Kanina pa nag aalboroto ang tiyan ni Eidrhyss sa sobrang gutom. Ni hindi siya nakapag breakfast nang umalis sa kanilang bahay sapagkat masyado siyang nagmamadali. She hurried her steps to the counter nang biglang, "Oh my! I'm sorry, I'm really, really sorry." Ipinikit muna niya ng mariin ang kanyang mga mata sapagkat ayaw niyang magalit, 'Not now please' anang kanyang isip.
Nagulat pa siya ng biglang pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang napakagandang mukha nito ang una niyang masilayan. "Me and my clumsiness talaga. Sorry talaga ha, nagmamadali kasi ako. Here let me wipe it. " Ikinurap-kurap muna niya ng ilang beses ang kanyang mga mata bago tumikhim at nagsalita, "Its okay Miss. Alam ko namang hindi mo talaga sinasadya. Apologyy accepted and don't worry I have a spare shirt inside my bag." Tiningnan siya nito na parang nahihiya at saka nilahad ang kamay, "I'm Robin Ymielle Constantino. You can call me 'Ymielle'." She smiled back at her at tinanggap ang shakehand na ini-offer nito.
"Hay! thank goodness! busog na busog na ako." Nagpalinga linga siya sa paligid, maraming tao sapagkat lunch time na. Naisipan niyang tawagan ang tatlo niyang girlfriends sapagkat two weeks na silang hindi nagkita kita. Madalas kasi siyang lumiban sa klase nila, kaya ayun Bingo! ipinatawag ng teacher niya ang kanyang Dad. Ito ang favorite nilang restaurant, ang "Definitely Pinoy" dahil bukod sa magandang ambiance nito ay talagang masasarap ang kanilang pagkain at friendly ang mga waiters and waitresses.
"Eidrhyss!" narinig niyang tili ni Lee habang papalapit sa kanyang mesa. "Yaaa! Ilang megaphone ba yang nalunok mo Lee at sa sobrang lakas ng sigaw mo?", pang-aasar niya rito. Inirapan lang siya nito at tumawa naman sina Mariz at Jennee. "Well, anong meron at nagpatawag ka ng isang pagpupulong kamahalan?" Tanong ni Jennee. She simply shrugged her shoulders. Ang totoo wala naman silang importanteng lakad o pag-uusapan, na miss niya lang talaga ang mga ito at kung minsan trip niya lang makabangayan ang mga baliw niyang kaibigan.
They're childhood friends. They grew up together and they lived in the same neighborhood. Kristelle Mariz, Jennee Lynn and Antoinnette Lee were her closest friends among the rest. Ni hindi niya ma-imagine ang buhay na hindi ang mga ito ang kanyang kasama. Literal silang magkakasama sa lahat ng bagay, sa lahat ng tripping at kalokohan, sa lahat ng problema at kasiyahan, sa lahat ng drama ng buhay. She's the only child of the shipping magnate, Alfonso Salvador El Greco. She never knew her mother. Naalala na naman niya ito and again, she felt the familiar pain in her chest. Ayaw niyang mag drama sa harap ng kanyang mga girlfriends.
"Girls, punta tayong El Nido on Monday." Sabay na napatingin ang tatlo sa kanya. Si Mariz ay hinawakan ang noo niya, "Wala ka namang lagnat ah. Eh bakit parang nag dedeliryo kana yata?" Tiningnan niya ito ng masama. Pati si Jennee nagkomento na rin, "Are drunk in this broad daylight gf? May pasok po tayo sa Lunes and to stress it, may presentation tayo sa Humanities." Aw, oo nga pala hamak na estudyante palang siya sa ngayon papaano ba niya nakalimutan yun?
Sinulit nila ang buong araw para sa bonding moments nila, pagchi-chika at pamamasyal, pag take ng mga pictures(which is their hobby) at nang makaramdam ng gutom bumalik ulit sila sa "Definitely Pinoy" para kumain. Pagpasok nila medyo kakaunti nalang mga tao and as usual, sa dating pwesto sila pumunta, yung table sa pinakadulo at nakatanaw sa dagat.
"Aish, have you seen my phone, Eidryhss?" Tanong sa kanya ni Jennee. Tinaasan niya muna ito ng kilay bago sinagot, "Since when did I became your cellphone's keeper?" Sinimangutan siya nito, "Well, duh. I'm just asking, Okaaay?" naaasar na sagot nito. Oblivious naman ang dalawa na sina Mariz at Lee sa nagaganap sa paligid at sarap na sarap sa pagkain. Kumain na rin siya dahil nakakaramdam na siya na nagha-harlem shake na ang mga alaga niya sa tiyan, naubos yata ang kinain niya nung lunch eh.
(<<<<<)
Meanwhile, three tables away from theirs is a bunch of five gorgeous men na kanina pa nakatingin sa kanila. Siyempre naman teh, ang ingay kaya ni Jennee na ngayon nga'y naghahalungkat na ng kanyang bag sa paghahanap ng phone. "She's really something." Aries said to his cousin, Kevin. "Not just her, they all are." ,sagot nito. Nagkayayaan silang magpinsan na bisitahin ang isa sa mga restaurant ng kanilang abuela sapagkat ipinagmamalaki talaga nito sa kanila na maganda daw ang "Definitely Pinoy" and she's just right. "Don't tell me interesado ka jan Aries? Ang babata pa naman ng mga yan. In fact they look like college students palang." Devon said to him. "And so?", sagot naman niya dito. Iiling-iling nalang na nagpatuloy sa pag kain sina Troy at Geoff. They are Donya Conchita Fortejo's grandsons. She owns "Definitely Pinoy", one of her many chains of restaurants. The Fortejo cousins are known as one hell of a drop-dead gorgeous men and among the wealthiest families in the province.
"But she's really something." anang isip ni Troy.
Ayaw man niyang aminin pero talagang naaakit siyang tingnan ang isa sa mga ito. She's wearing a v-neck gray shirt, tight faded jeans na merong butas sa magkabilang tuhod at converse shoes na gray and black. A small gold stud earrings and a thin black leather watch are her only accessories. Simple yet very beautiful. Hindi ito palangiti o palatawa pero hindi rin naman ito nakasimangot. Her eyes are the most beautiful eyes he had ever seen at mas maganda sana itong tingnan kung nakangiti.
Naaaliw talaga siyang pagmasdan ito at nagulat nalang siya ng biglang may tumamang tissue sa bibig niya. Nilingon niya ang bumato sa kanya, and he gave him a scowl. "Kunwari pa tong isang to na hindi interesado, eh kulang nalang tumulo yung laway mo sa kakatingin sa kanya. O, ayan tissue pampunas mo." Saad ng humahalakhak na si Aries. Binato nya pabalik ang tissue dito, "You and your perverted mind, Arieston Fortejo." Nagulat pa sila nang biglang may tumawa ng malakas at nang tingnan nila kung sino ay ang babae palang naka "gray shirt" ang malakas na tumatawa. Parang meron itong kalokohang ginawa sa mga kaibigan. Nakikita niyang tumatawa rin ang dalawa nitong kaibigan at ang isa na nakatalikod sa kanila ang pinag-ti tripan ito.
"Ang bakla mo talaga Eidrhyss! Nakakatuyo ka ng dugo! Nakaka high-blood ka rin!" Sigaw ni Jennee sa kanya. "At ang baboy mo talaga Jennee." Ang maluha-luha niyang sagot dito. Parang sasakit ang tiyan niya sa kakatawa dito. Itinago kasi niya sa loob ng pants niya ang cellphone nito, binigay niya lang ito nang parang sinabugan na ng bomba ang mukha nito at parang sampung taong nalipasan ng gutom sa kakahanap. Kaya ayun, nakatikim siya ng isang malutong na mura at kurot sa braso. Ang praning lang kasi nito kaya tuwang-tuwa siyang pag-tripan ito. Ganyan sila ka sweet na magkaibigan: nag-aaway, nagmumurahan, nagkakasakitan din minsan pero mahal nila ang isa't-isa. NBSB yata silang apat dahil ayaw nilang ma-inlove at magka boyfriend. If you knew their stories, you'd know why.
Papaalis na sila at naglalakad na palabas ng mag ring ang cellphone niya. Hinagilap niya ito sa loob bag niya habang naglalakad. May hula siyang ang Dad na naman niya ang tumatawag at pinapauwi na siya para makinig ng mahabang seremonya. Nabunggo siya sa likod ng sinusundan niyang si Mariz nang bigla itong huminto. "Ay, tanga lang. Bakit ka ba huminto neng?" Nagtaas siya ng mukha at nakita niya ang dahilan ng paghinto ng kanyang mga kaibigan.