Daloy ng Luha

6 2 0
                                    


Daloy ng Luha

Marahil sa gitna ng bagyoy dadaloy ang baha,
Iyong pinahihirapan unti-unting mawawala.
Kadiliman ng paligid hindi mo alintana,
Sa dinamirami ng tao'y ikaw pa ang nasira.

Dahil nakawawasak ng buhay at tao,
kung dibdib ay hulog sa pakikitungo,
dapat na palaging ituon ang wisyo,
sa paligid na imbi at sama ng mundo.

Luha ang kalsada na dinaraanan,
Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi'y bigyang-katuparan.

Ibig kaawaan, siya'y patawarin,
Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari'y may hapis ang diwa't damdamin.

Sinasamantala ng taong baluktot,
Sa pagkakasala'y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.

Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,
Ang hangad sa kapwa'y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo'y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!

Luha'y ginagamit sa buti at sama,
Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa daloy ng luha.

Daloy Ng LUHAWhere stories live. Discover now