Chapter 1

1 1 1
                                    

''@disneywords: When life gets rough, I like to hold on to my dream. - Olaf (Frozen)'' basa ni Jackie sa isang tweet. Mapait na napangiti siya kanyang nabasa. Naalala na naman niya ang pangarap na matagal na niyang gustong matupad ngunit kahit kailan ay hindi na maaari. A dream that could not happen.

Pinatay niya ang kanyang laptop at umupo sa harap ng kanyang desktop computer. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawang program para sa isang system na kaniyang ipapasa sa boss niya sa susunod na linggo.

Mahigit apat na oras na niyang ginagawa iyon ngunit hindi pa siya nakakapangalahati, masyado kasing demanding ang kanyang boss. Apat na taon na siya sa kanyang pinag tatrabahuhang kompanya ngunit hindi parin siya sanay sa buhay na mayroon na siya ngayon. Hindi na niya hawak ang oras niya ngayon hindi tulad noon. Tulad ngayon, imbis na natutulog na siya ng ganitong oras ay hayun siya at nakaharap sa kanyang computer at gumagawa ng codes. Napakahirap maging isang programmer. Hindi niya inaakalang ito ang magiging trabaho niya pagkatapos niyang mag kolehiyo dahil hindi naman niya talaga gusto ang kanyang kurso noon. Nagtataka nga siya kung paano siya nakagraduate noon. Pero ito na siya ngayon isa nang programmer sa isang kumpanya sa Manila.

Ginawa niya ang lahat matulungan lang ang kanyang pamilya. Sa eded niyang dalawampu’t apat ay naipagpatayo na niya ang kanyang mga magulang ng isang maliit na grocery store sa kanilang lugar. At napag-aaral rin niya ang kanyang dalawang kapatid sa isang magandang eskwelahan. Nagbunga rin ang pag-sasakripisyo niya ng kanyang sariling pangarap para sa kanyang pamilya. Meron na rin siyang naipundar na bahay sa isang subdibisyon sa Calamba.

Doon niya balak tumigil pag nakahingi na siya ng three month vacation sa kanyang boss. Noon pa siya nito pilit na pinagbabakasyon ngunit laging hindi ang sagot niya rito. Sa nakalipas na apat na taon kasi ay titinutok niya ang kanyang oras at panahon sa trabaho niya. Kaya bilib sa kanya ang kanyang boss dahil lagi niyang natatapos sa oras ang kanyang trabaho at kung minsan pa nga ay maaga pa siyang natatapos. Kaya ngayon palang ay ginagawa na niya ang kanyang trabaho. Target niyang matapos ang pag gawa ng codes sa loob lamang ng limang araw at ipapasa na niya iyon sa kanyang boss at pag nagustuhan nito ang kanyang gawa ay tsaka niya sasabihin ang kanyang balak na tatlong buwan na bakasyon.

Patapos na si Jackie sa ginagawa niyang program ng araw na iyon. Halos apat na araw na siyang hindi lumalabas sa kanyang apartment para matapos lang kanyang ginagawa. Konting pag aayos na lang at maipapasa na niya iyon sa kanyang boss bukas. Napaaga pa siya ng isang araw sa kanyang target day kung kelan niya matatapos ang program na ginagawa. Nang matapos na niyang icheck at ayusin ang dapat ayusin sa program niya ay inilipat niya iyon sa isang flashdrive para maipasa na niya sa kanyang boss bukas ng umaga. Matapos niyang mailipat ang kanyang ginawang program ay umalis na siya sa harap ng kanyang computer at nahiga na siya sa kama. Napatingin naman siya sa orasan sa kanyang bedside table. Alas dose na pala ng tanghali at hindi pa siya nakaka kain ng tanghalian kaya tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga at lumabas ng kwarto para magtungo sa kusina upang magluto ng kanyang pananghalian.

Nagsalang na si Jackie ng sinaing sa rice cooker ng marinig niya ang sunod-sunod pagtunog ng kanyang doorbell.

"Sandali! Andyan na!" sigaw ni Jackie sa kung sino mang nasa labas ng kanyang pinto at dali-daling binuksan ito.

"God! Jackie, bakit hindi ka namin makontak! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo," bungad ng isa sa best friend ni Jackie na si Elle sa kanya.

"Baka puwede sa loob nalang tayo mag-usap," singit naman ng isa pang bestfriend ni Jackie sa si Tine.

Pinapasok ni Jackie ang kanyang mga bisita at pinapunta sa sala para maupo at makapag-usap sila.

"Sorry dear, busy lang ako. Di ko na nga rin nahahawakan ang cellphone ko eh. Kailangan ko kasing tapusin yung program na ginagawa ko," sagot ni Jackie sa tanong ni Elle sa kanya kanina.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon