"Mahal Din Kita"
OneShot by EverythingButAGirl
Naglalakad ako sa loob ng Campus ng makita ko si Jude. Kasama niya 'yung mga kapwa niya Varsity habang masayang nagkikwentuhan. Aish~ Ang gwapo niya talaga. Four years ko na siyang crush pero hindi niya iyon napapansin. Hindi ko alam kung manhid ba siya o sadyang hindi niya lang talaga mahalata. Pero hindi kagaya ng iba na hindi nakakausap ang mga crush nila, ako palagi kong nakakausap si Jude. Halos araw- araw na nga eh. Kaya nga sa bawat araw na nagdadaan, mas lalo ko siyang nagugustuhan...
Akala ko hindi mapapansin ni Jude na magkakasalubong kami pero tinawag niya ako. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya saka lumapit sa akin. Nakangiti pa siya ng sobra habang hawak 'yung bola niya.
"Hey" bati ko ng makalapit siya sa akin.
"Hi, Jade. Pwede ba kitang makausap?" nakangiti niyang sabi.
Oh diba, Jude and Jade... Bagay diba? x)
Dali-dali naman akong tumango sa sinabi niya, "Oo naman, tungkol saan ba?"
Kumamot siya sa ulo niya na minsan niya lang naman ginagawa, tuwing kinakabahan siya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kakaiba, ano bang sasabihin niya at kinakabahan siya? Hindi kaya...
"Pwede bang dun tayo sa gazeebo? Nahihiya kasi ako eh..." sabi niya saka tumingin sa paligid. Sa gazeebo, kung saan walang tao at pribado kaming makakapag-usap.
"Uhm sige, tara?" Nauna na akong maglakad at ramdam ko namang sumusunod siya sa akin. Ramdam ko ding tinitingnan niya ako mula sa likod at hindi ko mapigilang mailang.
Nang marating namin ang gazeebo ay nauna na akong umupo. Tumabi naman siya sa akin at meron lang isang dangkal ang layo namin sa isa't isa. Hindi mo na nga masasabing malayo 'yun eh. Malapit kami... Sobrang lapit na naaamoy ko na ang pabango niya. Na naririnig ko ang mahina niyang paghinga at nararamdaman ko kung gaano siya kinakabahan.
"Ano ba 'yun Jude?" kinakabahan kong sabi. Kung sakaling magtatapat siya sa akin, ano bang gagawin ko? Hindi ako assuming pero diba, halata naman?
"Jade may sasabihin ako sayo at sana tandaan mo dahil hinding-hindi ko na 'to uulitin..."
Pakiramdam ko ay may lumaktaw na isang pagtibok ang puso ko. "Oo Jude, tatandaan ko." Tatandaan ko ang sasabihin mo dahil sigurado akong kahit kailan ay hindi ko 'to malilimutan...
Pinagmasdan ko si Jude at nakita ko ang pagpunas niya sa pawis niya sa noo. Ilang beses din siyang huminga ng malalim bago ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata at nagsalita, "Mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at nagpapasalamat ako dahil dumating ka. Hindi mo lang alam kung paano mo napapahinto ang mundo ko sa simpleng pagngiti mo. Kung paano ako kinakabahan tuwing nariyan ka at kung paano ako magpigil ng hininga tuwing magsasalita ka. Pero hindi ko masabi sayo dahil baka kaibigan lang ako para sayo..."
Nganga. Speechless. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso. At gusto kong magwala.
"Mahal din kita..." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob at pwersa para sabihin iyon pero nasabi ko. Nasabi ko!!
Iminulat ni Jude ang mga mata niya at kita ko ang pagkunot ng noo niya sabay sabing, "Ha?"
Kumunot na din ang noo ko saka alanganing ngumiti sa kanya, "Uhm?"
"Natatandaan mo ba lahat?"
Para akong tangang tumango at sumagot ng, "Oo."
Tumayo siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang-balikat ko, "Mabuti naman. Pakisabi na lang sa bestfriend mo ha?" Nakangiti niyang sabi bago ako hinalikan sa pisngi at naglakad paalis.
Nang mawala siya sa paningin ko, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Pero dahil nang-aasar talaga siya, bigla siyang bumalik sa harap ko at nagsalita, "Jade umiiyak ka ba?"
Gusto ko siyang sabunutan at sapakin pero pinili kong yumuko at punasan ang luha ko. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti, "Bakit ka bumalik?"
Kumamot siya sa ulo, "Ano nga 'yung sinabi mo kanina? 'Yung... 'Mahal din kita?'"
Napakagat ako sa labi ko, "Wala 'yun. Naisip ko lang na... 'yun ang isasagot sayo ni Jeanna."
Si Jeanna, na bestfriend ko. Na kaibigan ni Jude. Na mahal ni Jude. Na mahal ko.
Ngumiti si Jude saka ako tinapik sa balikat, "Sabihan mo agad ako kapag nasabi mo na kay Jeanna ha? Salamat Jade! Best friend talaga kita!" Saka siya umalis sa harap ko.
Bestfriend? Ang saya naman. 'Yung lalaking mahal ko, bestfriend lang ang turing sa akin. At 'yung taong mahal niya, ang bestfriend ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimulang pumunta sa Engineering Department. Kailangan ko ng sabihin 'yun kay Jeanna. Na siya ang mahal ng lalaking minahal ko sa loob ng apat na taon.
Ang tanong, sasagutin ba ng taong pinagsasabihan ko araw-araw kung gaano ko kamahal si Jude ang lalaking mahal ko na siya ang mahal? Ang gulo. Palilinawin ko, sasagutin ba ni Jeanna si Jude?
Hindi ko na 'to dapat iniisip. Dahil sa huli, ako pa din ang maiiwan mag-isa. At wala akong magagawa para mabago 'yun.
Part II: Bestfriend, Sorry
Part III: Now That I Realized
BINABASA MO ANG
"Mahal Din Kita"
Short StoryAkala mo mahal ka din niya, pero inakala mo lang pala. Ayan tuloy... napaamin ka.