Chapter Two

6 0 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY, tol!" Masayang bati ni Dave kay Randy sabay abot ng hawak hawak niyang regalo.

"Salamat tol." Nakangiti namang tugon ni Randy sa kanya. "Ikaw Jomar, nasaan ang regalo mo?" Baling nito sa isa pa nilang kaibigan.

"Wala tol, utang muna, doblehin ko na lang sa susunod na taon kung sakaling buhay ka pa." Nangangasar na sabi ni Jomar kay Randy.

Kasama nito ang girlfriend na si Hanna. Tumawa lang ang dalaga sa kanilang usapan.

"Kahit birthday ko wala kang patawad sa pangangasar e no?!" Naiiling na tugon ni Randy sa banat ni Jomar.

"Joke lang 'tol, ito regalo ko, happy birthday tol, wish ko talagang last na si Rea kagaya ng madalas mong sabihin ngayon." Bati ni Jomar sabay abot ng regalo nito na itinago sa likuran.

Nakangiti namang kinuha ni Randy ang inabot na regalo ni Jomar. "Salamat tol. Parehas tayo ng wish ngayong birthday ko." Ani Randy.

"Ito naman regalo ni Rex. Dinaan niya kanina sa bahay." Abot ni Dave ng isa pang regalo.

"Sige. Text ko na lang siya para magpasalamat." Sabi ni Randy.

"Ang saya sana kung kumpleto tayong Tropang Hamog, bakit kasi ngayon pa nagka emergency sa bahay nila Rex." Paghihimutok ni Jomar.

"Wala tayong laban sa emergency tol. Marami pa namang pagkatataon para mabuo tayo." Sabi niya sa mga kaibigan.

"Tama." Pag sang ayon naman ng birthday boy na si Randy. "I-enjoy na lang muna natin ang gabi na ito. Maraming handa dyan, kain lang kayo. Iwan ko muna kayo dito, harapin ko muna ibang mga bisita. Mamaya punta kami dito kasama si Rea pati mga kaibigan niya." Paliwanag pa ni Randy bago sila nito tuluyang iwanan.

Pumwesto na sila sa pinakamalapit na table at upuan kung saan sila nakatayo. Pagkatapos ng sandaling pag uusap ay nagsimula na magkaroon ng sariling mundo sina Jomar at Hanna. Wala siyang magawa kung hindi ang magmasid sa dalawa. Kahit na ilang taon na relasyon ng mga ito ay kita pa rin niya ang saya sa mata ng mga ito. May pagka luko-luko lang naman ang kaibigan nila pagdating sa mga asaran at kwentuhan nilang magto tropa pero pagdating sa babae at pakikipag relasyon, seryoso naman ito at marunong mag alaga. Inilibot na lang niya ang tingin sa paligid. Marami-rami din ang bisita ni Randy. Marami naman kasi talaga itong kaibigan. Sa kanilang apat ito ang mahilig makipag kaibigan. Mga kaklase at team mates niya sa basketball ang andoon, iyon ang hula niya, may mga ilang pamilyar na din sa kanya pero mas marami ang hindi. Nagdesisyon na siyang tumayo bago pa siya tuluyang mabagot. Kukuha na lang siya ng pwedeng makain. May catering naman at mukhang marami talagang pagkain. Taon taon naman na ganito si Randy, hindi naman sa pagiging maluho pero dahil nga sa palakaibigan itong tao, iyon na din ang paraan niya na mapagsama sama ang mga taong malapit sa kanya, at dahil may kaya naman ang pamilya nito, kahit gaano pa kalaki ang gatusin ay walang problema.

Malapit na sana siya sa luga kung nasaan ang mga pagkain ng mamalayan niyang may natapos na juice sa kanyang balikat kasabay ng pagkakabangga ng isang tao sa kanyang katawan.

"Oooops, I'm sorry, sorry talaga." Narinig niyang sabi ng taong nakabangga sa kanya.

Napako ang tingin niya sa juice na natapon sa kanyang katawan pero noong marinig niya ang taong nagsalita sa harap niya ay dito na napako ang kanyang mata.

"Hindi ko sinasadya, pasensya na talaga." Sabi pa ng babae na nasa harapan niya.

Pansin niyang tila nahihiya na natatakot ang itsura ng babae. Mukha din itong nag aalala kung magagalit ba siya dahil sa nangyari. Bukod sa mga bagay na iyon, may iba pa siyang napansin sa babae. Napaka amo ng itsura nito. Bagay din dito ang buhok nitong katamtaman lang ang haba. Kahit hindi ganoon kalinaw sa paligid ay kita pa rin niya ang maganda nitong mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love (Triangle) StoryWhere stories live. Discover now