-4

15.8K 171 0
                                    

Nagbago ang lahat ng makilala ko si Butch.

Sya ang tumulong sa akin para maabot ko ang kinatatayuan ko ngayon.

Bakla si Butch pero nag abroad na sya kaya wala na akong maasahan.

Maganda na ako. Binago nya ang pananaw ko sa buhay pero hindi lahat.

Andoon ang sakit nakabaon at ang hirap pagalingin.

Si Butch ang gumagastos sa akin noon. Lahat ng pampaganda. Bumalik sa dati kong kulay ang balat ko, tuwid na rin ang buhok ko at marunong na akong manamit.

Marami nang humanga sa akin. Pinupuri saan mang anggulo. Natutuwa ako, oo, pero hindi lubusan.

May kulang, ang laki pero di ko matukoy.

May isang bahagi ng pagkatao ko ang wala sa akin.

Hindi ako to, alam ko nagpapanggap lang ako.

Di ako maganda at lalong di ako mabuti!

Biglang nagulo ang pagkatao ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Halos magpakamatay ako sa mga nangyayari sa akin.

Mga alaala mula sa nakalipas ang patuloy na bumabalik sa akon. Nabubuhay ako sa nakaraan. Nais kong makapaghiganti sa lahat ng taong humamak sa akin noon.

Pero lahat nang iyon ay nagbago.

Nagbago ako simula ng dumating Sya.

Si Hubert Evangelista.

A Mistress (Finish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon