1- Claydo

19 1 0
                                    

Karyn's POV

Sunday na naman. Napakabilis talaga ng araw. Hindi mo namamalayan, natatapos na pala. Hindi mo namamalayan, panibagong araw na naman pala.

Isa lang ang tumatatak sa isip ko lagi, ang maging matatag.

Simula nung namatay ang mga magulang ko, iyon na ang naging Motto ko sa buhay. Ulila ako simula pagkabata. Hindi ko nakilala ang mga magulang ko. Ang saklap ba? Ito na rin siguro ang maging kapalaran ko.

Kinupkop ako ng Auntie ko noon. Sa kanya na ko lumaki. Sobrang bait sakin ni Tita Jenny. Siya ang tumayong magulang ko. Masuwerte na rin ako at hindi ako napunta sa isang masungit na Auntie.

Hindi naman kami mahirap. Sakto lang. Sapat na para matustusan yung pangangailangan namin ni Auntie. Mangha ako sa kanya dahil napapag-aral niya ko.

"Ineng, ito na ang napkin mo." Sabi nung nagtitinda. Grabe. Makabroadcat naman na napkin ang binili ko.

"Pinagsigawan talaga, Ate?" Natatawa kong sabi sa nagtitinda.

"Clydo nga. Black." Sabi nung lalaki sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya. Ang pogi. Halata namang obsess siya sa Claydo dahil nakataas ang buhok niya. Hindi ba malagkit tignan yon? Tsaka hindi ba mainit sa anit yon? Aisstt!

"Miss, napkin mo nalaglag." Namula ako sa sinabi nung lalaki. YUNG NAPKIN KO?! Oh my god. Napatingin ako sa short ko. "Oh." Inabot niya sakin yung pack ng Napkins ko. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman yung suot kong napkin eh.

"Ayy, thank you." Nahihiya kong sagot. Nakakahiya naman talaga yon eh.

"Wag kasi masyadong tumitig." Sabi niya sabay ngiti sakin ng nakakaloko.

"Hoy! Ang kapal! H-hindi ah! Mag-papaano pa ko eh. Ano, ahmm. MAGPAPA-LOAD! Oo tama, magpapa-load! Kaya wag kang ambisyoso. Hinihintay lang kitang matapos. Tse!" Oo na, nagsinungaling ako sa kanya na magpapa-load ako. Inirapan ko siya.

"Talaga lang ah?!" Natatawa niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin. Naiinis ako sa kanya. Tsk!

"Ate! Paload. TM. 20." Tuloy tuloy kong sabi. Napansin kong may kinuha si Mr. Claydo sa bulsa niya. Cellphone noya ata. Tss, wala akong paki.

"Number?" Sabi nung nagtitinda. Napansin kong nakatingin din sakin si Mr. Claydo. Bwiset 'to!

"0926-XXXX-XXX" Kumuha na kong pera ko sa wallet. Tsk! Napaload tuloy ako ng wala sa oras.

"Got it." Singit netong si Claydo. Ano daw? Baliw na ata siya. Hindi ko lang siya pinansin at nagbayad na ko't umalis.

Umuwi na ko sa bahay at humiga sa kama. Eto ang pinakagusto kong part ng araw! Ang humiga sa kama!

Kinuha ko yung textbooks ko dahil 3rd Finals na namin sa Friday. 4th Year na ko pero lahit kailan hindi ko alam kung ano ang technique sa pag aaral. Basta basa lang ako ng basa.

*Bzzzt* (Text Message)

Wow, himala at may nagtext sakin ngayon! Kinuha ko ang Phone ko at binasa kung sino ang nagtext.

|From: Unknown

Hi Ms. Napkin.|

Huh? Sino kaya yon? Aba't tinawag pa kong Ms. Napkin.

|To: Unknown

Who you?|

Ilang saglit lang at nagreply na siya.

|From: Unknown

Ako yung lalaking gwapo kanina sa tinadahan.|

ANG KAPAL TALAGA! Gwapo daw! Psh. Kapal! Kapal!

|To: Unknown

Ahh! Si Mr. Claydo. Tss, gwapo daw! Feeling ah?! At san mo nakuha number ko?!|

Reply ko. Totoo naman eh. Di siya gwapo. Sinave ko na yung number niya.

|From: Claydo

Hmm, nung nagpaload ka, sinave ko na number mo habang sinasabe mo. Brilliant right?|

BRILLIANT YOUR FACE! Urgh. Nakakainis 'to.

Tumagal pa ang pagte-text namin ng hanggang 1 am. Ganador diba? Kung hindi ko maaalalang may pasok ako bukas, hindi ko pa maiisipang matulog.

Masaya siya katext. Sean Clyde Sebastian ang buo niyang pangalan. 4th year din katulad ko. Sa kabilang Subdivision pa yung school niya dahil mas maganda ang school na yon kesa sa school dito sa Subdivision namin. Oo, magka-subdi. lang kami.

Noong una ay naiinis ako sa kanya dahil sobrang mapang asar niya. Minsan ay nagkikita rin sami sa tindahan. Ang pogi niya pala talaga!

Bukas, pupunta kami ni Clyde sa bahay nila. Inaya na rin kasi ako dahil Birthday daw ng Kuya niya. EXCITED NA KO!

•••

This is just a Bonus Chap for the Prologue kaya its short.

Mame-meet na ni Karyn ang Brother ni Clyde! Abangan sa Next Chapter!

Give me 2 Votes, please! <3

-IDC

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon