"Charlotte,magtago ka sa kwarto mo!"Utos ni Mama na hindi ko sinunod. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana at pinagmasdan ang dalawang tinted na itim na sasakyan na naka-park sa labas ng bahay namin.
"Anak,please? Magtago ka na!" agad akong lumingon sa kanya at pinagmasdan na lumuluha siya.
Umiiyak si Mama.
Pero bakit?
"B-bakit po?"
Hinila ako ni Dad paakyat sa kwarto at binuksan ang closet. Binuhat niya ako at ipinasok sa loob nito. Nakita ko kung paano siya nagpipigil na pabagsakin ang mga luha niya at kung paano niya pilit na pinapakitang malakas siya, pero kung titignan sa mga mata niya,makikita mong nahihirapan siya.
Kung ano man ang nangyayari,ay wala akong alam.
Hindi ko alam ang nangyayari.
"Anak,wag kang lalabas dito okay? Me and your Mom loves you, don't you ever forget about that—"
"Ano po bang nangyayari?!" putol ko sa sinasabi niya.
Tuluyan ng lumandas ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Dad. Sa unang pagkakataon ay nakita kong umiyak si Dad. Niyakap ako ni Mama.
"No matter what happen,please hide. Hide please, anak. Wag ka sanang magalit sa amin ng Dad mo,mahal na mahal ka namin. I'll miss you. We will."
That's the last words that I've heard from my Mom and Dad.
Sinara nila ang pinto ng cabinet at nanatili akong umiiyak habang tulala sa mga nangyayari.
A loud bang echoed from the house.
Not just once,but six times.
The next thing I knew is,it was in the afternoon. I was walking downstairs and I froze when I saw them.
Bloody dead on the floor.
They are both holding their hands.
Lumapit ako sa kanila at nakita ang isang maliit na papel na may nakaukit na itim na paru-paro.
Niyakap ko ang mga magulang ko at umiyak.
Unti-unting nanlabo ang mga mata ko.
At isa lang ang tumatak sa isip ko ng mga oras na yun bago ako tuluyang lamunin ng dilim.
Hahanapin at maghihiganti ako sa kung sinong gumawa nito sa kanila.
And everything turns black.
BINABASA MO ANG
DECODE (a Sherlock Quest)
Mystery / ThrillerSimula ng may pumatay sa magulang ni Charlotte,ay pinili niya ng lumayo sa lugar nila at magsimula ng panibagong buhay. Ngunit ng dahil sa gusto niyang mahanap ang pumatay sa mga magulang niya at makapag-hingati ay nakilala niya ang isang lalaking p...