Chapter 1

9 1 0
                                    

YAAAAAAS! Last stretch of college life!!! Habang nagiinat-inat at ipinoproseso sa isip ko na huling term ko na ito sa college. Umupo ako sa aking study kung saan naroon ang aking laptop at hinayaan ang isip na magliwaliw. So, ano nga ba ang gagawin ko after grad? Siguro ay magbubukas ako ng sarili kong clothing line, I can ask mommy for help with the designs, or I can just hire high caliber designers. I want to put up my own business, I want my name to be known in the industry for my own works.

But then... I don't know what I want.

Ang kabuuan ng aking kwarto ay pinaghalong puti at itim ang interior. Modern minimalistic ang tema nito. Queensized bed ang nasa gitna. Purong puti ang bedsheet, comforter maging ang pillowcases. White is soothing for me, while the rest of the furnitures and appliances are in black. Sa aking balkonahe naroon ang aking coffeetable kung saan madalas akong kumain ng agahan sa tuwing wala akong pasok o commitment sa trabaho. Mula dito ay tanaw ko ang aming garden kung saan rin matatagpuan ang malaking swimming pool. Mayroon akong sariling banyo sa loob ng aking kwarto kung saan gaya sa labas ay itim at puti rin ang tema. Maingat na nakasalansan doon ang aking mga toiletries at iba pang kaartehan sa katawan. Ang kabilang pinto naman ay patungo sa aking walk-in closet. Narito ang aking vanity mirror, make up, mga alahas at iba pang borloloy na pawang kaartehan pero maituturing na necessity sa nature ng aking trabaho. Agad na nahagip ng mata ko ang malaking wedding picture namin na naksabit sa aking wall. Nasapo ko ang noo ko, at bumuntong hininga.

DAMN!

"Good morning po manang Terry" Bati ko sa kasambahay namin nang maabutan ko siya sa kusina.

Ako ang nagdesisyon sa disenyo ng buong bahay, maging sa mga appliances at furnitures na narito. I'm the one who decided about everything in here. Mula sa mga banga, carpet, kurtina, blinds, hanggang sa television, refrigerator, split type aircons at mga plato maging kubyertos. Lahat ay ako. Hindi ko alam kung liberty ko ba yun bilang may bahay niya o sadyang wala siyang pakialam sa bahay na aming titirhan. Kahit ano pa man sa dalawa, natutuwa ako na makita na I did have a good taste.

Nilingon niya ako at nginitian "Kumain ka na hija, maluluto na itong bacon, nariyan na sa dining table ang french toast."

Wala na talaga sa plano ko ang kumain pa dahil malelate na ako subalit inabot naman ako ng hiya. Hindi ko matatanggihan ang pagkaing inihanda para sa akin. Sumimsim ako sa aking brewed coffee at nagsimulang kumain. Ginawa ko itong mabilis sapagkat kanina pa hindi matigil sa pagba-vibrate ang aking cellphone.

Nang matapos akong kumain ay agad akong nagpaalam at dumiretso na sa aking sasakyan para makaalis. Bagamat napakalubha ng traffic, minadali ko ang byahe patungo sa University. Ipinarada ko sa usual spot ang aking sasakyan. Isinuot ko ang aking wayfarers at bumaba.

Batid ko ang mga matang nanonood sa akin ngayon, kung kailan ba ako masasanay sa ganito ay hindi ko alam. Minadali ko ang paglalakad, may ilang bumabati sa akin na sinusuklian ko naman ng ngiti.

Sobrang awkward para sa akin nang ganitong eksena, kahit pa sabihing ilang beses kong ginagawa ito sa isang linggo, at apat na taon na ako sa kolehiyo... hindi pa rin ako kumportable na dumaan in the sea of students eyeing me. Not that I care about their opinion of me.

Agad akong nakaramdam ng ginhawa nang mamataan ang dalawang pamilyar na mukha na tila ba kanina pa inip na inip na sa paghihintay sa akin. Kumaway ako at inismiran ako ni Richie, napahalakhak ako.

"Kanina pa kayo?" tanong ko nang tuluyan nang makalapit sakanila.

"Hindi ka na talaga magbabago Karishma Fatima Azarilla... Villaventura." iiling-iling na reklamo nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

War Between LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon