Si Kyra ay mula sa isang mayaman na pamilya sa Pangasinan.
Labing apat na taon gulang, 3rd year high school.
Solong anak na babae.Disyembre 31 niyon nang gabi, hindi tulad nang ibang mayayaman na laging naghahanda o di kaya ay umalis nang bansa.
Ang pamilya nila Kyra ay madalas na dumadayo sa isang covered court medyo malayo sa kanilang lugar dahil madalas sa ganitong araw ay maraming mga hindi sikat na singer at banda ang tumutugtog don.
Taon taon may ganito sa kanilang lugar kaya dinadayo talaga ito kahit na sa ilang barangay pa ang layo mula sa kanila.
Laging maraming tao ang nandito dahil ito ay mula sa iba't ibang barangay sa kanilang lugar.
Sa loob nang covered court ay nagaganap ang malalakas na tugtugan at mga sayawan.
Sa labas nang covered court naman ay may nakahanay na napakahabang mesa na may alak, konting pulutan at tubig. Libre kang umupo kahit saan sa bangko at libre ka rin iinom kung gaano karami ang gusto mo o kaya mong inomin.
Pagsapit naman nang 11:00PM ay may isang laro ang laging ginaganap sa loob nang covered court.
Ito ay ang Paper Dance.(base sa rules nila)
Ang laro na ito ay nilalaro nang dalawang miyembro(babae at lalaki dapat). May isang dyaryo na nasa sahig habang kayong dalawang magkapartner ay nagsasayaw paikot dito at kapag tumigil ang kanta kailangan ay nakatapak kayo sa dyaryo habang nakatigil pa ang kanta. Kapag bumalik ulit yung kanta ay may magtitiklop naman nang dyaryo niyo para lalong lumiit ang espasyo.
Pwedeng buhatin ang kapartner mo.
Limang segundo lamang ang ibinibigay na oras para makatapak kayo sa dyaryo at kung hindi yon nagawa ay matatanggal na.
Pag may lumagpas naman sa papel ay matatanggal din.Ang mananalo naman ay may 5000 pesos at kokoronahan sa oras ng eksaktong 12:00AM.
Lumabas na muna ang Ama at Ina ni Kyra para saluhan yung ibang tao na nagiinom sa labas.
Malaki na si Kyra, alam na rin niya ang daan pauwi kaya ayos lang kahit iwan nalang siya nang kanyang mga magulang sa ganoon lugar.
May cellphone rin siya kung sakaling maligaw man siya ay agad siyang matatawagan.Pumatak na ang oras sa 11:00PM at magaganap na ang kaisa isang laro.
Random ang pagpili sa mga manlalaro.
Lahat nang tao sa covered court ay pwedeng mapili at ibabalanse ang kapartner mo base sa iyong edad.Walang alam tungkol sa ganito si Kyra dahil dayo lang sila at akala niya ay nagreregister para makasali.
Nagulat nalang siya dahil biglang tumapat sa kanya ang isang spotlight.
Pinapapunta siya sa gitna at agad naman niyang sinunod dahil alam naman niya na walang gagawin masama sa kanya.Wala siyang kaalam alam kung paano siya na sali sa madalas ay napapanood niya lang dati.
Tingin siya nang tingin sa iba't ibang direksyon, napansin niya na meron isang lalaki na papalapit sa kanya.
Nginitian lamang siya nang lalaki at tsaka tumingin lang din kung saan saan.
Nakumpleto na ang mga manlalaro at inanunsyo na ang mga rules para sa laro.
Noong una ay tamad siyang sumasayaw dahil nahihiya siya sa maraming nakatingin sa kanya.
May narinig naman siya na sinabi nang kapartner niya "wag ka nang mahiya, bihira lang ang magkakilalang magkapartner dito at bihira lang ang makasali dito kaya dapat enjoyin mo na".
Napangiti na lamang siya at bumalik sa pagsayaw.
Nang tumigil yung kanta ay agad silang tumapak sa dyaryo na walang kahirap hirap dahil malaki pa ito.
BINABASA MO ANG
Why?
Non-FictionIto ay base sa totoong buhay ng isa sa mga kaibigan ko na nagngangalan Kyra. Just a very short story....