A Mistress

26.9K 265 4
                                    

Love, affection, care.

Three words.

Tatlong salita na ipinagkait sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin.

Bata pa lang ako pero alam ko ang gustong iparamdam sa akin ng mga tao.

Di ko sila masisisi sa pagkakaroon ko nang kakaibang mukha, kakaiba sa mga kapatid ko.

Ipinanganak akong di kaputian at di katangusan pero masasabi kong bagay naman sa akin.

Kulot ako at yun ang pinakaayaw nila at naging dahilan na maging tampulan ng tukso.

Matalino ako sa acads, top1 o top2 parati ako pero sa tuwing aakyat ako ng stage para tanggapin ang mga medalya ko di ko makuhang maging masaya.

Oo nga at sikat ako sa campus namin sa dami nang sinalihan kong contest at nakakapagbigay ako ng karangalan sa paaralan pero kulang ang lahat nang iyon para makuha ko ang mga bagay na gusto ko.

Naisip ko minsan, ganoon ba ako kahirap mahalin?

Ayun lang naman ang hinihiling pero bakit ang damot nang tadhana sa akin.

Ginawa ko ang makakaya ko para maging proud sila sa akin pero para bang balewala at natural lang iyon.

Naalala ko minsan ng naging top 1 ako, walang dumalo kaya ako ang naglagay ng mga medalya sa leeg ko.
Excited akong umuwi sa pag aakalang mayroong handaan pero ganun na lang ang pagkadismaya ko nang wala akong madatnang tao sa bahay..

Mabuti pa yung ka batch kong section 2, ang bongga ng handaan kung tutuusin palagi syang nahuhuli sa klase at isa sa may mababang grado sa school.

INGGIT AT SAKIT.

Di ko dapat maramdaman yun dahil may rason ang lahat.
Pero masakit lang kasi nalaman kong kumain sila sa labas dahil nakakuha ng most honest ang kapatid ko. Di na raw ako nahintay dahil matagal daw ang program at marami akong awards.

Kahit pasalubong lang wala.

Poot.

Bata pa ako, di ko dapat maramdaman yun pero kahit anong pilit ko yung puso at isip ko nagrerebelde. Bakit kailangan kong pagdaanan ang mga ganoong bagay?

Sa tuwing may reunion ramdam kong di ako nababagay sa pamilya ko.

Nilalait ako nang sarili kong kapamilya.

May karapatan ba talaga ang mga nakakaangat sa kagandahan na laitin ako?

Mas pinili kong tumahimik at lumayo sa pag aakalang mapapansin ako pero mas lalo akong naging invisible sa paningin nila.

Umasa ako na mayroon magbabago sa pagdating nang panahon pero bakit tila pinaglalaruan ako ng tadhana?

Nilalait ako ng mga kapatid ko.

Matalino ako, oo, alam ko ang mali sa tama kaya mas pinili ko na gawin ang tama.

Mas pinili kong bumuo ng sarili kong mundo kung saan walang makakapanakit sa akin.

Walang nakakapansin at halos di ako lumalabas ng bahay dahil tinutukso ako ng mga kapitbahay.

Ang drama nang buhay bata palang ako kaya lumaki akong may kakaibang pag iisip. Lahat ng bagay lahat ng nangyayari sa buhay ko lahat pinag iisipa kong mabuti kung bakit?

Pero lahat nang iyon isa lang ang pinatunguhan.

Ang masaktan ako at maramdamang nag iisa ako sa mundo.

A Mistress (Finish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon