin ang ating tunay na buhay. Hindi puro drama. 

        Ang mga Pilipino mapagpahalaga sa magulang. Naalala mo? Nung isinilang ka sa mundong ito laking tuwa daw ng magulang mo? Sabi nila pansit daw ang nagpapahaba sa buhay pero sabi ng Biblia ang paggalang daw sa ama't ina ang magpapabaha ng buhay natin. Well, nasa paniniwala mo na yun. Pero alam kong mahahaba at hahaba pa ang buhay nating mga Pilipino dahil sanay tayong gumalang sa ating mga magulang :). Naks.

-

         Dapat lang na ipagmalaki mong Pilipino ka kahit minsa'y dumadaan ka na sa katagang  "Sana hindi na 'ko Pilipino", Pero mag-isip ka muna dahil kung mangyari namang ika'y maging banyaga hindi mo lubusang maiisip na minsan kang nagbenta sa bangketa, nagpakababa para sa mahihirap,  nagmahal at nagsakripisyo para sa mga magulang o tumawa matapos ang isang malakas na ulan.

HAPPY READING :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

iJuanDer2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon