096

271 12 0
                                    


Voice record #06

"B-bright.. Pasensya na kung di ako lumaban ah? Di ko nakayanan eh. Sobrang sakit na, nakakapagod na lumaban sa isang labanan kung saan matatalo lang din naman.

Bright. Sana lagi mong tandaan na wag kang susuko. Please bright, when you're feeling down, talk to mingyu. Please, don't overthink.

Bright, ako'y mamamaalam na. Malapit na kong mamatay. Sa tingin ko hindi na kita makikita. Pero nakikita kita sa panaginip, nakikita ko ang isang anghel na lumilipad sa langit.

Salamat bright. Salamat sa lahat. Sa pagiging makulit mo sakin dati bilang si rainbow.

Pasensya na bright kung iiwan kita ah? Nangako ako sayo na hindi kita iiwan pero eto, iniwan parin kita. Pasensya na talaga, kung pinilit ko lang sana na gumaling edi sana hindi kita maiiwan.

Nakain kasi ako sa sarili kong thoughts. Naisip ko na ano pang saysay ang pagkabuhay ko dito kung si mingyu pa rin naman ang mahal mo? Ano pang saysay ng paglalaban ko sa sakit ko kung hindi ka din naman mapapasakin?

Masakit pala ma-one sided love haha. Kingina bright bakit mahal na mahal kita? Pinilit kitang alisin sa puso't isip ko, hanggang sa di ko namamalayan na nanggamit na pala ako ng tao.

Akala mo ba kami na ulit ni comet? Hindi kami. Sadyang nung time lang na yon eh gusto kong makalimutan kita dahil ang sakit. Pero alam mo may natutunan ako. Natutunan ko na kung totoo talaga ang nararamdaman mo sa isang tao, hindi agad siya maaalis sa puso't isip mo kahit ano ang gawin mo.

Sige bright, tutulog na ko, sobrang pagod na ko eh. Gusto ko nang magpahinga. Yung tipong hindi na ko magigising haha. Aabangan ko kayo bukas. Sabi sakin ni joshua na may s-sasabihin ka daw sakin. Sasabihin mo bang mahal mo ako? Hahaha biro lang. Alam kong imposible.

Wonwoo ano ba! Itigil mo na nga yan! Magpahinga ka na! Sobrang hina mo na tapos gagawin mo pa yan?! Diba sabi ng doktor bawal kang magpago-

Para saan pa kung mamamatay din naman ako?

Putangina naman jeon wonwoo! Wag mo ngang sabihin yan!

Tanggapin nalang natin joshua. Tanggapin nalang natin ang katotohanan.

Wag kang umiyak pakyu naiiyak din ako sayo.

Halika nga dito, pakainin mo ko haha.

Gago

Sige bright. Tatapusin ko na to. Ang haba na pala haha. Wag mong kakalimutang mahal na mahal kita aking langit. Paalam."

Skies | Jeon Wonwoo Where stories live. Discover now