Thiamine's Point of View
Hello Philippines and Hello World. Toni G lang ampeg. Kakagising ko lang ngayon. Maraming Salamat kay Papa God for waking me up. Another blessing. :')
Agad kong hinablot ang iPad ko na nasa table kung nasaan ang lampshade ko. Mago-online lang. Iche-check ko kasi kung ano nang update sa mga mahal ko.
Alam niyo ba yung Gimme 5? yung sikat na Teen Boyband dito sa Pilipinas. Grabe. Whoo kung pwede lang talaga magpakasal sa higit sa isang tao, gagawin ko na!
M.. magkakaroon raw ng.. GRANDFANS DAY ANG GIMME 5?! jusme kailangan kong makapunta! Kailangan talaga. Gusto kong makita yung mga asawa ko, namaaaaan!
Agad ko namang chinat si ate Lianne. Siya kasi yung isa sa mga admin ng Gimme 5 na medyo ka-vibes ko.
Okay, gotcha! 1 reserved slot! witwiw.
**
"Mi, payagan niyo na po ako please? isang beses lang naman yun eh!" guess what? inabot na kami ng 12:30 a.m kakapilit ko kila Mommy na payagan ako.
So, mamaya na ang fansday.. Paano ba 'to?
"Aya, sinabi na't hindi nga pwede. Ano nang mapapala mo duon? Just go back to your room! NOW!" sigaw ni Dad.
Whoa. Nagbu-blur na ang paningin ko. Kaya bago pa tumulo ang luha ko, tumakbo na ako sa kwarto.
**
"Hoy Ayaaaa! Ano ba? sasama ka ba?!" nagising ako sa isang sigaw. Oh, si Caitlin pala.
Pinsan ko si Caitlin, fan din siya ng Gimme 5. At sa nakikita ko naka-red siya, Team Joaquin. Bihis na bihis na oh.
bumangon ako sa kinahihigaan ko at umupo. Pati si Caitlin umupo na din.
"Ayaw akong payagan nila Mommy. Wala daw akong mapapala duon." sabi ko habang nanginginig ang boses.
"tch, sayang naman." sabi ni Cait. "Sige na, aalis na ako, late na ako eh!"
"Ingat ka! ihalik mo na lang ako sa kanila!" sigaw ko.
"Hahaha sige!" sussss. Swerte ni Cait.
Nakakaasar naman kasi. Wala raw ako mapapala? Happiness! Yun ang mapapala ko dun. =.=
**
Lumabas ako ng kwarto para tingnan kung nanduon pa sila Mommy.
"Ya, umalis na po ba ang Mommy at Daddy?" tanong ko.
"Hija, kanina pa umalis." sagot ni yaya.