gritted my teeth at hindi na ako dumiretso pa sa table. Instead, I told Lance that I'm not feeling well at babalik na lang ako sa kitchen.
How dare him. He knows where I work and he used that to get to me. Padarag akong naupo sa aking post. Thinking how shall I escape the ruthless man that I call my ex-husband now.
"Chef Dei. Andyan ka po ba?" I heard Lance call from outside. Agad ko naman siyang tinawag para papasukin. May hawak hawak itong pa itong papel. Mukhang napadaan lang para kamustahin ako ngayon.
"Pasensya na kanina. Bigla akong nahilo kaya nagpahinga muna ako ngayon." Pagdadahilan ko. That wasn't totally a lie. Sumakit ang ulo ko nang makita ko ang pamilyar ma bulto ng asawa ko noon.
"Ayos lang, Chef." Napakamot ito at namumula. "Pero ayaw po kasi umalis ni Mr. Richards hanggang di po kayo nakikita."
I gritted my teeth and looked outside. That son of a bitch! Sinenyasan ko munang lumabas si Lance. Itinali kong muli ang aking buhok at agad ding lumabas.
Might as well face him, right? Sarkastiko kong sambit sa sarili ko.
Inayos ko muna ang aking damit at bumalik sa kinaroroonan nila. Agad akong nakita ni Den at tiim bagang akong lumapit sa kanila. Ngumiti ako ng peke at tinignan ko ang mga kasama niya.
"Good Morning po," I greeted everyone. "Thank you for coming to the hotel."
Agad tumayo ang babae sa harap ni Den. She's probably the same age as us. Probably his new wife? Halos hampasin ko sa isip ko si Den sa kakapan ng kanyang mukha.
"We enjoyed your meals, Chef." Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa akin. "Anne Marie Dalton pala." Magiliw niyang pakilala. Her cheeks blushing a bit.
Tinanggap ko ang kamay niya at nagpakilala na rin. "Dei Mendoza. Thank you for the feedback."
Pahilaw na tumawa si Den at tinignan ako ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay at binalik agad ang atensyon sa mga kasama niya.
"We heard na VIP po kayo so we did our best to prepare the meals. We appreciate it."
"You're welcome, Chef Mendoza." Bati ng isang matandang babae. First time ko siyang nakita and she looks very intimidating. "Amelia Richards." Pagpapakilala niya din sa akin.
Is this Den's mother? Nang nagpakasal kami ay hindi nakadalo ang kanyang ina dahil busy daw ito sa kumpanya.
"I believe we're all settled na po." Pagpapaalam ko sa kanila. "Excuse me, I have to do something po sa kitchen. Just approach any waiters kapag may kailangan kayo."
"Not so fast, Miss Mendoza." The asshole held my wrist and the damn butterflies in my stomach danced at the touch of him. He even emphasized my maiden name. Tinignan ko rin ito, nakikipaglaban sa kanyang titig.
"Is there anything else I may help you, Mr. Richards?" Asik ko sa kanya, pilit na tinatanggal ang kamay niya sa akin.
"Oh, you know me?" Sarkastiko niyang tanong sa akin. Lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Well, your last name is a household name." Palusot ko. "I've seen your interview sa magazine. You're very successful."
Yes, I still update myself tungkol sa buhay niya. And I hated myself for it. Damn it!
"Nakakaproud ka, Den!" Anne responded. Tinignan ko siya ng maigi at binilisang tanggalin ang kamay niya sa akin.
"Excuse me, I need to leave first." Ani ko at agad umalis sa kanilang table. Wiping my tears.
"Dei," alu ni Sheena. "Wag ka nang umiyak. Your asshole of a husband doesn't deserve your tears."
"Promise, last na 'to Sheen." Agad akong kumuha ng isa pang tissue at pinunasan ang aking luha. Mahigit anim na oras na ang nakalipas nang nakita ko si Den ulit at hindi matigil ang pagbuhos ng luha ko.
"Hindi ko alam sa yo kung bakit mahal na mahal mo yung gagong 'yun." Sheena said while patting my back. "Wala namang maidudulot sayong mabuti yun except paiyakin ka ng balde balde. Honestly, ilang buwan mo na bang iniiyakan 'yan."
Hindi ako umimik. God knows how much I loathe him, but I can't seem to unlove him. And that's what I hate about myself the most. Hindi ko matanggap na I'm still inlove with him kahit na ginago niya ako.
"Girl," Juana, our other friend butted in. "Hindi naman kasi natuturn off ang feelings for someone." He dramatically said while handing me another batch of tissue. "Kung kaya lang niyang si Dei, malamang ginawa niya na after she signed the divorce papers."
Humikbi ako lalo at tinanggap ang tissue na iniabot niya sa akin. Andito kami ngayon sa aking condo at pareparehas nagmumukmok. Sila ang halos kinapitan ko nang muntikan akong mabaliw dahil hindi ko macontact ang asawa ko.
"Ang sabihin mo Juana, gago yang si Den. Hindi man lang kinausap si Dei about their annulment. Wala siyang balls para kausapin ang kaibigan natin."
"Ay, itanong mo si Dei kung may balls ba talaga o wala." Humagikgik si Juana at tinapik ang gilid ko. "Ano bakla, may balls ba?"
"Tigilan niyo ako." For the first time today, I laughed. I love how my friends are supportive of me and my decisions.
"Feeling ko talaga ang balls ni RJ ang dahilan kung bakit di siya makalimutan ni Dei." Dagdag pa ni Juana while twitching his eyebrows. "Smile ka na bruha! Mukha ka nang bunsong kapatid ni Sadako sa hitsura mo."
Dinilaan ko ito at agarang tumayo para kumuha ng tubig. I'm done crying for today.
And I wish, I'm done crying forever. I deserve better.
—