My one sided love (one shot)

42 2 0
                                    

~reminder:

        ang storyang to ay maikli lamang .. as-in sobrang ikli! pero pagtiissan nyo na po at basahin .. eto po ay kabaliwan ni author dahil wala siyang maisulat sa storya niyang "im living with him!!" .. enjoyin niyo na lang po .. kung marami ang magbabasa neto .. gagawa po ako ng one-shot neto pero sa side na po ito ng Boy .. thank you :)

 

 

 

 

My one sided love

 

 

"Once you fall in love there is no turning back . ."

 

Super true. . Ang hirap makawala kapag nahulog ka sa taong kahit kailan hinding hindi ka sasaluhin. . . At ang mas malala pa dun ay ituring kang " nanay " niya . . Leshe, hindi nga "friendzone" ,"familyzone " naman ..

 

One sided love nga ba? Oh yes,  one sided nga . Ang hirap nga eh . . Yung feeling na pinaramdam ko na sa kanya yung lahat-lahat para malaman niya na mahal ko siya . .pero wala eh ..                         Deadma lang ..

 

Manhid nga ba o nag-mamanhid-manhidan lang? Di niya nga ba nahahalata o busy siya kaya di niya nahahalata. . . Hanggang kaibigan , barkada , kapatid o nanay lang ba ang role ko sa buhay mo? Kasi kung oo . . Susuko na ako . . T. T

 

Sinubukan kung sumuko . . Pero hindi ko nagawa . Ikaw ba naman kasi sa posisyon ko . .

 

"Nanay,mahal mo ko diba? Pa- hug nga"

Leshe ! sinong malanding babae ang susuko niyan?? Wala ! As in wala!

Kung hindi lang sana malandi yung lalaking yun eh! Matagal ko na siyang kinalimutan!

Tapos ito pa! Yung araw na yun muntikan na akong sumabog dahil sa kilig

Kasalukuyan niyang binubuksan yung wallet niya at may nakita yung classmate ko . .

"Oi girl! Meron kang picture ni boy oh! - sabi ng echoserang klasmeyt ko daw . . . The girl is me , and boy is the one i love syempre . . .

At boom! Nandun nga yung mala-anghel kung mukha sa pitaka ng aking minamahal . .

"Syempre naman para araw-araw ko siya makikita . ." Sheeeyt! Naghahyper vintilate na ako dahil dyan . . Outside poker face + kunot - noo ang nakikita mo sa itsura ko pero deep inside nag ha-harlem shake yung puso ko. .

Pero saglit na kasiyahan lang pala. . Okay lang sana kung hindi niya sinabi yung mga katagang . .

"Nanay ko kasi siya ! " - ansakeet . . Sakit sa puso eh. .sakit dito oh "point sa heart "

Nang dahil sa one sided love nato. .

Nagpaka-tanga ako Umaasa ako na balang araw mamahalin niya rin ako Umiyak at nasaktan Nagpaka-bobo dahil sa pag-ibig

Totoo nga naman kasi yung kasabihan na. .

Kung palangga mo, tanan ok lang

Ano ba yung gagawin ko para mapansin,magustuhan at mahalin niya din ako?

Magpaka miho sa my girlfriend is gumiho at sabihing " hoy lalaki ! Gustong-gusto talaga kita! " Chu-chu! " Magiging yaya , katulad ni maya at chichay na ngayon ay may " prince charming na??

Maging martir o masokista,na kahit nasasaktan na ako, ipagpapatuloy yung pagmamahal ko sa kanya?

Magiging palaban katulad ni San Chai para ma-attrack siya sa akin?

ano!? Sabihin niyo! Ang sakit na kasi eh! Habang tunatagal! Lalong linalamun ng kalungkutan tung pagkatao ko!

Hindi ko alam kung saan ako tutungo! Kasi yung tanging alam ko ay nasasaktan ako!

 

kung sana lang di ko siya nakilala at hindi magkakaganito yung buhay ko! Kung sana lang masagasaan ako ng ten-wheeler truck at namatay . . Kung nauntog ako sa pader at magka-anmesia at makalimutan ang lahat. .

 

Hindi ko naman siya masisi eh . Ako yung dapat sisihin , ako ang nagkamali,nagpakatanga! Kasalanan ko rin kung bakit naging miserable yung buhay ko ng dahil sa Letseng one sided love na yan!

 

Pero isa lang ang masisigurado ko. . .

 

Susuko na ako!

~end of My One Sided Love

please read: Im Living With Him!!

~angelbaga<3

 

 

 

My one sided love (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon