Ang Simula

125 0 0
                                    

Lou.

Unexpected

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! RICCI!!!"

"RICCIIIIIII!!!! PAKISS!!!!"

"I LOVE YOU RICCIIIII!!!!"

"RICCI BAAAAAAAAAABES!!!!!!!"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"

Dala dala ang banner na green kasama ako sa nakikisigaw sa pangalan ng lalaking aking gustong makasama habang buhay. Para akong hihimatayin ngayon. Nakipagsiksikan talaga ako hanggang makarating sa pinakaharap para lamang makita ng malapitan si Ricci.

Makikipagpatayan ako mahawakan ko lang si Ricci no!

"ARAY! TABI! TABI! UGH!" Siniko siko ko ang ibang mga babaeng paharang harang sa daan ko. Bawal magpatalo aba!

Itinaas ko ang aking banner na may iba't ibang litrato ni Ricci at may nakasulat na malaking "I LOVE YOU RICCI PAOLO ❤️"

Kasalukuyan namin siyang inaantay bumaba ng van kasama ang buong team ng Green Archers. Kakatapos lang ng game nila dito sa Araneta at nagtyaga talaga kami ng bestfriend kong si Aya para makita namin ang aming mga iniidolo.

May nakaharang sa amin na bakal kaya mahirap talagang makipagkamay sakanila lalo pa't mga pagod yan dahil sa game.

Nakakalungkot nga lang dahil nanalo ang Ateneo. Masyadong dikit ang laban at lahat sakanila magagaling! Medyo na bibitter lang ako kay Thirdy Ravena. MVP ba naman. Edi sobrang saya ni Aya peste!

"Beeeeeesh! Palabas narin daw mga ADMU!!! Potaaaaaak!!! THIRDYYYY!!!" Napairap ako. Ewan ko ba sa tuwing may naririnig akong nagchicheer dyan kay Ravena naaasiwa ako. Lalo na si Aya patigasan talaga kami ng mukha sa tuwing nagkekwento tungkol sa mga crush namin.

Nakablue long sleeve top siya at high waisted shorts. Samantalang ako naman naka croptop na medyo light green na pinartneran ng high waisted  pants with ball cap na white na may naka sulat na #RR6.

Samantala nagaabang parin kami dito ni Aya sa pagbaba ng aming mga crush. Katulad ng mga typical na fangirls may banner, may gifts at syempre love letters kami ni Aya.

"BESHYWAAAAAAAAAPS! PABABA NA GREEN ARCHERS KYAAAAAAAH!" Tili ni Aya, actually may isa din siyang crush sa DLSU. Si Leonard Santillan a.k.a Santi. Sobrang galing din nyang si Santi lalo na sa Three points shot? Ugh. Pero mas gusto niya talaga si Thirdy so bahala siya dyan.

Naunang bumaba si Aljun Melecio, sinundan ni Andrei Caracut. Tumili ang crowd sa paglabas nilang dalawa, hinarang sila ng mga media at kung ano anong mga tinanong ngunit kahit isa ay wala silang sinagot. Nakaharang ang kanilang mga bouncer kaya medyo napa atras kami. Mga punyemas! Anoba?! Agaran ang pagsakay nila sa kanilang isa pang van na kapag na kompleto silang lahat doon ay agad ng aalis.

Sumunod na lumabas si Ben Mbala at katulad ng unang nangyari kila Melecio wala ring napala ang mga reporters sa kanya at puro pag flash lang ng camera.

Sumunod na lumabas ang buong team maliba kila Ricci at Santi. Hala, nasaan sila? Nagsitilian nanaman ang crowd maging ang mga media ay nagkaunahan dahil nagpa interview na ang kanilang Coaches.

Nang humupa na ang mga ito pumasok narin sila sa Van. Diretso ang tingin ko sa van ng biglang mas lumakas ang tilian.

Heto na siya...

Biglang nagslow motion ang buong paligid at tanging kaming dalawa lang ang nakikita ko. Bitbit bitbit ang banner para akong matutumba sa harap. Mas lalong naging marahas ang mga fans lalo na ang mga media. Kaya natumba ako at sumubsob sa simento. Arayyy! Ang iilan ay tinatapakan pa ko!

Mga leche! Aray! Huhu ansaket! Asan na ba si Aya?! Muntik na kong maiyak nang makita ko ang banner ko na sira sira at punit punit na! Walangya! Pinaghirapan ko to eh! Nitong mga oras na ito malapit na talaga akong umiyak.

Nakadapa lang ako habang naluluha ng bigla akong may nakita na dalawang sapatos sa harap ko. Malabo ang paningin ko dahil sa luhang tutulo na.

Nag-angat ako ng tingin.

Lord totoo ba itong nakikita ko? Si Ricci ba talaga itong nasa harap ko? Nilahad niya ang kanyang kamay at dahan dahan akong iniangat. Slow motion padin ang buong paligid tanging kaming dalawa lang ang aking nakikita.

Sobrang naiiyak ako sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"Miss okay ka lang?" Mabagal parin sa aking mga mata ng sinabi niya iyon. Hindi ako nakasagot kasi hindi parin nagsisink in sa akin na kaharap ko talaga sita ngayon!

Puro flash ng camera ang nakapalibot sa amin. Mas matangkad siya sakin at nanliliit ako ng dahil sa height niya.

"Okay ka lang miss?" Mas hinarap niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at agarang tumango. Hindi ko alam kung bakit at bigla nalang nag automatic ang katawan ko na yakapin siya.

Napapikit ako. Matagal ko ng pinangarap to sagadin ko na! Agad ding lumipas ang kasiyahan ko ng biglang hinatak na ko ng bouncer palayo sakanya. Slow motion parin ang pagkakawalay namin sa isa't isa hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Hinabol siya ng mga fans niya maging ang mga media hanggang doon sa van. Kasama na niya ngayon si Santi at ang kanyang mga kapatid na si Prince at Rasheed.

Hindi ako makahinga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makatili sa sobrang ligaya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Sobrang saya.

Namalayan ko nalang na tinatapik na ko ni Aya at tili ng tili panay ang kwento niya dahil na notice daw siya ni Santi at nakamayan niya naman si Thirdy.

Lutang parin ako hanggang sa paguwi namin. Hindi ko maikwento kwento sakanya. Nakita niya ba?

Napatingin ako sakanya habang siya nagdadaldal parin. Napansin niya naman na napa tigil ako kaya huminto narin siya.

"Aya... N-nakita mo ba iyong kanina? T-totoo ba 'yon?" Agad namang kumunot ang kanyang noo.

"Alin?" Napatingin ako sa lupa. Guni guni ko lang ba 'yon? Imagination nanaman ba? Panaginip lang?

"Ah wala tara pasok na tayo."

"Oy teh! Napapansin ko kanina ka pa balisa ah? May nangyari ba?" Hindi ba talaga niya nakita?

"Hindi mo ba nakita?"

"Ang alin ba kasi?" Tanong niya. Hindi na ako nag dalawang isip na ikwento.

"Eh kasi nadapa ako kanina, tapos... tapos lumapit sakin si... Ricci, nong pagkalabas nila..." Humagalpak siya sa tawa. Halos maiyak siya dahil sa sobrang hagalpak.

"Nako beshy! AHAHAHAHA! nananaginip ka nanaman ng gising! Anong nilapitan? Kelan? AHAHAHAHA! 'yan ka nanaman Lou eh!" So hindi niya talaga nakita -_-

Na sense niya naman siguro na seryoso ako kaya.

"WEH?! SERYOSO KA BA?!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If We Fall In Love [Ricci Rivero Fanfiction]Where stories live. Discover now