"Leonard," mahinhin na sambit ng dalaga habang hinahaplos ang makinis na mukha na binata na akala mo'y di na muling magsasama.
"Aushrea, ma-mahal k-kita." kita sa mukha ng lalake na nahihirapan na itong huminga pero todo pilit parin ito upang mabigkas lang ang mga katagang binitawan niya. At doon na nga napabuhos ang luha kanina pang pinipigilan ng dalaga. Di na nito makayanan ang pigilan pa ito dahil sa nakikita niyang eksena na kung saan ang mahal nito sa buhay at unti-unti nang namamaalam.
"Aushrea, promise me, you'll smile everyday for me."
at sa huling mga katagang binitawan ay siyang huli ring araw na ito ay makakausap. Sa pagbuhos ng ulan, ay maririnig parin ang sigaw ng sakit at hapdi ng pusong nawasak ng dalagang si Aushrea.
"Magaling. Magaling. Magaling. " Mula sa malayo ay kitang kita ang kasiyahan ng director naming si Evonne habang may papalakpak pa ito. Napaupo naman ako sa malapit na upuan dahil aa pagod mula sa limang pabalik balik sa scene na ito.
Nilapitan naman ako ng assistant kong si Andrea habang nakahawak nanaman sa ipad nito na may laman ng schedule ko. Nilapitan na din ako ng make up artist para sa retouch.
"Riva, mamayang 3:00 may dinner ka with the family. Andon na din nga pala ang mga regalo mo para kay Portia sa sasakyan." Napatango naman ako habang iniisa isa nito ang mga gagawin ko. Nang matapos na akong niretouch ay lumapit kaagad si Brandon sakin, boyfriend ko at the same time ka-love team ko. Lucky right?
"Can't wait to finally meet your parents later babe." May pawink pa ito. Di ko parin maiwasang kiligin sa mga eksenang ganito kahit ganyan naman siya lagi sa akin. Kahit girlfriend niya na ako ay tinuturing ko parin ang self ko bilang isa sa mga fans niya. I just can't stop admiring his God like appearance. Umakbay naman ito sakin habang kinakausap siya ng assistant niya.
We're dating almost a year now, at di parin nagbabago ang kasweetan niya. I wonder kung ganito parin ba siya kasweet pag naging asawa ko na siya. It's not like I'm already expecting us to be a married couple soon, afterall, we still have duties inside the showbiz.
Binigyan muna kame ng break ni director tutal isang scene nalang din naman ang natitira. Kinuha ko naman ang phone ko at nagselfie habang di nakatingin si Brandon. Pinost ko naman ito kaagad sa instagram at syempre mabilis ang binagyo kaagad ang notifications ko.Mga comments 'Ang sweet naman kahit behind the camera.' aba syempre may nagreply kaagad dun. 'ate behind the camera talaga yan.' hindi ko tuloy maiwasang matawa.
Nilingon naman ako ni Brandon. "Bakit ka jan tumatawa?May nagpapakilig na ba sayong iba maliban sa akin?May nahanap ka na bang ibang mas gwapo sa akin?"Ganito lagi ang mga sinasabi ng lalakeng ito pag nagseselos kahit wala namang pagseselosan.