CHAPTER ONE

73 2 0
                                    


"Vacant tayo ngayon---" hindi pa ako tapos magsalita, naghiyawan na't nagtatalon ang mga kaklase ko sa tuwa.

"Teka-- hindi pa 'ko tapos" sinenyasan ko silang maupo. "May meeting ang faculty teachers kaya ganon, sabi ni Ma'am kapag magulo daw tayo tuloy ang long test bukas"

"YAHOO!"

"TARA SA CANTEEN?"

"SINONG NAMBATO?!"

Wala pa'ng limang minuto ng mag announce ako, kagulo na ang lahat! Bago pa makalabas ang pupuntang canteen humarang na 'ko sa pinto.

"Prez, iihi lang kami" palusot pa nila.

"Balik sa upuan. Narinig ko kayo" kamot ulo sila'ng bumalik.

Kauupo ko pa lang sa upuan ko ng makita ko ang grupo nila Eldrinson na papalabas.
Puro sila matatangkad na lalaki, kaya tuwing kakausapin sila ay napapatunghay ako.

"Saan kayo pupunta?"

"Iihi, sama ka?" nangaasar na si Eldrinson.

"Hindi pwede"

"Kelan pa pinagbawal ang umihi?"

"Saan ka nakakita'ng iihi lang dala pa ang bag? Hindi niyo ko maloloko. Magka-cutting lang kayo e. Balik"

"Mga pre, takbooo!"












ILLEGALLY YOURSWhere stories live. Discover now