TOUCH (One Shot)

2.5K 97 27
                                    

Felicy's POV.

Blue skies, birds chirping while resting at their nests. Right now, I'm happy to feel the peacefulness of the forest.

I am alone again.

But that's okay, I'm used to it.

My parents were always busy with their own businesses. Sanay na ako doon. I came from a broken family anyway. Pinili ko na lamang na tumira sa bahay ng Lola Nympha ko. Mabuti pa si Lola, ipinaparamdam sa akin ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko naramdaman sa mga magulang ko.

"I'm blindfolded on this carriage ride that they called life." I'm singing one of my favourite songs. Hindi ko na matandaan kung saan ko ba unang narinig iyon.

"Keep trying to make it through the next turn, knuckles white an—." I stopped singing when I heard some footsteps. Nilibot ko ang aking paningin, pero wala akong nakitang tao. But I'm very sure na may narinig talaga ako.

I started to feel the creepiness, kaya kaagad akong tumayo. Ngayon lamang kasi nangyari sa akin iyon, gayong matagal na akong nagpapabalik-balik sa gubat.

My grandmother's house were not that far from where I'm standing. Limang minutong pagtakbo lamang ay kaagad na akong makakauwi.

I'm about to stepped my foot, when I felt the cold breeze of the wind. It's getting creepier habang tumatagal ako roon.

Tumakbo ako, tumakbo ako ng mabilis. Ramdam ko na may sumusunod sa akin.

Hindi ko gusto ang takot na namumuo sa aking dibdib kaya pinag-igi ko ang pagtakbo.

I saw my grandmother's house.

Kaunting takbo na lamang Felicy.

Pero bago ako makarating sa liwasan ay isang lalaki ang humarang sa akin.

Dahil sa bilis ng takbo ko ay hindi kaagad ako nakapreno.

Mababangga ako sa kaniya kung hindi siya aalis sa unahan ko. Pero mabuti na iyon, para kahit papaano ay hindi ako masubsob sa lupa.

My eyes widened nang umiwas siya. Napadaing na lamang ako nang tuloy-tuloy akong madapa.

"Arcu! Don't do that again!" Napalingon ako sa lalaki nang magsalita ito. He's talking with this creature na hindi ko ma-explain kung ano.

Iyon yata ang sumusunod sa akin kanina.

"Hey Miss, I'm sorry, natakot ka yata ni Arcu." Napapitlag ako nang umungol ang Arcu na tinatawag niya.

I don't know what to say.

Nananaginip yata ako. Is there any possibilities na may ganiyang nilalang sa gubat na kinaroroonan ko? Is that even normal?

"Miss, are you okay?" Nakakunot noong tanong sa akin ng lalaki.

"Y-Yeah, I-Im fine." Sagot ko sabay hingang malalim bago tumayo.

Muli akong napadaing nang gumuhit ang sakit sa aking balakang.

"Parang hindi naman maayos ang pakiramdam mo. Saan ka ba nakatira para maihatid kita." Napatingin ako sa kaniya.

"I can manage, and besides I don't know you, bakit ako magpapahatid sayo?" Mataray kong sabi.

Totoo naman iyon. Hindi pwedeng basta-basta na lamang akong magtitiwala sa kung sinu-sino.

"Kung natatakot ka na baka may gawin akong masama sayo, nagkakamali ka Miss. Mabuti akong tao." Sabi niya sabay iwas ng tingin nang mabigkas niya ang huling sinabi.

Pinasadahan ko ang kaniyang kabuuan. Maayos naman siya, malinis, gwapo, tanging ang damit lamang niya ang naiiba sa aking paningin.

"I'm Ashton." He said while smiling.

Touch (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon