"PANAHON ANG DAHILAN"

3 0 0
                                    


Ang aking pakiramdam ay nag uumapaw sa saya,
Dahil nalaman kong pareho tayo ng nadarama,
Ang ngiti sa'king mukha ay hindi na halos maipinta,
Kapag naiisip ko ang masasaya nating ala ala.

Ang tanging hangad ko lang naman ay maging masaya ka,
Kaya pinili ko na lamang na pakawalan ka,
Masakit para sakin ang maiwan mag isa,
Ngunit anong bang laban ko kung ayaw mo na?

Ayaw ko namang ipilit ang aking sarili,
Sa taong hindi ako kayang ikubli,
Ang tangi kong nagagawa ay ang pag hikbi tuwing gabi,
At mag isip kung bakit kailangang lagi ako isantabi.

Alam kong tama ang ating pag iibigan,
Dahil wala namang masama sa pagmamahalan,
Ngunit maling panahon ang ating natyempuhan,
Na naging dahilan ng ating hiwalayan.

Kaya panahon na siguro para ating tigilan,
Ang pagmamahalan nating hinadlangan,
May tamang panahon naman para sa'ting dalawa,
Kung para talaga tayo sa isat isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"PANAHON ANG DAHILAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon