He found me...what?

"I never thought na magiging palaban ka, couz!" Napatingin ako kay Kisha.

"Kasi naman, akalain mo, yung laging busy ka-text ang boyfriend niya. Yung kayang iwan at kalimutan ang mga kaibigan niya dahil lang sa walang kwentang boyfriend niya." Dagdag pa niya. Ganun ba ako noon?

Napapout ako. "Hindi naman ako ganun eh."

"Ganun ka kaya! Hindi mo lang talaga alam." – Kath. Tumingin ako kay Zach na umiinom ng beer. Tumango lang siya tsaka, uminom ng uminom.

"Zach. Dahan dahan!" Pero hindi siya nagpapigil. Tinuga niya ng mabilis ang beer. "May problema ba?" Parang hindi siya babae kung uminom ng beer. Tinalo pa ang mga lasinggero sa tabi eh. Jusko po!

"No. Okay lang ako." Ngumiti siya ng mapait tsaka uminom ulit. No, may problema siya. Nararamdaman ko iyon. When she's drinking beer, The way she smile, The way she talk. I know she has a problem. It's really not her.

Tiningnan ko sila kath at kisha. Nagkibit-balikat lang ang sagot nila. Mukhang wala rin silang alam.

"Ano ka ba naman, lexa. Wag ka ng mag-alala sakin. Iinom ko lang 'to. Tapos bukas, wala na! Hahaha!" Lasing na siya. Lalapit sana ako sa kanya ng tumayo siya. "Woohh! Ang saya! Party! Partyyy!" Hinila niya ang isang lalaki saka hinalikan sa lips. What the!

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Kisha. "Hayaan mo siya, couz."

"What?! Anong hayaan?!" Naiinis ako. Bakit hahayaan lang? Paano kung mapahamak siya. Marape nung lalaking yun! Tapos..Tapos hindi ko na siya makikita ulit. T-tapos--

"Hey! Stop thinking of negative thoughts, lexa. Zach will be fine, okay? And look. Masaya na siya." –Kath. Mind reader talaga siya. Tumingin ako kay Zach. Masaya siyang nakikipag-usap kay Ivan. Oh, kaya naman pala.

Maya-maya, naramdaman kong naiihi ako. "Uhh..Couz. Cr muna ako, ha?" Tumango lang siya.
Ay teka! Hindi ko nga pala alam kung saan ang CR! Naman oh! Psh.
Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang parang manager ata? Basta yun. Haha!

"Uhm.." Pagtawag ko sa kanya. Napansin niya atang nasa tabi niya ako.

"Yes po ma'am?" Nakangiting sabi niya.

"Uhh, Saan ang CR niyo?" Naiihi na talaga ako!

"Doon po, ma'am." Itinuro niya ang way ng CR. "Thank you." Ngumiti ako sa kanya.

"You're late, Ms. Dela Cruz." Nakatalikod na ako sa kanya—kanila? And wait, did she say Dela Cruz? Sounds Familiar. Dahil sa sobrang naiihi na ako, nagsimula na akong maglakad.

"Sorry po, Manager." Napatigil ako. Parang umurong ang ihi ko ng marinig ko ang boses niya.

"Next time na ma-late ka pa, sisante ka na!" Ow bars! Napangisi ako. Mamaya nalang ako iihi.

Bumalik ako sa upuan namin pero hindi nawawala ang tingin ko sa kanya. "Ano couz, naka-Cr ka na?" Kaya pala ang landi dahil sa bar nagtratrabaho. Ang galing lang.

"Uy, ano na?"

Bakit hindi ko napansin yun? Hay nako.

"Hello? Earth to Lexa Mhaze?"

Tumayo ako ng makitang may dala na siyang wines and beers. Humanda ka sakin.

Bago pa ako makalakad, may humawak sa kamay ko. Paglingon ko, si kisha. Ano naman kayang problema nito?

"Saan ka pupunta?" Eh? Ngumiti lang ako saka liningonan si Lucy. Lucy Dela Cruz aka So MALANDI. Pinagbigyan ko na siya noon pero hindi na ngayon.

Napangisi din si kisha ng makita ang Bruha. Kinindatan ko siya bago lumapit sa bruhang malandi. Binilasan ko ang lakad ko para kunwari nagmamadali ako. Malapit na ako sa kanya. Mukhang hindi niya pa ako napapansin o nakikita.

May nakita akong lalaking nagmamadaling maglakad palabas. Sorry, kuya. Gagamitin muna kita.

"Wait! Wait!" Sinagi ng kamay ko ang kamay ng bruha papunta sakin.

"WHAT THE?!" Malakas kong sabi. Pinapagpag ko ang damit ko. "Shit! Shit! Naman oh!" Papalabhan ko nalang 'to.

"Ma'am Sorry po." Wow, marunong pala siyang magsorry? "Sorry po tala---I-ikaw?" Gulat na gulat siya ng iangat ko ang mukha ko.

"Anong nangyayare dito?" Dumating si ateng manager. "Okay lang po kayo, ma'am?"

"Yes. Okay lang ako. Pero itong damit ko." Tiningnan ko ang damit ko. Yumuko ako para matago ang ngisi ko. Ano ka ngaun? Sisante na! Hahaha!

"Anong kapalpakan tong ginawa mo, Lucy?! At hindi lang yun, dinumihan mo pa ang damit ni ma'am! Napakawalang kwenta mo talaga!" Napayuko si bruha. Tumingin sakin si manager. "Pasensya na po, ma'am."

"No. Okay lang. Sa susunod, maghire ka ng hindi PALPAK at LAMPA kung ayaw mong pati ang bar na ito ay BUMAGSAK." Ngumiti ako sa kanya.

"Opo." Yumuko pa siya.
Tumingin ako kay bruha. Lumapit ako sa kanya na kahit ngayon ay gulat at nakatulala pa. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Sa susunod, pumili ka ng lalandiin, ha? Hindi yung TAKEN na." Ngumisi ako sa kanya saka nilampasan siya.

Tinext ko sila Kisha na umalis na ako. Nakita naman siguro nila ang eksena kanina.

Nasa labas na ako ng maalala kong wala nga pala akong dalang kotse. Shit naman oh! Kasi naman! May pa-walk out walk out pa kasi akong nalalaman. Argh!

Magtataxi nalang siguro ako. Naglakad na ako para magpara ng taxi nang may humablot sa kamay ko. Ang gentle ng pagkakahawak niya na parang ayaw niya akong saktan.

Wait. Parang nangyari na 'to.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Familiar din ang likod niya. Parang nakita ko na ito dati.

Isinandal niya ako sa pintuan ng kotse. Magkaharap na kami ngayon. Siya yung lalaking nagmamadaling umalis kanina. Ang gwapo pala niya sa malapitan.

Lumapit siya, umatras naman ako. Teka, wala nga pala akong ma-atrasan so erase na yun. Haha!

Ngayon, sobrang lapit na ng mukha naming sa isa't isa. Na parang 1 inch nalang eh, magdidikit na ang mga ilong namin. Nakatitig lang ako mga mata niya. He has beautiful brown eyes.

"I finally found you." He said then suddenly his lips went to mine.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko iyon inaasahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Ano 'tong nararamdaman ko?

But I don't understand why... why...

Why am I kissing him back?

Why his kisses are so familiar?

Even his presence?

Kahit na ngayon ko lang naman siya nakita?

Ngayon nga lang ba talaga?

Someone You BrokedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon