Chapter 1 - The make over

23 0 0
                                    

Chapter 1 – The make-over

 

“Kyle! Please! Please don’t leave me Kyle! I love you!” umiiyak na sabi ko habang nakaluhod.

“Ano ba Cleo! Bitawan mo nga ako! Wala ng tayo! Pustahan lang ang lahat! Alam mo bang tinitiis ko na lang yang pagmumukha mo araw-araw!? Bitiwan mo na ako!” sabi nya sa akin at umalis na. Iniwan nya ako dito sa gitna ng hall, nakaluhod, umiiyak, at nagmumukhang tanga.

 

*5 days later

 

5 days na ang lumipas. Sa limang araw na yun, hindi ako pumasok. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko. Minsan dinadalhan ako ng mga yaya ko ng pagkain pero nakaka-tatlong subo palang ako, umaayaw na ako.

 

*KNOCK KNOCK KNOCK

 

“HOY CLEO!!! WALA KA BA TALAGANG BALAK TUMAYO DYAN??!” ng bigla bigla nalang pumasok tong si Cyan sa kwarto ko.

Hindi ko sya pinansin at dumapa nalang habang nakapulupot na sa katawan ko ung blanket ko.

“ARAY!!” sigaw ko ng mahulog ako sa kama ko dahil hinila nya ung kumot ko.

 

Tumayo ako at hinarap sya.

 

“Ano ba Cyan!? Hindi mo ba alam na nagpapahinga ung tao?”

“Halika at pupunta tayo sa dressing room nyo!!”

“At bakit naman ako sasama sayo?” sabi ko ng nakapamewang.

“Dahil sinabi ko at sinabi ng mommy mo na puntahan kita at paligayahin ang araw mo!” sabay taas ng dalawa nyang kamay sa napaka-energetic nyang speech.

“Si mom? Bakit naman daw ba?” sabi ko

“Basta!!!” sabay hila nya sa akin palabas ng kwarto ko. Sumakay kami ng elevator at pumunta sa 2nd floor dahil nandun ang dressing room namin at nasa 3rd floor naman ang room namin ng ate ko.

 

“PASOK!” sabay tulak nya sa akin. Pumasok na ako atsaka ko nakita na kinakausap nila mom at ate at ang mga designers at make-up artists ng family namin.

 

“Jade! Come! Upo ka na at pagagandahin ka na ng ate mo at ng mga baklitang ito!!” sabay tulak ni ate sakin sa swivel chair at sapilitang inayusan

 

Sa tingin ko nagtataka kayo kung bakit may sarili kaming designers, make-up artists, dressing room, elevator, at 7 story house. Dahil, ang nakilalang poor, and nerd Cleo Sandoval ng mga schoolmates ko ay ang isa sa mga anak ng isa sa mga bilyonaryo sa buong mundo na si Love Cleo Jade Hearts. At sa tingin ko nagtataka kayo kung bakit ako nagpanggap na poorita at nerd na Cleo Sandoval? Malalaman nyo rin yan!

 

 

After several hours of my make-over, lumabas na ang dating Love Hearts. Pero, mas gumanda ako ngayon. Dahil the last time na nakita namin to, is I’m 12 years old and grade 6. Nga pala, I’m 16, 4th year high school sa Hearts University and Academy. One of the most prestigious schools in the whole country. And of course, pag-aari ng pamilya namin.

 

“Sa wakas! At lumabas muli ang aking napaka-beautiful na sister!” sabi ng ate ko na si Ate Chloe Jade. Ang ate kong isip bata pero play-girl.

Inlove With A Casanova AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon