IFWAF 3

2 0 0
                                    

"Alisin mo yang kamay mo before I cut it off Kyroh" may diin sa boses nito at halatang galit dahil sa naglilisik na mga mata nito

Halos mamatay naman sa gulat si Calia ng makita nyang nasa harapan na nila si Patrick at naka kuyom ang mga kamay habang naka titig kay Kyroh

"Hey, trick" bati ni Kyroh kay Patrick

"I said, get your fucking hands off Kyroh" sabi nito na nagdidilim ang mukha. Agad namang tinanggal ni Kyroh ang kamay sa pagkaka akbay kay Calia at tumayo

"what the fuck is your problem dude? " iritang tanong ni Kyroh

"You and your hands" sabi nito at hinila si Calia patayo saka sinara ang back compartment. Akma na silang aalis ng hawakan ni Kyroh ang isang kamay ni Calia at pinigilan ito

"Ano bang problema mo Patrick? Nag uusap kami dito ni Calia tapos bigla kang eepal" sabat nito

Bago pa makapagsalita muli si Kyroh ay tumama na ang mga kamao ni Patrick sa mukha nya at nadapa sya

"Oh God! " sabi ni Calia at tinakpan ang bibig sa gulat

Aalis na sana sila ng hilain sya ni Patrick pero hinila ito pabalik ni Kyroh at sinuntok din. Nagpalitan sila ng suntok sa bawat isa. Hindi na alam ni Calia ang gagawin nya dahil pinipilit niyang awatin pero ayaw paawat ang dalawa.

"Stop! " galit at napaka sakit sa tenga na sigaw ni Calia dahilan para mapa tingin sakanila lahat ng nasa labas ng Bar

Napatingin si Calia sa dalawa na nakahiga at natigilan sa sigaw nya. Bumaling ang tingin nito sa mga taong nakatitig sakanila.

Galit na umalis si Calia at pumasok ng Bar dumeretso sya sa lalakeng bartender at humingi ng alak "a heavy one, please" sabi nito at napayuko hawak hawak ang ulo nito. Napatingin siya sa wrist watch and it's near 10pm. Nagulat siya dahil ang bilis ng oras at nagte ten pm na. Linagay naman ng bartender ang isang baso ng inumin sa harap nya at agad namang linagok ni Calia.

Calia doesn't easily get drunk kaya umorder pa ito ng umorder

"Okay pa po kayo Ma'am? " tanong ng bartender sakanya dahil nakaka limang baso na ito

"I'm fine. I'm just fckng pissed off. Isa pa kuya, yung mas heavy" agad namang linagok ni Calia ang inumin ng linagay ito sa harap nya.

God this drink is heavier. Mejo nahihilo na sya pero kaya pa naman niya

Akmang iinumin nya na ang ika sampung baso ng alak ng may pumigil sa kamay niya at tinapon sa kung saan ang baso

"what the fuck?!" galit na bulyaw ni Calia at tumingin sa kung sino man ang may gawa non.

It was Patrick

Binuhat sya nito at agad naman siyang nagsisipa para maka baba

"Come on Calia! You're drunk" saway nito sakanya

"I'm not drunk patrick. Ibaba moko! " sigaw nito at pinagsusuntok ang dibdib nito

"kanina ayaw mong uminom pero ngayon eto lasing kana" saway ulit nito habang naglalakad buhat si Calia at papunta sa kung saan

"Sino kaba para pagsabihan ako ha!? You're not even Calvin! " sigaw nito

"oh, then we're going to Calivin" sabi nito at mabilis pang naglakad habang si Calia naman ay sigaw ng sigaw.

Inilapag nito si Calia sa upuan, pinaupo at tinabihan.

"what happened to you Calia? " alalang tanong ni Calvin

" I find her outside drinking with Kyroh--" bago pa nya maipagpatuloy ang sasabihin ay nagsalita Si Calia

"where's Kyroh by the way? "

I fell in love with a fuccboi Where stories live. Discover now