(Patugtugin niyo po ang Malaya by Moira Dela Torre. Iyon po ang background music nito. I-repeat niyo na din yung kanta. Or kung wala kayong kanta na 'yon, magplay nalang kayo ng malungkot na kanta. Maglalagay din ako ng kaunting lyrics ng Malaya na sakto doon sa nangyayari.)
Azelea's POV
To: Blair
Blair, pumunta ka mamaya sa plaza, 6:00 PM. May importante akong sasabihin sayo.
Sent at 4:56 PM
Sana tama ang desisyon kong 'to. Sana maging maayos ang lahat pagkatapos ng mangyayari mamaya. Sana...
Sa lahat ng pinagsamahan namin ni Blair. Sa lahat ng masayang alaala namin. Sa mga malulungkot at nakakaiyak na pagsubok na dumating sa buhay naming dalawa. Sa mga nalagpasan naming pagsubok. Sana maulit pa.
Sa tingin ko, dapat ito ang gawin kong desisyon para sa ikabubuti naming dalawa. Para wala ng masaktan pa. Sana maging maayos ang lahat pagkatapos nito. Sana wala nang masaktan pa sa desisyon ko.
Sorry, Blair.
•••
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng pintuan ng bahay.
Kailangan kong gawin 'to para maitigil na ang pananakit ko sa kaniya. Kasi kapag tinuloy pa namin ang kung anong meron kami ngayon, patuloy ko pa rin siyang masasaktan.
Naglakad na ako papunta sa plaza.
At, nakita ko siya. Naka-upo sa bench at nakatalikod sa gawi ko.
Habang papalapit ako, ay sumasabay ang malakas na kabog ng dibdib ko sa bawat hakbang ko. Kasabay din ng pagnginig ng tuhod at kamay ko. Na parang gusto kong tumakbo pabalik, pero wala na. Ito na ang tamang panhon para sabihin ko sa kaniya. At para matigil na rin ang sakit na nararamdaman niya.
Naglakad pa ako hanggang sa maaninag ko kung ano ang ginagawa niya.
At gano'n nalang ang pagtulo ng mga luha ko ng makita kung ano ang ginagawa niya.
Ice cream. Yung palagi naming kinakain kapag kinakabahan kami. Yung palagi naming kinakain palagi.
Bakit sa tuwing maaalala ko ang masasayang alaala naming dalawa, parang gusto kong bumalik. Parang gusto kong umalis at ipagpaliban ang desisyon ko.
Bakit ba ako umiiyak?
Dahil ba mamimiss ko ang mga alaala naming dalawa? Ang mga ginagawa namin palagi? Dahil ba mamimiss ko siya?
Ayoko na. Gusto ko ng isuko ang desisyon ko.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at akmang tatalikod na ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko.
Nakangiti siya.
Ang ngiting 'yon. Hindi ko na makikita pang muli. Baka ito na ang huling beses na makikita ko siyang ngumiti.
Kumaway siya sa akin at lumapit papunta sa akin.
Blair, please. 'Wag ka nang lumapit sakin. Masasaktan lang ulit kita.
Pero huli na. Nakalapit na siya.
"Bakit, Azelea? Anong sasabihin mo? Nako. Namiss mo agad ako? Kakikita lang natin kanina." Sabi niya at ngumiti ng malapad. Oo, Blair. Mamimiss kita.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit.
Naglabasan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, "Blair, sorry. Sorry. Kailangan kong gawin 'to. Sorry."