REIGN's POV
Hahahahahaha, ang dami ng Likes at Comment, nag comment si Kuya Mark (yung cousin ko) sabi niya 'Deepest Condolences😢😂' hahaha grabe Famous talaga namin ni Kenneth
"Ulan, ano yung pinost mo? Di ka pumasok sa first class mo noh?? Anong ginawa ninyo ni Kenneth??" Pangaasar na tanong ni Kuya
"W-wala ah! Ang cute-- este ang bait ko kaya!" Sabi ko
"Hahaha, okay lang yan Ulan, support ko kayo ni Kenneth" sabi niya
"Yiee, ang bait ni Kuya ngayon" sabi ko
"Ay nag kalimutan na tayo ah, yung ice cream ko?" Sabi ni kuya, patayyyyy
"A-ah, bukas nalang kuya, promise!" Pangangako ko
"Tsk, wag ka na lang mag promise ayokong umasa" sabi niya
"Okay" sabi ko
"Bakit ka nga pala pumunta dito kuya?" Tanong ko
"Ahh, oo nga pala, kakain na, hahaha muntik ko ng na kalimutan" sabi niya
Bumaba na kami at nag simulang kumain
"Anak, aalis tayo sa sabado ah, mag pasama ka nalang Kay Christine ( be proud Tin) bumili ng gown, na gagamitin mo para sa party" sabi ni Mommy
"Huh? Para saan yun My?" Tanong ko
"Yung party na tinutukoy ko birthday ni Mr.Lee yun, ano ka ba? Birthday ng tatay ng bestfriend mo di mo alam?, duhhh" sabi ni mommy na may halong pag iinarte, hahaha
Pagkatapos ko kumain ng hintay ng lang akong dalawin ng antok
Kinabukasan maaga akong pumasok, kung akala niyo kasabay ko siya noh?, pwes si kuya nag hatid sa akin, late na daw siya makaka pasok eh
"Christine!!" Sigaw ko ng makita siyang na sa may baba ng puno, KUMAKAIN!?
"Oh?" Sabi niya
"Pasama Ako mamaya ah? Bibili lang naman Ako ng gown eh tapos kakain tayo ng maraming naggets (nuggets😂) yieee sasama na yan" sabi ko
"Oo sige, anong oras na ba?" Tanong nito
"6:30, why?" Tanong ko
"Si Kenneth? Wala pa?" Tanong nito, oo crush niya rin si Kenneth, actually may fandom kami eh binubuo ng 3 members, Ako, Christine at si... Celine, kaibigan ko siya eh, may gusto rin siya Kay Kenneth, kaso walang naglakas loob na umamin eh, hahaha, parang t∆nga lang
"Ang aga ko pa naman pumasok, sayang,natutulog pa sana Ako ngayon" sabi niya, hahaha
Eto Ako ngayon, parang Ewan, lahat kasi ng teacher nagkaroon ng emergency meeting, imbes na na sa canteen Ako ngayon lumalamon, sa library ang bagsak ko, bawal kaming lumabas dito hanggang di namin natatapos yung pinapakopya sa amin na sing kapal ng Bible, shet!, wala pa si Kenneth, miss ko na siya huhuhu
Tahimik akong magsusulat ng naisip Kong itext si Kenneth
To: Kenneth the cold
San ka na? Andito Ako sa library, punta ka dito, samahan mo AkoFrom: Reign <3
Nabagot Ako kaya lumipat Ako sa dulo at doon tinulog lahat ng tampo ko Kay Kenneth the cold
Zzzzzzzzzzzzzzzzzz
Nagising Ako sa ingay ng isang lalaki
"Ayoko sa dilim" paulit-ulit na wika nito
Naglakad Ako ng dahan dahan papunta sa may likod ng pinto
Ayoko tuloy pumunta dun, sa pagkakaalam ko kasi, sa likod ng pinto maraming multo, nakakatawa pero yun ang pinaniniwalaan ko
"May tao ba diyan? Kung meron si Reign toh, nandito Ako sa kadahilanang na- stock Ako dito!" Sabi ko, hahahaha
"R-reign?" Tanong ng pamilyar na boses
Si...
Si..
Si Kenneth!"Kenneth!?" Gulat na tanong ko
Itutuloy....
Werpa! Ludii😂
BINABASA MO ANG
Si Kuyang Cold
Short Story"I'm not afraid of heights, I'm just afraid from falling, I'm not scared of the dark, I'm just scared of what's in it, I'm not afraid of love, I'm just afraid of not being loved back" -Kenneth