8 years before
Kim's POV
Andito ako ngayon sa Park .
Nakaupo sa ilalim ng puno ng Mangga. Favorite spot ko dito kasi nakakarelax at maganda ang tanawin
kasi ang paligid ng puno ay maraming nakatanim na bulaklak.May mga rose, gumamela , santan , sampaguita , yellow bell at marami pang iba.
Parati akong pumupunta dito kapag malungkot ako at nagiisa. Ako ang nagaalaga ng mga bulaklak na ito kaya ang gaganda .
Lagi akong pumupunta dito kasi ang mga parents ko BUSY sa TRABAHO nila. Lagi na nila akong pinapagalitan at sinasaktan. Si Yaya Minta lang ang laging kasama ko.
Si Yaya Minta ang nagaalaga , nakakaintindi , nagmamahal at nagmamalasakit sakin . Tinuturi niya akong anak kahit hindi naman . Siya
lagi ang tinatakbuhan ,iniiyakan ko at sinusumbungan.Sana siya nalang ang nanay ko.
Nagiisang anak ako ni Mrs. Kaye Jean Padilla at Mr. James Daniel Padilla
Anak nila ako pero tinatrato nila akong alila. Lagi nila akong kinukulong , ginugutom , sinasaktan, sinasabihan ng masama, inaalila , at ninapahiya sa ibang tao.
Ayaw sakin ng mga tao dahil masama daw ako, minsan nga eh tawag sakin Beast. Halimaw daw ako at malas sa pamilya.
Nasasaktan ako sa sinasabi nila kaya napapaaway ako. Pero imbis na ako ang kampihan nila yung iba pa ang kinakampihan at pinapahiya pa ako.
Minsan na realize ko na bakit pa ako ipinanganak na malas ?
Napakasakit isipin na sarili mong magulang ayaw sayo. Lagi akong umiiyak tuwing na iisip ko ito.
Napaka swerte ng iba na kahit na mahirap sila pero masaya , kompleto, nagtutulungan at nag mamahalan sila.
Gusto ko nang lumayas sa impyerno na to pero kahit gustong gusto ko nang umalis di ko kaya kasi mahal ko ang Parents ko. Ginawa ko nga ang lahat para maging proud sila pero kinakahiya pa nila.
Naiiyak nga ako ngayon eh. Pero lumalaban ako. Fighting !
Umiyak lang ako ng umiyak kasi di ko na kaya.
"Don't cry . Here"
Inibot niya sakin ang blue na panyo . Kinuha ko ang panyo pero hindi ko siya hinarap. Punas lang ako ng punas ng luha.
"Sinasayang mo lang ang luha mo . Smile ka ! I don't want to see a girl who is crying"
" Pake mo ! "
Sinigawan ko lang siya. Naramdaman kong nagulat siya kaya mas lumapit siya at sinilip niya ang mukha ko.
" Stop that ! "
" Sorry "
Nalulumnay na sagot niya kaya unang inangat ulo para makita ko siya.
Isang batang lalaki na naka blue plane T shirt , black shorts at naka cap na pula.
Nakita kong malungkot siya.
" Ba't malungkot ka ?"
"Sorry for making you angry I just wanted to make friends with you"
Mas lalo siyang yumuko kaya sinilip ko ang mukha niya.
" Sorry kung nasigawan kita"
"It's ok I understand"
Napatingin ako sa kanyang mga mata .
Talagang gusto niyang makipagkaibigan sakin."Hindi ka ba takot sakin?"
"Nope"
Mabilis niyang sagot at ngumiti ng malapad. Nagulat ako sa sinagot niya.
"Are you Sure ?"
Paninigurado kong tanong.Tumango lang siya at ngumiti.
"Ako pala si Monch, ikaw?"
"Tawagin mo na lang akong Hanie "
Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti.
Simula nun naging matalik na kaming magkaibigan ni Monch.
Si Monch ang kauna unahang kaibigan ko kase ayaw ng mga bata na maging kaibigan ako dahil halimaw daw ako.
Di ko naramdaman na mahalin ng ibang tao maliban kay Yaya Minta.
Nangako kami sa isa't isa na hindi mag iiwanan.
"Hanie !!"
"Oh Monch, kamusta na? "
"Hanie dederitsuhin na kita"
"Ha?"
"Ayaw ko nang makipagkaibigan sayo"
Parang binuhusan ako ng semento sa narinig ko.
Namumuo na ang mga luha sa mata ko ngunit pinipigilan kong maluha.
Sumisikip na ang dibdib ko na parang sasabog na ako. Naghahalong kaba , lungkot , disappointed at galit.Kaba na bakasakali na malaman niya ang tungkol sakin.
Lungkot dahil ayaw na niyang makipagkaibigan sakin.
Disappointed kasi di na kami magiging magkaibigan.
Galit dahil di niya tinupad ang pangako."Ba-bakit?"
"I don't want to be your friend anymore at pake mo sa disisyon ko !"
Aakmang aalis siya pero hinawakan ko siya sa braso. Inis niya akong hinarap.
"Ple-please don't leave me, ano ba ang kasalanan ko? May nagawa ba akong mali?"
"It's none of your business so get lost"
Sabay alis ng kamay ko at umalis.
Naiwan akong umiiyak. Palagi naman ehh. Pero simula nung makilala ko siya nag iba ang lahat.
I feel like I'm one of those people that is normal. That even my parents doesn't love me may taong tatanggap at mamahalin ako kahit sino pa ako at ano pa ako.
Pero wala na.
He hates me.
No one will love me except Yaya.
Bakit ba lahat ng taong mahal ko ayaw sakin ?
So I decided to be a beast.
A girl who has the baddest attitude on Universe.A girl who has a stone hearted and no mercy.It's their fault kung bakit ganito ako.
Sila ang gumawa sa halimaw nato.If they hate I will hate them more than the most.
YOU ARE READING
Love Lie's
RandomLove is a very complicated word with different meaning and definition. Love has a different effects in people's life . Love can cause happiness and sadness , loved and pain. Do you believed in LOVE ? Why would I believe in that ? People hates me...