6 years later....
"Thea gumising ka na papagalitan ka ng mommy mo kapag nalate ka sa school first day mo pa naman" narinig kong sigaw ng yaya ko pero hindi ko siya pinakinggan.
"Yaya naman bakit mo binukasan yung bintana ko" nagulat kasi ako ng may liwanag na pumasok sa loob ng kwarto ko yun pala binukasan na ni yaya yung kurtina ko.
"Hay naka ko baby girl bumangon ka na diyan dahil nasa baba na yung mommy mo pag yun umakyat dito siguradong lagot ka na naman." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko yung sinabi ng yaya ko. The last time na si mommy yung gumising sa akin kinuha niya yung mga album ng Kpop group na kinocollect ko.
"Oh ano gising ka na? Magbihis ka na dahil baka malate ka ba first day mo pa naman."
Bumangon na ako at mabilis na pumasok sa banyo. It was my first day of school well mabuti nga at may tumanggap pa sa akin na school dahil ang alam ko nakapag exam na sila at bawal ng tumanggap pero dahil tito ko yung may-ari ng school kaya tinanggap parin ako. Mabilis kong natapos yung mga morning rituals ko at paglabas ko ng banyo wala na si yaya at maayos na ang kanina lang na magulo kong kama. It's been six years at wala parin nagbabago sa dating kwarto well except sa dating puno ito ng mga kung ano-anong laruan pero ngayon puro books at isang cabinet ng collection kong KPOP album and Photobooks. Well I'm a teenager after all kaya wag na kayong magtaka kung ganito yubg room ko. Mabilis akong lumabas ng kwarto at pumunta sa Kitchen and I saw my mom and dad.
"Goodmorning Mom, Dad"
Nakangiting lumingon sa akin si Mommy " Morning Anak, magbreakfast kana at baka mahuli ka pa sa pasok mo"
"Where is Nikka Mom?"
" Tulog pa siguro pabayaan mo na dahil wala pa naman siyang pasok."
Pag-upo ko kumuha agad ako ng pagkain dahil baka malate pa ako, pero okey lang mas gusto ko nga yun agaw attention.
"By the way Thea babalik na kami nina Nikka sa state next week are you sure na gusto mo talaga ditong magstay?"
"Yes mom namimiss ko na yung mga friends ko at saka alam mo naman na wala akong friends sa state kaya ayaw kong magstay dun"
"But you still our baby girl, at wala kang kasama dito" malungkot na sabi ni mommy.
"Kasama ko naman sina yaya saka I'm a big girl na mom I'm already 16 I can manage my self" nakangiti kong sabi
"But-"
"Dad si mommy nagdradrama na naman" hinging ko ng tulong sa daddy kong tumatawa lang.
"Hayaan mo na baby girl mamimiss ka lang niya."
Tumawa ako sa naging reaction ni mommy dahil hinanpas pa niya si daddy " Sige na mom malelate na ako sa school kaya aalis na ako." Nagkiss ako sa kanila bago tumakbo palabas ng bahay.
Paglabas ko nakita ko yung driver namin na naghihintay, tinignan ko yung paligid namin wala parin nagbago except sa medyo marami ng bahay pero yung park at mga puno kung saan madalas akong maglaro ay nakatayo parin. Two days ako ng dumating kami rito pero hindi naman ako lumabas ng bahay dahil sa sobrang pagod at pagliligpit ng gamit ko, pero may isa pang mas malalim na dahilan kaya ayaw kong lumabas ng bahay. Dahil natatakot ako na baka makasalubong ko siya. For six years wala akong naging balita sa kanya kahit na nagkakausap kami ni Kate iniiwasan kong mabanggit ang pangalan niya. Siguro nahalata rin niya na ayaw kong pag-usapan siya dahil wala naman kaming magandang memories together. Sumakay na akong ng car at baka malate pa ako ng pasok sa school namin.