Chapter3
Cassandra's POV
Hi guyz!! it's me \^_^/Nung umalis na si Nathalie ay tsaka na rin ako umuwi sa amin. Naka motor lang ako pauwi. oo marunong ako mag motor hehehe.. habang nag dadrive ako meron akong nadaanan na carenderia. Naalala ko na may pera pa nga pala ako kase nilibre ako kanina ni Nathalie.. kaya huminto ako sa tapat ng carenderia para bumili.
Hmm.. ate pa take out nga po. sabi ko sa tindera
Sige ano bang i papatake out? tanong nung tindera
Ahmm. 30 pesos pong Afritada, at 30 pesos na sinigang at 20 pesos pong chop seuy.. sabi ko.
80 pesos lahat. sabi nung tindera at
ibinigay ko naman ang bayad sabay ng pag-abot ng mga pinatake out ko. ilalagay ko na lang sa ipon ko yung natirang baon ko.Salamat ate.. sabi ko sa tindera
Salamat din. balik ka sa susunod. paalala nung tindera sa akin
Hehe sige po. sabi ko sa kanya at sabay na umalis pauwi.
{ Bahay }
Nay! nandito na ako. bati ko sa nanay ko
Oh buti naman nandyan ka na! sigaw sa akin ng nanay ko habang papunta sa akin. San ka galing ha?! kala ko ba alas kuwatro ang uwian mo?! anong oras na oh! mag aalas sinko na! sigaw ng nanay
P-pasensya nay.. may hinintay pa ho kase ako kanina at may binili pa ho ako.. pagpapaliwanag ko
Ehh ano yang dala mo?! sigaw na tanong ni nanay
>_< Nakakairita!
B-bumili ho kase ako ng ulam natin ngayon.. eto po. sabay abot ko kay nanay
Ano?! ibibigay mo lang sa akin yan? gusto mo ako pa maglagay niyan sa lamesa ha! salin mo don sa mangkok at lagay mo sa lamesa! sigaw ng nanay at sinunod ko naman. Aba! gusto ako pa gagawa. magbihis ka na don sa kuwarto mo! at maya-maya ay dadating na ang papa mo! sigaw na naman ni nanay
O-opo eto na.. sabay akyat sa kuwarto at nagpalit na ng damit. Gumawa muna ako ng mga assignment ko at bumaba.
Wala pa ho ba si itay? tanong ko kay nanay
Nakikita mo ba diyan?! sigaw na naman niya
H-hindi pa ho.. sagot ko
E di wala pa! gamitin mo nga yang utak mo. dadating din iyon maya-maya! sabi ni nanay. Maghain ka na diyan para kapag dumating ang tatay mo ehh naka handa na ang mga pagkain. utos niya sa akin
Op0.. tsaka na ako naghain. at maya-maya narining kong bumukas ang pinto at bigla akong tumingin kung nandyan na ba si itay. sabik na kase akong makita siya kase 2 araw siyang wala dito dahil bc daw sa trabaho. pumunta na agad ako sa pinto para salubungin siya..
Itaaaa--- naputol ang sasabihin ko dahil hindi si itay ang nasa pinto.
Oh?! anong tinitingin-tingin mo diyan ha?! nag tapon lang ako ng basura sa labas! anong ginagawa mo diyan?! tapos ka na bang mag hain?! Tanong ni nanay
>_<
kala ko si itay na..Opo tapos na po ako maghain.. sabi ko kay inay
Oh ehh anong hinihintay mo diyan?! tara na kumain na tayo. sabi ni nanay
Hindi po ba natin hihintayin si itay? tanong ko
wag na at ako'y gutom na.. bahala ka kung gusto mong mag hintay diyan at ako ay kakain na! sabi ni nanay
BINABASA MO ANG
Can I Still Call You My BestFriend?
Teen FictionSi Nathalie Joy Jauquine Gorzon ay isang tipo na mababae na mabait, maganda, nag iisang anak ng mayaman, matalino, matulungin, responsable, at lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya na. Maraming humahanga sa kanya dahil sa hitsu...