Pagod,tagaktak ang pawis at, hinihingal ako dahil sa aking ginawang pag takbo mula sa aming eskwelahan papunta sa bahay nila Hannah dahil kailangan ko siyang maabutan dahil kung hindi ay baka hindi kona sya makita ulit.Matapos kong malaman sa matalik na kaibigan ni Hannah na aalis pala sila ay hindi nako nag dalawang isip tumakbo papunta sa kanilang bahay ramdam ko ang aking sobrang kaba paikot ikot rin sa aking isip na baka hindi ko na siya maabutan pa dahil kanina pa kami nag paalam sa isat isa ramdam kong may kakaiba ngunit isinawalang bahala ko nalang ito dahil baka aking guni guni lamang ngunit mali pala ako
"Mike mahal na mahal kita aantayin mo naman ako hindi ba?" Sabi nya sakin habang naglalakad kami papunta sa klase nya dahil tapos nito ay uwian na siguro yun ang iniisip nya
"Tsk ano bayang pinag sasasabi mo? Syempre lagi naman kitang iniintay e diba nga lagi tayong sabay umuwi kahit patago dahil ayaw ng mga magulang mo." Nakita ko ang pag lungkot ng kanyang mga mata ngunit agad yong napalitan ng isang pekeng ngiti.
"Oo nga pero basta tandaan mo mahal na mahal kita ah kahit anong mangyari." Parang bigla akong kinabahan sa sinabi nya, bakit ganito sya kung mag salita?
"Mas mahal kita mahal. Saka bat ganyan kaba mag salita may problema ba? Bakit pakiramdam ko may bumabagabag sayo?" Iniwas nyalang ang tingin sakin at lumakad patungo sa pintuan ng kanyang klase
"Wala yon, o sige lakad kana mag uumpisa narin ang ating klase. Pasok nako ah ikaw rin." At bigla nya nalang akong hinalikan sa aking labi
Sa aking gulat ay hindi agad ako naka galaw at sya man ay nag madali na rin sa kanyang pag pasok sa loob ng kanilang silid aralan bakas padin sa akin ang pagka gulat dahil alam ko na ayaw nya ng nakikita kami ng ganoon ng kanyang mga kaklase dahil baka mag sumbong ito sa kaniyang mga magulang at baka kami ay pag hiwalayin at ito rin ang aming unang halik mula noong akoy sinagot nya kaya naman sobra ang aking pag ka saya
Sana hindi ito ang huli
Nakarating ako sa kanilang bahay ngunit ang aking naabutan nalang ay ang kanilang mga katulong na paalis ng mansyon nakita ako ng isa sa mga nakakaalam ng aming relasyon na si Edna ramdam ko ang aking wagas na panginginig dahil sa kaba at sa kanyang malungkot na tingin saakin at pati narin siguro sa kanyang ibabalita na sana hindi kona narinig pa
"Mike wala na sila umalis at nangibang bansa biglaan ang pasya ng daddy ni Hannah ni walang nakakaalam kung saan pero dahil nalaman nya ang tungkol sa inyo ay agad silang umalis at eto nga pala ipinabibigay ni Hannah sayo." Puno nang lungkot nyang sabi habang ibinibigay sa akin ang isang maliit na kahon tinignan ko muna ito sa kanyang kamay bago kinuha
"Sige Mike hanggang sa muli aalis na kami" hindi kona napigilan ang aking luha sa pag bagsak dahil naikandado na nito ang gate ng mansyon kundi dahil alam kong hindi na talaga sya babalik
Iniwan nanya talaga ako
Gabi na ngunit nandirito parin ako sa labas ng bahay nila tangin ang mga ilaw nalang sa kalsada at buwan ang nag bibigay liwanag sa malungkot na gabing ito kanina kopa tinititigan ang maliit na kahon na galing sa kanya laman ang aming mga ala ala at isang sulat.
Mahal kong Mike,
Pasensya na hindi ko sinabi sayo siguro habang binabasa mo ito wala na ako at nag tagumpay na sila daddy na ilayo ako sayo siguro galit at nagtatampo ka sakin dahil hindi manlang ako nag pa alam sa iyo ng personal. Ngunit ito ay dahil ayoko ng makita kang nasasaktan dahil baka hindi ko kayanin Mike, kahit bata palang tayo at sinasabi nilang dala lang ito ng mapusok na desisyon at mali pa ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Ay lagi mong tatandaan na ramdam ko na tunay ito walang kahit sino na makapag papaalis ng matinding nararamdaman ko sayo at alam kong walang kasiguraduhan kung tayoy mag kikita pang muli ngunit sisikapin ko na balikan ka. Na kahit walang kasiguraduhan na sa pag balik ko ay ako parin ang mahal mo dahil bata pa tayo at baka ay makahanap ka na ng iba mong mamahalin dahil hindi imposible. Alam kong may tamang oras para sa atin kung hindi man ngayon ay balang araw. Balang araw na malaya na nating maipapakita sa lahat ng tao ang ating tunay ay wagas nating pag iibigan hindi man sigurado na mangyayari nga ngunit ako man ay maghihintay na sana dumating nga ang panahong iyon Mahal na mahal kita Michael Ryan Salazar
Nagmamahal, Hannah Venice GuzmanPatuloy parin ako sa pagluha matapos kong mabasa ang kanyang sulat, mahal na mahal rin kita at hindi ito ang ating huling pag kikita hihintayin kita mahal ko...
——————
Sana nagustohan nyo salamat pala dun sa napanood kong video sa fb dahil yun yung nag inspire sakin na isulat to kahit walang kasiguraguhan...
Ipapag patuloy koba?
Message nyo nalang ako kung oo
Fb/Yümi Mendoza
BINABASA MO ANG
Eternal
Teen Fiction"But for those who loved, time is eternal."- William Shakespeare. Sabi nila ang love daw ay willing to wait. But it was still worth it parin ba kung hindi lang month, 1 or 2,3,4,5 years pa but 60 years? Mahanap kaya ni Mikaela ang may ari ng journal...