Chapter II

47 5 0
                                    

Michael Zayn Aquino

“Ano?! Nagsayang lang ako ng gas. Tang-ina naman!”

Paano ba naman kasi, hindi pala ngayon ang race. Bukas pala, Tanga talaga yung dalawang yun magbigay ng info.

“Eh, yun ang narinig namin eh.”

“Tsk. Tara na nga.”

Pinaandar ko na yung sasakyan ko.

Aquino’s Residence (Bahay nila Zayn)

Pagpasok ko ng bahay, nakita ko agad ang kapatid kong nanonood ng TV.

“Hoy! Pasado alas 12 na! Matulog kana!”

“Teka lang kuya. Tapusin ko muna to.”

“Ano nanaman ba yang pinapanood mo?”

“3 Days To Kill. Waahh! Ang ganda talaga ni Jaydee!”

Tss. Yung Amerikanang puti na artista  nanaman na idol ng kapatid ko ang pinapanood nito.

“Tsk. Hindi kaba nagsasawa sa mukha nyan?!”

“Hindi.”

Tssk. -_-

“Diba kuya ilang beses ka ding nag-audition sa ABS-CBN? Bakit hindi ka nakukuha?”

Ba't napasok sa usapan yun?

Sabay halakhak niya. Nang-iinsulto tong bubwit na to.

Oo. Ilang beses na akong nag-audition sa ABS-CBN, Nag workshop na nga rin ako eh.

Kaso hindi naman ako nadidiscover. Masyado daw kasi akong gwapo. Over qualified na daw ako. Wala eh, hashtag pogi problems. ;)

“Tss. Hindi daw kasi ako bagay sa local showbiz. Sa international lang, Baka nga pag pumunta akong ibang bansa, sila pa ang makikiusap sa akin na mag-audition.”

“Kyaaaah! Ang ganda talaga ni Jaydee!”

Hindi nakikinig tong bubwit na to sa sinasabi ko.

“Hoy bubwit!” Sigaw ko sakanya.

“May sinasabi ka kuya?” Tanong niya.

“Ewan ko sayo. Matulog kana nga! Puro ka Jandi!”

"Jaydee kuya! hindi Jandi." Whatever. 

Makaakyat na nga sa kwarto at makatulog na.

1 message receive ..

Fr: Kevin

Pare 12:00 a.m. daw karera! Sure na. ;)

Siguraduhin lang nila na sure na talaga to . Kukutusan ko na talaga silang dal’wa.

 Jaydee Steinfeld 

*Kring Kring*

Tsk! Sino ba yan?! Ang aga aga pa eh.

“Hello?!” (Hello, JS) Isa lang ang taong kilala ko na tumatawag sa akin niyan. Kaya napabalikwas agad ako ng bangon. “Ah, ikaw pala Kris. Napatawag ka?” (Ah, wala lang. I co-congratulate lang sana kita. Box office hit again. You deserve it!) “Thank you. Kelan ka nga pala uuwi?” (Hindi ko pa alam eh. Nakakainis kasi si lola, ayaw pa akong pauwiin. Tambak na trabaho ko.) “Ano kaba! Naka-leave ka naman eh. Pagbigyan mo na lola mo.” (Yeah. Sabi mo eh.) Napangiti ako sa sinabi niya. “Namimiss ka na ng mga fans mo. Ako ang kinukulit nila sa twitter kung nasaan ka na daw.” Narinig kong tumawa siya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon