PROLOGUE

3 1 0
                                    

"Zeus, ramdam kong hindi na siya tatagal," mangiyak-ngiyak si Demeter. Muli nitong sinulyapan ang nakaratay nang si Athena, tangan ng kanang kamay nito ang nalalanta niyang mga kamay. "Tiyak kong mayamaya'y lalabas na ang vim vitae mula sa kanya."

"Let it be, Demi," singit ni Aphrodite. Prente itong nakaupo mula sa couch sa harap ng apat na posteng kama kung saan nahihimlay si Athena, masusi nitong ine-eksamin ang bagong polished nitong mga kuko. Saglit itong nahinto nang dumagundong ang kalangitan. Agad itong bumaling kay Zeus na parang tuod na nakatayo sa harap ng napakalaking bintana. Mataman itong nakatingin sa madilim na kalangitan, tila isinusumpa iyon. "Stop it, Zeus."

"Hindi mo mai-aalis kay Zeus ang pag-aalala. Anak niya si Athena—

"Ang paborito niyang anak, Demeter," singit ni Hephaestus, nababanaag sa itinuran nito ang panibugho para sa dalaga. "Higit kaninoman, alam nating si Athena ang hindi niya kayang mawala subalit ngayon ay heto na. Hindi ko malaman kung paanong ang sobrang talinong Diyosa na tulad niya ay mahuhulog sa patibong ng isang—

"Tumigil ka, Hephaestus!" dumagundong sa buong silid ang boses ng pinakamataas na Diyos sa lahat, dahilan upang mapatda si Hephaestus. "Kasalanan ni Ares ang lahat!" Gumuhit ang kidlat sa kalangitan— nangngangalit.

Bata pa man ay tinataglay na ni Athena ang mga katangiang ginusto ni Zeus para sa kaniyang magiging anak. Bihasa ito sa pakikipaglaban, talentado ito pagdating sa sining. Idagdag pa ang talinong taglay nitong higit pa sa kung kanino. Marahil ay dahil sa katangiang ito ay nanibugho sa kanya ang ilan sa kaniyang mga kapatid—isa na nga si Hephaestus roon at si Ares.

Si Ares ang pinakakinamumuhiang Diyos ng lahat ng Diyos at Diyosa na nasa silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Zeus ang sinapit ni Athena sa kamay nito. Kung hindi lang sana nito pinagbitaw ng pangako sa ilog ng Styx ang kaniyang pinakamamahal na anak ay hindi sana ito mawawala.

"Wala na rin namang mangyayari kahit pa pugutan natin ng ulo si Ares. Mamamatay na si Athena. Tanggapin na lang natin iyon at ... uminom?" suhestyon ni Dionysius, hawak nito ang bote ng alak na baon pa mula sa Olympus.

"Wala ka talagang kwentang Diyos!" sagot ni Artemis. Kamuntikan na nitong dukutin ang pana na nakasukbit sa likod nito. Mabuti na lang at agad na hinablot ni Apollo ang kamay nito, hinila palapit sa kanya bago busalan ang bibig nito. Tulad ni Athena ay may pagkamagagalitin din ito.

"Huwag na kayong magulo. Tingnan niyo," ani Hera, tinuro nito ang bibig ni Athena na unti-unting nagliliwanag. "Lalabas na."

Ang vim vitae ay ang buhay ng isang nilalang. Kung tititigan ay nababalot ito sa asul, maihahalintulad mo ito sa dagat ngunit para lang itong hangin. Lahat ng tao ay may vim vitae, ngunit sa mga mortal ay wala itong kulay. Kadalasan ay hindi ito nakikita ng kapwa nila mortal, maliban na lamang kung isa kang immortal o Diyos o kahit pa kalahating Diyos.

"Ang vim vitae ni Athena ..." manghang saad ni Hermes. Saglit nitong ikinumpas ang kamay, agad itong lumutang sa ere. "Sana'y sa tamang katawan mapunta ang buhay ng ating kapatid."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Athena, The RuggedWhere stories live. Discover now