Love Warning

25 3 1
                                    

Title: Love Warning

Masaya ang Buong Tropa ni Tyrone sa Pagkwe-Kwentuhan Tungkol sa mga Pambubully na Ginagawa nila kay Samantha. Habang Si Tyrone naman ay Tahimik lang

"Ako Nilagyan ko ng Ketchup ang Upuan nya.kaya ayun! Muka syang may Dalaw"Sabi ni James

"Ako naman ay Niloko sya na Pinatatawag sa Principals office kahit na Hindi! Kaya ayun! Pumunta nga" Natatawang sabi naman ni Joseph

"Ako naman ay Pinatid ko sya at Saktong Saktong Bumagsak ang Muka Nya sa Tae nung Aso!" Tawang Tawa na sabi ni Clarck

"Ikaw Tyrone? " Tanong naman ni James. Gulat namang napatingin sa kanila si Tyrone

"Hah? Ako? "Turo nya sa Sarili nya

"Oo Pre ..Ikaw ? Anong Trip ang Ginawa mo Kay Samantha?"Nakangising sabi ni Clarck

"Sinira ko Gulong nung Bike nya" nakangisi nyang Sabi

Akmang mag tatanong pa ang mga kaibigan nya ng biglang mag bell

Woooooooo Naligtas din ako ng Bell Sabi ni Tyrone sa Isip nya

"Sige na mga Pre. Mamaya na lang "sabi ni james at ng dalawa pa nyang kaibigan at nauna na sa sari sarili nilang ClassRoom..

Sumisipol na nag lalakad si Tyrone nang Makita nya si Samantha sa Canteen at Kumakain ng Baon nito .

Napangisi naman Sya Dahil sa Eto lang yung time na Di nya makakasama ang mga Barkada nyang Bully.

"Hi Sam!" Nakangiti nyang sabi kay Samantha. Pero Hindi Sya napansin nito . napa nguso naman sya.

"Ah! Gusto mong Tulungan na kitang lagyan yan ng Ketchup?"Sabi nya ng makita nyang inabot nito ang bote ng ketchup. WalangSabi Sabi na Inagaw nya ito at nilagyan "Sabihin mo kung okay na ang Dami nito."Sweet at Nakangiting Sabi nito.

Nag tataka naman Syang Tinignan ni Samantha..Pero Kahit nag tataka ay Napangiti Sya Bumabait Na kaya sya?.

"Uy Tyrone!"

Nanlaki ang mga mata ni Tyrone Dahil sa Biglang Sumulpot ang mga barkada nya kaya Agad nyang Nilagyan ng napaka Daming Ketchup ang Baunan ni Samantha.Bagay na ikinagulat ni Samantha..

"Enjoy sa Food" naka ngisi nitong sabi at niyaya na ang barkada para Umalis na

Ang Gulo mong Lalaki ka! Minsan ang Bait mo at Pag nandyan na ang Barkada mo ay Bigla kang mag babago ng Ugali!

Sabi ni Samantha sa Isip nya..Pero Hindi nya Masabi...

------

Mabagal na Pinatatakbo ni Samantha ang Bike nya ng Biglang may Humawak sa Likod nito dahilan para Huminto Sya.

Nilingon nya ang Lalaking Humawak sa Likod nya .. at Si Tyrone ito..at Mag isa.

"Pwedeng Maki Sakay?" Naka ngiti nitong Sabi.. Wala sa Sariling Napangiti si Samantha at Tumango .

Agad Umangkas si Tyrone sa Likod nya at Sya naman ay nagpatuloy sa Pag Pidal ng Bike.

Sumandal si Tyrone sa Likod nya ..Lihim naman Syang napangiti dahil sa kilig. Pero Hindi nya alam ay May matatamis na ngiti si Tyrone Habang naka Talokod sya.

"Sam..."Sabi ni Tyrone

"Bakit?" Nakangiti nyan sabi Dahil Hindi nya na Kayang itago pa.

"May Ipagtatapat-"

Hindi natapos ang Sasabihin ni Tyrone ng Bigla itong Bumaba at tinulak Ang Bike nya dahilan Para Bumagsak sya at Mag ka sugat.

Tinignan nya si Tyrone Pero Walang Boses nitong sinabi ang Katagang 'Sorry' Nakita nya ding Umakyat ito sa Bakod at Doon nya nakita ...ang mga kabarkada nito

Ako Laban sa mga kaibigan nya? Halata namang Mga Kaibigan nya ang Pinipili nya... Lagi

Sabi ni Samantha sarili at nag pakawala ng Buntong Hininga.

====

Isang Linggo na ang nakalipas at Isang Linggo nading iniwasan ni Samantha ang Grupo nina Tyrone.

"Uy Teh! Sasama ka ba sa Party nina Xyra?" Tanong ni Ella sa Bestfriend nyang si Samantha.

"Oo" Naka ngiting Sabi ni Samantha "Para Saan pa itong Pag aayos ko sa sarili ko kung Hindi ko naman ipapakita sa lahat?" Natatawang sabi nito

"Iba ka na te! Nag Level Up na Beauty mo! Mas maganda ka pa kay Marian Rivera nyan!" Mapagbirong Sabi nito .

---

Nag sasayawan,Kumakain at Kwentuhan yan ang nagaganap ngayon sa Party Masayang nakikipag Kwentuhan naman Si Tyrone Sa Barkada nya ng marinig nya ang Usapan ng mga babae sa Likod nya

"Ang Ganda na ni Samantha ngayon,Diba dati Panget yun?"

"Woah! Talaga?"

"Oo Mas Maganda pa ata kay Marian Rivera eeh"

Napa iling nalang si Tyrone

"Pre!Si Samantha ba yun?" Sabi ni James

"Woah.."Hindi makapaniwalang Sabi ni Clarck

"May igaganda pala Sya?"Hindi makapaniwalang sabi din ni Joseph

Dahil sa Kuryosidad ay Nilingon ni Tyrone kung Saan Sila naka tingin or Let Us say na Center of Attention na eka.

At Hindi Sya Maka Paniwala sa Nakita nya....

Isang Magandang Dilag na naka Suot ng Simpleng Red Dress ,Curly ang Buhok ....Mala Koreana ang Kutis Matangos ang ilong at May Pag ka singkit ang mga mata ang Nakita nyang babae..sa madaling Salita ay 'Maganda' Nakangiti itong Lumapit sa kanya

"Uhm...Tyrone.."Nahihiya nitong Sabi "Bagay ba?" Dagdag nya..

Napangiti naman Si Tyrone "Oo..Sobra..Sam Pwede ka bang makasama..Saglit?"

Nasa Garden ngayon si Tyrone at Samantha ..

"Samantha..May Ipagtatapat sana ako sa iyo"Sabi ni tyrone

Err..Sasabihin ko ba?

"Ano yon Tyrone?"Sabi nito

"Hmmm...Kasi" Sabi ni Tyrone at napa kamot pa ng Ulo

"Ano nga?"Nakangiting Sabi ni Samantha

"Nahihiya kasi ako"Sabi ni Tyrone Sabay Kamot ng Ulo

"Wag ka ng mahiya Bilis Sabihin mo na"Nangungumbinse nyang sabi

"Uhmm..."Nagdadalawang isip nyang sagot

"Uhmm??"Patanong na Pang gagaya ni Samantha

"Ano Kasi eh"Medyo nahihiyang Sabi ni Tyrone

"Ano Nga ?!"Inis ng Sabi ni Samantha

"GUSTO KITA!"Biglaang Sigaw ni Tyrone

Napatulala naman si Samantha sa Sinabi ni Tyrone

Sorry Tyrone ... Sabi ni Samantha sa isip nya..Kahit Alam nyang Masasaktan Din Sya

"Sorry..Tyrone... Pag aaral ang inuuna ko ngayon.. Pero kung Talagang Gusto mo ako ay mag hihintay ka"Sabi nito ..

Ngumiti naman si Tyrone at buong Kumpyansang sinabi ang "Maghihintay ako"

----

Characters

Samantha Lee

Tyrone Dela Pena

James

Clarck

Joseph

Ella

Author's Note :Sorry kung Panget xD Project kasi namin sa Computer Subject eeh xD Share ko lang Sayang kasi Lol

Love Warning / KAMIKAZE FANFICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon