Chapter 03: Finally complete

63 11 8
                                    

Lexi POV
"Hindi na nga kasi kita mahal Lenisse itigil na natin to, I'm now inlove with Savannah and not with you so please stop. All of my life all i thought was its always you but Lenisse. This is too much! Sorry but I dont love you anymore. Good bye."

I tried to chase him as fast I could but he disappeared.

All I did was to give my all to him, but what he did was to leave me

.....broken

.....sad

......empty

"Iha!! Iha!! Lenisse! Gising na!" Bigla akong nagising sa tawag ni manang saakin.

"M-manang..." sabay niyakap ko siya at humagulgol.

"M-manang masakit parin po. Ano po bang ginawa kong mali para iwan niya ako... Manang nahihirapan na po ako." Sabi ko sabay umiyak pa.

"Iha, wala kang ginawang masama. Nagmahal ka lang ng tapat. Sya ang may diperensiya hindi ikaw. Wag mong iyakan ang dapat kinakalimutan na Lexi.. matagal na yun." Pagcocomfort nya saakin.

"Yung matagal po na nayun nandito parin manang eh! Ansakit sakit na." Sabi ko sakanya sabay turo sa puso ko.

"Nako iha.. hays tahan na at male-late na kayo sa school. Unang araw pa man din ng training nyo ngayon. Galingan mo iha ah. Andito kami para sayo." Pag chi-cheer up nya saakin.

"Opo salamat po talaga manang at parang lola na kita. Sila mommy po nasaan?" Tanong ko sakanya

"Tumawag sila kagabi nung tulog ka, Friday na daw sila makakauwi dahil may inaasikaso sila. Ngayon ay biyahe nila papuntang Ilocos at aasikasuhin nila ang resort ninyo duon." Paliwanag pa ni manang.

Hays sanay naman na kasi ako na lagi silang wala sa tabi namin. Sobrang namimiss kona yung quality time at bonding namin nila mom and dad, sana kahit sa debut ko magkakasama kami.

Kumain ako at Nagbihis as usual hinatid kami ni kuya Felix sa school.

"Oh ate bakit ang tamlay mo?" Tanong sakin ni Lexa.

"W-wala." Sabi ko hays

"Feel free to share that to me later, punta na ko sa klase ko. Bye." Sabi nya atsaka bumaba ng kotse

"Kuya Felix start na po ng training namin, baka mga almost 6 na po kami makauwi." Atsaka bumaba narin ako ng kotse

Dumiretso ako sa locker room ko at kinuha ang gamit ko, nakakawalang gana talaga. Hays.

Pagkabukas ko ng locker ko ay agad sumalubong saakin ang isang maliit na box...

"Cheer up!! Maraming nagmamahal sayo <3

-S.K.I "

Oh well, sino naman kayang naglagay neto dito atsaka pano sya nabuksan locker ko? Siguro may master's degree yun ng lock picking hahaha.

Habang paakyat sa room, dahil third floor pa ang room namin which is nakakapagod d-.-b
Binuksan ko ang box, nakakashookt kasi punong puno siya ng papel bes! Mga love letter yata. Binasa ko yung isa,

Hey Lenisse! Cheer up! You don't have to cry over shitty guys. Marami pang nagmamahal sayo. Please do flash your sweetest smile. Xoxo
-S.K.I

Aww hahaha natouch naman ako dun, pero sino naman kaya si S.K.I ?! di ko namamalayan na nasa tapat na pala ako ng pinto ng room, bubuksan ko sana yung pinto kaso...

"Ay palaka!! Akala ko naman kung sino! Good morning Lenisse." Masayang bati ni Ashka sakin

"A-ahh haha good morning din!! Nagstart naba ang klase?" Tanong ko sakanya

Hold me In the Rain (Hiatus)Where stories live. Discover now