Top & Down

244 5 0
                                    

                   Hey guyz!!!!                                    
Ito po si Author!!! Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng story ko!! 

And this story is one of my 'achuhu chova ek ek' Hahahaha short story lang po ito! Actually, hindi ko na dapat ipapublish dito sa WP kaya lang syempre nanghinayang ako kung hindi ko ishe-share dba?

Sana magustuhan nyo ang story kong to kahit maikli lang! Heehehe

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment

-Black_idol

  8:00 am na pero heto at naglalakad pa rin ako sa tabi ng kalsada. Medyo tinanghali na kase ako ng gising at tsaka kinailangan ko pang asikasuhin ang mga kapatid ko sa pagpasok sa school.

Sa JMS Restaurant ako nagtatrabaho ngayon as a waitress at kung minsan kina-career ko na rin ang maging dish washer para naman dagdag pera rin yun.

Malaking tulong na iyon para sa pag-aaral ng mga kapatid ko tsaka para sa araw-araw na gastusin. Hindi rin kase sapat ang kita ni nanay sa pagtitinda ng isda sa palengke at ang pagtatricycle ni tatay.

Kaya nga second year college lang natapos ko dahil gusto ko munang makatulong kina nanay at tsaka mag-iipon rin muna ng pera na sasapat sa pagpapa-aral sa sarili ko.

"Hey! Good morning!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng sigaw na iyon. Malaki ang ngiti nya at bahagya pang nakalabas ang ulo nya sa bintana ng kotse nya.

Inirapan ko sya. "Good morning din"

Narinig ko naman syang tumawa.

"Hahaha, sungit mo talaga krisha. Anyway, wanna ride?"

Napabuntong hininga na lang ako. Sya si Justin ang childhood friend ko, classmate ko rin sya simula elementary hanggang high school. Hindi naman kami close sadyang feeling close lang talaga ang isang to.

"At kilan pa ako pumayag na sumakay sa kotse mo?"

"Yun na nga eh. Araw-araw na lang kitang niyaya isabay pero lagi kang tumatanggi. Nakakatampo ka na,e"

"Sige babye" kumaway na ako tsaka nauna ng maglakad.

Mabilis naman na nawala sa paningin ko ang kotse nya. Hindi na ako nagtataka dahil lagi namang ganito ang nangyayari. Yayayain nya akong sumakay then tatanggi ako tapos yun aalis na.

Ewan ko ba sa lalaking yon. Magulo ang lahi, e.

NG MAKARATING sa restu pumunta agad ako sa staff room, sa likod na ako dumaan papasok total may mga iilan ilan na ring customer tsaka may pinto naman sa likod eh nga lang iikot pa.

"Uy krisha alam mo na ba ang balita ah? Nandito raw ang mga kaibigan ni sir justin! Oh my gosh! Sigurado akong gwapo silang lahat! Kyaahh~"

Tumalon-talon pa sya at nagpaikot ikot sa harap ko na kilig na kilig. Tss, samantalang araw araw syang nagkukwento sakin ng pagpapantasya nya kay ju-i mean sir justin. Kesyo daw gwapo, sweet, gentleman at mabait.

What the hell!

Kulang na nga lang itali na nya si jus-sir justin sa katawan nya eh! Grabe!

Napailing na lang ako. Ipinusod ko ang mahaba kong buhok tsaka naglagay ng kunting powder sa mukha. Nag apply na rin ako ng lip gloss dahil hindi naman ako sanay sa lipstick.

Top and Down (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon