chapter 1

51 1 0
                                    

CHAPTER 1

"hoy!, gising na kuya ihahatid mo pa ako sa school!". Habang pinapalo ko siya nang unan.

 

"Edi magcommute ka or..... mas bagay sayong maglakad!". Sabi ni jace.

 

"Ayoko nga !". sabi ko at hinila palabas ng kuwarto si kuya. "Aray, manghihila ka nalang ibubungo mo pa mukha ko sa pinto!".sigaw nii jace. Tumayo na si jace at dumeretso sa banyo para maligo.

 

"pag di mo binilisan hihilahin kita palabas ng C.R. kahit di ka pa diyan tapos!"sigaw ni violet sa kuya na naliligo.

 

Si Violet and bunsong kapatid sa dalawa . madaldal siya at maingay kumbaga hyper ang buhay niya lagi para bang walang sakit. Maski anong gawin

Bumaba na si violet sa kainan. Tinignan niya ang pagkaing nakahanda sa mesa at nakita nya ang mag isa nyang tatay na kumakain ..

"pa, samahan na kitang kumain!". Bungad ni violet sa tatay.

"nak naman eh!. Panira ka ng pag eemote ko eh . Kain ka na nga dito." Sabi ng papa ni violet na biglang natawa

 

Umupo na si violet sa lamesa at kumuha ng dalawang plato . para sakanya at kay jace. Kumuha siya ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.

"ang tagal naman ng kuya mo!". Sigaw ni papa.

"pa, eto na bababa na, magsusuklay lang.". sabi ni jace sa mga magulang.

 

"kala ko na-flush ka na sa toilet, wala sanang maghahatid saken jusme." Sabi ni violet na nakataray at tumatawa.

Binilisan na mag magkapatid at naghugas pa ng pinggan. Lumabas na sila ng bahay at nagpaalam na sa tatay nila.

 

"pa,pasok na kami ng anak mong bakulaw.Bye pa!." Tawang-tawang sabi ni Jace sa papa niya. Pinagpapalo ni violet si jace sa braso. "cheer up papa ah." Pahabol ni violet sa tatay.

"Sabay na natin si sha, gusto mo?." tanong ni jace. "umm sige." sagot ni violet.

"text mo na ngayon na susunduin natin siya." utos ulit ni kuya. "fine, whatever tinext ko naman siya kanina eh." sigaw ko kay kuya

nagdrive na si kuya ng kotse namin para sunduin si sha.ako nga pala si violet ang napakadaldal at napakasuplado sa kuya ko. dalawa lang naman kasi kaming magkapatid pero napakaspoiled ko daw sabi ni mama bago siya mawala.hanggang sa may siko ang buhok ko medyo wavy nga lang.

 

Fourth year highschool na nga pala ako sa ngayon, malapit nang grumaduate.ten years old ako nun nung namatay ang mommy ko dahil sa sakit na cancer, nasa pamilya na ni mommy ang ganoong sakit.si papa naman tawag ko sakanya papa hindi daddy. wala lang gusto ko lang na mas simple ang tawag ko sakanya .

 

si kuya jace naman 2nd year college pero nakikisabay parin ako sa sakanya,sabi kasi ni papa ihahatid daw dapat ako ni kuya araw araw sa school tapos pati paguwi eh si kuya pa ang susundo sakin pwera lang kung may groupings . 

 

malapit na kami sa bahay nila sha ako eto nagkwekwento ng namin kumbaga nag dadaydream. i shook my head.

"hoy bruha andito na tayo katukin mo na si sha." utos ni kuya.

 

lumabas na ako ng kotse at naglakad papunta sa pinto ng bahay nila sha. 

naalala ko tuloy nung first year highschool ako hindi pa ganoon karenovated yung bahay nila sha. yung yard nila tambak pa ng kahoy, yero martilyo,pako tas mga binombang mukha ng mga trabahador. yumayaman na sila nun. dati kasi kaunti lang ang mga investors sa kumpanya nila ngayon, there are so many investors for them kaya sila umasensyo. boto nga ako sa pamilya nila eh. unique ang stratedgy.

knock

 

knock

 

knock

 

"oy, violet andito ka na pala. grabe kung makatext kala mo nawala ako sa mount apo." pang asar ni sha.

 " sus, Asa kang hahanapin kita kahit nasa mount everest ka pa!." pabirong sabi ni violet

"tara na nga maleleate tayo baka bungangaan pa tayo ng kuya mo." sabi ni sha naglakad na kami palabas ng pinto at papunta sa kotse ni kuya. 

"kuya pabukas!." sabi ni violet na naiirita. ikaw banaman ang inet inet sa labas tapos sinaraduhan ka pa ng pinto.

nakaidlip ata si kuya ng mga 5 minuto. ayun sa  wakas nagising din. binuksan na niya ang pinto at pinapasok kami.

"tagal nyo naman, nakaidlip tuloy ako." sabi ni jace " aba 5 minutes lang kami nawala nagdrama ka nanaman kuya, kuya 5 minutes lang halos kami nawala nakatulog ka kaagad, pano pa pag nasa school ka!." sabi ni violet na natatawa. " ah basta." inis ni jace. 

pinaandar na ni jace ang sasakyanat nagsimulang magdrive. habang nasa sasakyan kami , di mapigilan ni sha ang kadaldalan. dapat nagdala ako ng ducktape eh onti nalang buong mukha niya lalagyan ko talaga kung di ko lang yan bestfriend. ako eto, taga kinig. baliw lang ah!

 

 

 

CHASING DREAMSWhere stories live. Discover now